The Loosing battle
Author: Cloverdeffudil
Genre: romance, mystery
Username: Cloverdeffudil
PROLOGUE
‘meow~’
‘meow~’
Nahila ko ang unan sa kama pero imbes na malambot na bagay ang nakuha ko, ay isang matigas at malamig na bagay ang nahawakan ko.
‘meow~’
‘meow’
Nakamot ko ang tenga at muling bumalik sa pagtulog.
‘Ngeow!, Ngeow!’
“Aray!”
Napadaing ako sa sakit nang may naramdaman ako na parang bumagsak sa tyan ko, wala sa sarili akong napabangon sa kama habang kamot ang ulo, nang imulat ko ang mga mata ko ay duon ko lang narealized na sa sahig ako nakatulog katabi ang mga bote ng alak, gamit na sigarilyo at mga basura. Napatingin ako sa pusang nakapatong sa lap ko.
‘ngeow?’
“Were you trying to wake me up?”
Tanong ko kahit na alam kong hindi niya maiintindihan yung sinabi ko.
Humikab ako at napalingon sa bintana. Umaga na.
“Right magkikita nga pala kami Mr whatever”
Kinarga ko yung pusa at pinatong Ito sa sofa saka pumasok sa kuwarto. Maliligo na sana ko pero inuna ko pang hanapin yung phone ko. Hinanap ko yung phone sa buong kuwarto pero wala, muli akong lumabas at sinimulang halungkatin ang mga gamit sa sala pero wala parin, dahil sa mainit ang panahon ngayon, dumagdag pa yung mga basurang nakapalibot sa’ kin, ang dilim na kuwarto ko at hindi ko mahanap yung phone ko ay mas lalong umiinit ang pakiramdam ko. Umakto akong sisipain ang mga nagkalat na damit nang makita ko yung cellphone ko na natakpan ng damit. Huminga ko ng malalim upang tanggalin ang inis na nararamdaman bago kinuha ang cellphone. Bubuksan ko na sana yung phone nang makitang may malaking hiwa ang screen nito, pakiramdam ko ay nagmistula akong bato na unti-unting nagkakaroon ng crack.
“Ackkk! F*cking sh*t! I’m so broke, ikaw nalang ang pag-asa ko at nasira ka din?! Ba-bakit? B-bakit ka nasira? t*ngina naman!”
Sinubukan kong buksan yung phone pero hindi na ito bumukas kaya wala sa sarili kong nabato Ito.
‘meow~’
Tumingin ako sa pusa na mukhang humihingi ng kapatawaran.
“Sabi ko na nga ba ikaw lang ang kayang sumira ng gamit ko! Gusto mo bang pulutin sa kalye?!”
Pangsesermon ko pero kahit na anong sigaw ang gawin ko ay wala naman itong ibang sasabihin kundi ngeow na mas lalong ikinaiinis ko.
Napabuntong hininga nalang ako at matamlay na bumalik sa kuwarto upang maligo.
My name is najahrie Davess 16 years old, grade 10, mag-isang nakatira sa apartment, malayo sa pamilya at naghihintay nalang na hainan ng pera. Gustuhin ko mang magtrabaho pero ayaw akong payagan ni papa dahil mas gusto niyang magfocus ako sa pag-aaral kaya kahit ayuko siyang makita ay wala kong choice kundi lumapit sa kanya para humingi ng pera. Mahilig ako magbasa ng mga libro na may ibat-ibang genre, dahil dun ay pinangarap kong maging writer, naisip ko na kapag kumita ako run ay baka makawala ako sa kadenang nakatali sa paa ko at magawa kuna lahat ng gusto ko pero kahit anong gawin ko ay hindi parin ako nag-iimprove sa pagsusulat ng novel, it’s like a loosing battle.
Matapos kong maligo ay humarap ako sa salamin, hindi na’ ko nagtaka nang makita ang napakarami kong pasa sa mukha, well. . . . May nakasalubong lang naman akong mga gangster sa kanto kahapon habang nagpapaload, sinubukan ba naman akong bastusin kaya hindi ko napigilang mapaaway. Pumunta ako sa sala at ginamot yung mga pasa ko sa mukha at braso, pinaluputan ko ng benda yung braso at naglagay ng band aid sa ilong, matapos nun ay nagbihis ako, nagsuot ako ng jacket n itim at denim short, nagsuot narin ako ng mask para hindi makita yung mga sugat ko sa mukha.
“Okay time to go outside”
Walang buhay kong turan sa sarili, pero bago ko umalis at pinakain ko muna yung pusa kong si Barney.
Sumakay ako ng taxi papuntang mall pero bago yun ay nagwithdraw muna ko ng pera sa atm machine, nilagay ko yung password at hihintayin nalang na lumabas yung pera pero nagulat ako nang makitang invalid password yung lumabas. Muli kong nilagay yung password pero invalid password parin yung lumabas, uulitin ko pa sana nang maalala ko ang demunyong mukha ni dad, right. . . . He must be the one who change my password, gagawin niya talaga ang lahat para lumapit ako sa kanya. Walang sigla kong kinuha ang atm card at binulsa.
“Arggh t*ngina b*weset!”
Sa inis ko ay hindi ko napigilang sipain yung atm machine at agad na umalis na parang wala g nangyari, kapag nagtagal pa’ ko run ay baka tumawag na ng police yung mga taong nakakita sa ginawa ko. Pumasok ako sa mall at dumeretyo sa cellphone store. Nagtingin-tingin ako ng mga cellphone hanggang sa huminto ang tingin ko sa cellphone na kulay dark red, real me yung brand at 10,999 yung prize. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at chineck yung natitira kong pera, 20k nalang yung pera ko at hindi ko magamit yung atm card ko, hindi ako magastos pero baka hindi ako abutin ng isang buwan, gosh I’m so poor.
“Ma’am may bibilhin po ba kayo?”
Napatingin ako sa sales lady na mataray na nakatingin sa’ kin, iniisip niya na ba na hindi ko afford bumili ng phone?
“Ahh I buy this one”
Aniya ko na tinuro yung cellphone na nakalagay sa salamin na lalagyanan.
Agad niya namang kinuha yun at pinatry sa’ kin. Chineck ko lang yung mga apps at agad na binalik sa kanya.
“Okay na, bibilhin ko”
“Okay so cash po ba o atm card?”
“Cash”
Agad niyang binalot yong phone, nagbayad muna ko bago kinuha yung paper bag. Agad akong umalis at tinungo ang pagkikitaan namin ni mr whatever, sa isang coffee shop kami nagkita, medyo may kalayuan at walang masyadong customer. Nilibot ko ang paningin pero mukhang late na naman siyang darating.
Umupo ako sa table na malapit sa glass window. Habang naghihintay ay binuksan ko yung paper bag at kinuha yung phone ko, nilabas ko na rin yung basag kong phone at tinanggal yung dalawa kong sim card at memory card saka nilipat sa bago kong phone. Nang mabuksan ko yung bago kong phone ay nakitang may message ako, agad ko yung binuksan at kumunot ang noo ko nang makita ang message ni Dad (mr whatever)
Dad: may meeting ako tomorrow kaya dumeretyo ka nalang sa bahay para nakapagdinner tayo as a family at wala kang allowance for 1 month dahil nakarating sa’ kin na nakipag-away ka, sana ay hindi na naulit yun.
7hrs ago
Wtf . . . . What am I suppose to do, let them harass me? At halos sa isang beses sa isang taon na nga lang kita nakikita, icacancel mo pa . . . . at balak mo’ kong pauwiin eh 4 hrs ang byahe papunta sa bahay mo, wala pa’ kong allowance tas gagastos pako ng pamasahe para lang...