Lulon sa loob ng kanyang sasakyan habang inabala ko ang sarili sa tanawin sa labas.
Makulimlim ang kalangitan. Inangat ko ang aking kamay at tinalunton ng aking hintuturo ang patak ng ulan na rumaragasa sa salaming bintana.
Inulit ko muli iyon hanggang sa narinig ko ang boses ni Saint sa aking tabi. Sinulyapan ko siya, nakatingin siya sa akin.
Tuwid ang kanyang upo. Nakapatong ang kanyang siko sa may bintana habang hinahawakan ang kanyang pang-ibabang labi samantalang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa manibela.
“I just want to inform you that from this day on, makikita mo na ako palagi at kahit ano’ng gawin mong iwasan ako ay itutulak ko pa rin ang sarili ko sa’yo,” aniya.
Ibinaba ko ang aking kamay sa aking kandungan. Diretso ang tingin ko sa harapan kung saan ang mga nakahilerang sasakyan na hindi pa umuusad.
Bumuntong-hinga ako. “Gawin mo ang gusto mo. Hindi rin naman kita magugustuhan.” mariin kong sabi.
Hindi ko siya magugustuhan… hindi pwede…..
Imbes mainis o magalit sa sinabi ko ay naaaliw pa ako nitong tinignan. Kinagat nito ang kanyang pang-ibabang labi, pinipigilan ang mapangiti.
“Okay,” aniya. Sa huli, may multo ng ngiti sa kanyang labi, hindi sineseryo ang sinasabi ko.
Naningkit ang mata ko. “Hindi ka naniniwala?”
Hindi ko talaga siya magugustuhan! Bakit hindi siya naniniwala?
“I didn’t say anything, Aviona. Bakit, hindi ka ba sigurado sa sinabi mo?”
“Sigurado ako!”
“Okay. Sabi mo eh. Hindi mo ako magugustuhan. Let’s see about that, then.” nakangising aniya.
Kilala ko ang sarili ko. Kilalang-kilala. Kapag sinabi kong hindi ko siya magugustuhan… hindi talaga. Nakatatak na sa isip kong ang pag-aaral ang priority ko. Para makaahon sa hirap.
Hindi ko kailanman naisip ang magkagusto kahit kanino.
Hinayaan ko ang sarili kong titigan siya ngayo’y umusad na ang trapiko. Matapang ko siyang tinitigan dahil hindi siya nakatingin sa akin ngayon.
Kahit naka-side view lamang siya sa akin ay kita ko mula sa aking kinauupuan ang matangos niyang ilong, at prominente niyang panga.
Tanga na siguro akong tawagin dahil inaayawan ko ang isang Saint Defuente. Gwapo at mayaman. Dalawang kategoryang kinababaliwan ng babae.
Ngunit iba ako. Hindi ako sila. Wala sa isip kong magkagusto sa kanya. Nakatatak na sa isip kong hindi pwede.
“Hindi talaga…” bulong ko sa gitna ng trapiko at sa malakas na ulan.
Ate Yna:
hindi ko na kaya. nakakapagod na, aviona.
Kumunot ang noo...
Story ko po ‘to. Please delete, lahat po ng stories ko na ninakaw mo! Mahiya ka naman!
I love your story..
Hindi po sa kanya ‘tong story. Ninakaw niya. Akin po ‘to.