The Broken Wife
Chapter 17
Serenity
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may naririnig akong mga boses sa labas ng aking kwarto. Pagtingin ko sa orasan ay alas-tres pa lang ng madaling araw at pagtingin ko naman sa aking tabi ay wala si Ryker dito. Narinig ko na may kausap si Ryker sa telepono pero wala akong masyadong maintindohan. Agad akong bumangon at sinilip sa labas kung sino ang kausap niya.
“Mom, Laila is back. Did you know that she’s back? Akala ko ba ay nasa states na siya?” Napahilot siya sa kanyang sintido at napailing. “Alam ko… What? Hindi. I don’t want to tell my wife about her. She’s my past now, and I don’t want to hurt my wife. Kung kinakailangan kong itago sa kanya gagawin ko.”
Napatakip ako ng aking bibig dahil sa narinig. Kung gano’n ay may tinatago nga si Ryker tungkol sa Laila na iyon at wala siyang balak sabihin sa akin kung ano ito. Pero bakit kailangan niya pa itong itago kung wala siyang tinatago? Ano niya ba talaga si Laila?
“Mom, stop. This conversation is over. Hindi ako payag sa balak mo. Bye.” Pinatay niya ang tawag at dali-dali naman akong tumakbo pabalik sa kama.
Narinig kong pumasok na si Ryker at nanatali akong nakapikit para hindi niya makita na gising ako. Umuga ang kama at naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa aking baywang. I can feel his hot breath on my neck when I suddenly heard him whisper in my ear.
“I’m sorry my love.”
Iyon lang ang sinabi niya at hindi na muling nagsalita pa. Humihingi siya ng tawad dahil alam niyang kahit kailan ay hinding-hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol kay Laila. Hays. Masaya naman na sana kami kung hindi lang sumulpot si Laila. Its been years. Matagal na rin kaming kasal ni Ryker at bago iyon ay kapitbahay ko pa siya noon. Kung gusto niya na siya ang nasa lugar ko ay sana inagahan niya ang pagdating at pagpapakilala para sana hindi ako nag-aalala ng ganito.
Narinig kong mahimbing nang natutulog si Ryker at humarap ako sa kanya. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko siya pero bakit hindi ako mapalagay?
Alas-otso na nang muli akong magising at wala na si Ryker sa aking tabi. Agad ko namang narinig sa labas ng aking kwarto ang kambal na naririnig kong sinusuway sila ni Linda. Napangiti naman ako kaya naman pinagbuksan ko na sila at nakita ko silang natuwa pagkakita sa akin.
“Linda, ayos lang ba kung ipagluto mo kami ng almusal? Pasensya ka na hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon,” pakiusap ko sa kanya.
“Ay wala hong problema Ma’am.” Agad siyang pumanhik sa baba at nakipaglaro naman ako sa kambal.
Pagkatapos magluto ni Linda ay sabay-sabay na kaming kumain ng almusal. Habang sinusubuan ko si Ryder ay bigla namang bumungad sa pinto ang mga magulang ni Ryker at may mga dala silang mga regalo para sa kambal.
“Mamita!” sigaw nila at agad na lumapit sa kanilang lolo’t lola.
“Kumusta ang mga cute kong mga apo?” Yinakap niya rin sila at hinalikan sa kanilang mga pisngi.
Inabot nila ang kanilang mga regalo at agad itong binuksan sa salas. Tumayo na rin ako upang salubungin sila at nagmano sa kanila.
“Kumusta ka na iha? Hindi ka ba pinapagod ni Ryker? Tinutulungan ka ba niya sa mga gawaing bahay lalo na sa mga bata?” sunud-sunod na mga tanong ni Mama.
“Ayos lang naman ho ako Mama at palagi ho akong tinutulungan ni Ryker.” Napatango naman sila. “Kumain na ho ba kayo ng almusal? May natira pa ho baka gusto niyo ho akong daluhan?” yaya ko sa kanila pero umiling sila at sinabing kumain na sila.
Dumiretso si Papa sa salas upang daluhan ang kambal at makipaglaro habang ako ay tinuloy ang aking pagkain. Umupo naman si Mama sa tapat ko at sinamahan akong kumain.
Pagkatapos kong kumain ay mabilis na kinuha ni Linda ang aming mga pinagkainan. Sumunod kaming dalawa ni Mama sa salas upang panuorin ang kambal na maglaro nang may maalala ako. Kagabi ay kausap ni Ryker si Mama.
“Mama?” Napatingin naman siya sa akin. “May tatanungin ho sana ako sa inyo.”
“Sige. Ano iyon iha?”
Tinitigan ko siya habang nakangiti lang siya sa akin. “Mama, sino ho si Laila?”
Nawala bigla ang ngiti sa kanyang mga labi at agaf na napatingin ito kay Papa na halatang nagulat din sa aking tanong.
“Ah eh, h-hindi kami masyadong pamilyar sa kanya iha. Bakit mo natanong?” pagsisinungaling ni Mama.
“Nakita ho kasi namin siya ni Ryker kahapon. Nagtataka lang ho kasi ako...