The Broken Wife
Chapter 15
Serenity
It’s been 3 years ever since I became a mother to two children, and a wife to a handsome doctor. Sa nagdaang dalawang taon ay naging maganda ang pagsasama namin ng aking pamilya. The twins are energetic and lovely as ever. Nakapagsasalita na sila at nakapaglalakad na rin.
My husband is already planning to take over Faron Hospital because of his Dad’s age. Hindi na kasi gano’n kalakas si Papa Ferdinand kaya kailangan nang si Ryker ang mamahala rito. Ako naman ay taong bahay pa rin. Hindi na ako nagtrabaho pa dahil gusto ko ring tutukan ang aking pamilya lalo na at ilang taon na lang ay pwede nang mag-aral ang kambal. Isa pa kinausap ko naman si Ryker pero ayaw niya talaga akong pagtrabauhin. Naiintindihan ko naman kaso kung minsan ay nakababagot na ang nandito lang sa bahay.
“Mommy! Mommy!” sigaw ng aking anak na si Ryder habang tumatakbo siya palapit sa akin at kasunod naman niya si Ryleigh.
“Yes baby?” lumuhod ako para pumantay sa kanya.
“Look! I found this in your bedroom. It’s beautiful.” Kumunot ang aking noo.
Hawak-hawak kasi ng aking anak ang wedding ring ni Ryker. Kinuha ko na lang iyon sa kanya at ibinulsa. Siguro ay nakalimutan niya itong isuot pagkatapos niyang maligo.
“Thanks baby. This is Daddy’s wedding ring. We have the same.” Pinakita ko sa kanilang dalawa ang aking singsing.
“Whoah!” manghang sabi nila na ikinangiti ko.
“Maglaro na muna kayo. I’ll just finish cooking and we will go to Daddy later.”
“Yehey!” sigaw ng kambal at nagtakbuhan ito sa loob ng salas.
Natawa ako sa inakto nila kaya naman itinuloy ko na muna ang aking pagluluto. Nang matapos ay linagyan ko iyong tupperware ng kanin at ulam. Pagkatapos ay pumanhik ako sa taas para maligo at magpalit ng damit. Nang matapos ako ay kumuha ako ng mga damit ng kambal at sinabing papalitan ko sila. Tahimik naman sila nang pinapalitan ko sila ng damit panlabas. Nang matapos ay binalikan ko iyong pagkain na itinabi ko para kay Ryker.
“Okay. Are you guys ready?” tanong ko sa kambal at masaya silang tumango.
Lumabas na kami sabay diretso sa sasakyan. Isinakay ko sa likod ang kambal at nagsimulang magmaneho papunta sa opisina ni Ryker. Nang makarating doon ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa parking lot at bumaba ng sasakyan kasama ang kambal. Hawak ko ang kamay nila papunta sa clinic ni Ryker. Pagdating ko ay pinihit ko ang busol ng pinto at napansin kong naka-lock ito.
“Ha? Bakit kaya ito nakasara?” pagkausap ko sa aking sarili.
Sinubukan kong kumatok pero walang nagbubukas ng pinto. Luminga-linga ako at nakita ako ni Jack. Nakasuot siya ng doctor’s coat at may hawak na clipboard.
“Serenity. Long time no see ah! Wow! Ito na ba ang kambal niyo ni Ryker?” baling niya sa kambal at nagtago ang mga ito sa aking likuran.
“Babies, say hi to tito Jack. Friend siya ni Daddy at saka siya ang ninong ninyo,” sabi ko sa mga bata.
Kumaway lang ang mga ito kay Jack na ikinatawa naming dalawa.
“Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Wala si Ryker ah lumabas siya,” sabi ni Jack.
“Ganoon ba? Hindi niya kasi sinabi sa akin. Linutuan ko pa naman siya ng pananghalian niya. Alam mo ba kung saan siya pumunta? Matatagalan ba siya? Para sana iiwan ko na lang iyong pagkain niya at baka magutom siya,” mahabang paliwanag ko kay Jack.
“Naku, mukhang nagmamadali siya kanina at dala na niya iyong bag niya. Tatanungin ko sana siya kung saan siya pupunta pero di ko na siya naabutan.” Tumango ako. “Kung gusto mo iwan mo na lang sa akin iyang pagkain niya at ibibigay ko na lang siya kapag dumating siya.”
“Sige. Salamat Jack ha?” Binigay ko sa kanya ang hawak kong tupperware at agad ko namang tinext si Ryker na may iniwan akong pagkain para sa kanya.
Kinuha niya naman ito sa akin at saka ngumiti. Hinawakan ko ang kamay ng mga bata at pumunta kami ulit sa parking lot. Pagsakay ay napagpasyahan ko na pumunta na muna kami sa mall total ay wala naman na kaming gagawin.
“Mommy? Where is Daddy?” tanong ni Ryder.
“He went out baby. Pero pupunta tayo ng mall at pupunta tayo ng Jollibee.” Sumigaw ang mga ito dahil sa excitement.
“Mommy, can I buy toys?” tanong ni Ryder.
“Sure. Ikaw ba Ryleigh gusto mo rin ng toys?” tanong ko sa aking babae na anak.
Tumango siya at nanahimik. Sa personality ng dalawa kong kambal ay mas tahimik si Ryleigh na siyang babae at mas madaldal naman si Ryder na siyang lalaki. Ryder is more vocal than Ryleigh at napansin ko na mukha rin itong palaban. Si Ryleigh ay tahimik lang at kung minsan ay hindi nagsasalita at palaging nagpapaubaya. Mukhang nagmana sa akin si Ryleigh at sana hindi niya ako maging katulad.
Pagdating namin sa mall ay agad na kaming dumiretso sa Jollibee at doon ay nag-order ng pagkain para sa aking kambal at may laruan pa. Habang kumakain ay napansin ko na mukhang tahimik lang...