ALAS SINGKO ng hapon ay nagpasya na silang umuwi.Ngunit habang binabaybay ng sasakyan ang pauwi ay biglang bumuhos ang napakalakas ng ulan kaya naging pahirapan ang pagpapaneho ni pablo at ang matindi ay nasiraan pa sila ng makena.
“Anong nangyari?”Tanong niya kay pablo pagkabalik nito galing sa harapang makina na tiningnan nito.Basang-basa ang binata sa ulan kaya inabutan niya ito ng kanyang dalang towel.
“Salamat.Sira yong makina hindi aandar ito”
“Anong gagawin natin ngayon.Ang lakas ng ulan at mukhang matagal bago tumila.”
“Palagay ko nga rin.”
Natahimik sila ng ilang minuto.
“Tara may pupuntahan tayo”ani pablo.
“Saan naman tayo pupunta?.Hindi ba delikado?ang lakas ng ulan at medyo madilim narin baka may mabangis na hayop diyan”
“Just trust me.Hindi ka maaano”
Wala na siyang nagawa ng bumababa si pablo sa sasakyan at umikot sa kong saan siya banda nakaupo at binuksan ang pinto.Nilagay nito ang towel sa kanyang ulo at inalalayan siyang bumaba.
“Yong mga gamit”aniya
“Pabayaan mo na iyan balikan nalang natin bukas.”
Sabay silang tumakbo kong saan.Sumusunod lang siya kay pablo dahil hindi niya naman alam kong saan sila pupunta.Ilang sandali lang ay naaninag siyang isang bahay na gawa sa kawayan sa di kalayuan at mukhang doon sila tutungo.
“Saglit lang bubuksan ko ang pinto”
“A-anong g-gagawin natin d-dito?”Tanong niya.
Hindi niya maiwasang mautal dahil may biglang pumasok sa kanyang isipan galing sa nabasa niyang isang kwento. kong saan yong lalaki at babaeng bida doon ay nagtungo sa ganitong kubo dahil rin sa malakas na ulan at habang sumisilong ang mga ito ay may nangyaring milagro.
‘L* ka Mixxel,Wag kang green.’Pagalit niya sa sarili.
“Dito na muna tayo sumilong.Delikado kapag doon tayo sa sasakayan dahil baka may biglang bumagsak na bunga ng niyog sa bubungan ng sasakyan o kaya may matumbang puno…Tara pasok na tayo”Anito.
May sinindihan itong lampara.Sumunod siya rito sa loob.Pagkapasok ay Tumambad sa kanya ang maayos at masinop na kabuuan niyon.
“Wow ganda ha.Bahay mo ito?”
“Hindi.pahingahan lang ito ng mga trabador dito”
“Ahh”
Naglakad ito papunta sa isang baul at binuksan ito at may kinuha itong kung ano doon.
“Magpalit ka muna.Basang basa ka.Pagpasensiyahan mo na ang damit kong ito, pero wag kang mag-alala malinis naman iyan”Anito sabay abot ng isang malaking itim na t-shirt.
Walang pagdadalawang -isip na inabot niya iyon.Hindi siya pwedeng mag-inarte dahil kailangan niya talaga ang damit dahil basang-basa nga talaga siya ng ulan.
“Salamat..Paano ka?”
“Wag kang mag-alala sakin may isa pang damit doon.iyon ang susuotin ko”
“Okay.”
“Lalabas ako,magbihis kana”Anito at naglakad palabas at sinarado ang pinto.Agad din naman siyang nagbihis pagkatapos ay tinawag na si pablo para ito naman ang makapagbihis.
“INAANTOK Kana?”Tanong niya sa dalaga.Isang oras na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay malakas parin ang buhos ng ulan sa labas ng kubo.
“Medyo.Ikaw ba?”
“Hindi pa naman.matulog ka lang babantayan kita”Aniya.
Nasa isang maliit na kwarto sila sa loob ng kubo at nakaupo sa papag.Biglang kumulog ng malakas at nagulat siya ng sumigaw ang dalaga at kumapit sa braso niya.
“Okay ka lang ba?”
“Takot ako sa kulog”
Lihim siyang natawa.Akalaan mo iyon ang masungit na babae ay takot pala sa isang simpleng kulog.
“Wag kang matakot di ka naman aanuhin niyan”
“Hindi kaya tayo aabutin ng kidlat dito sa loob?”
“Hindi yan”
“Sigurado ka?”
“Oo.Kaya...