TIRED OF LOVING YOU( Amnesia )
Genre: Sad, Drama and Romance
Author: arianabusa
PROLOGUE
“Mahal kita pero may mahal kanang iba.
Gusto kong ikaw ang makasama ko habang buhay pero hindi pwede kasi magkaiba tayo ng mundo at yung gusto mong makasama habang buhay ay yung taong mahal na mahal mo. Minsan napapaisip ako, saan pa kaya ako dapat lulugar kung palaging ganito ang takbo ng buhay ko? Kay lupit ng tadhana sakin pero alam ko ang lahat ng ito ay may purpose.
—Blair
Just seeing you happy with her, I’m happy too. I can tolerate everything as long as it makes you happy my love, I will.
—Blair
Nandito ako ngayon sa labas ng building ni Dwight. meyron kasi akong importanteng itatanong sa kanya at kung sakali man na iba ang expectation ko sa reality handa akong masaktan maging masaya lang siya kasama ang taong mahal niya.
Nabalitaan ko rin na ikakasal na pala sila ni Ally, kaya naman lalakasan ko na ang loob ko upang tanungin siya at kung ano man ang kaniyang magiging sagot handa akong palayain siya ng tuluyan.
Minahal ko siya ng Dalawampung taon, pinagtiisan ko ang pag-uugali at pakikitungo niya sakin. Sa una sobrang sakit pero nung nakasanayan ko na medyo nalang.
Pagkapasok ko palang sa kompanya ni Dwight ay kaagad akong nakatanggap ng mapanghusgang tingin na parang dering deri sila na makita ako dito. Binaliwala ko nalang ang sila at nagtuloy-tuloy lang ako patungo sa kaniyang Opisina.Inaamin ko naman na walang wala ako kompara sa Fiancèe ni Dwight pero anong magagawa ko mahal ko siya eh.
Malapit na sana ako sa opisina niya ng makasalubong ko ang secretary niya kaya nagtanong ako. Mabuti nalang ay lalaki ang secretary ni Dwight at mabait pa.
“Ahm excuse me, nandiyan ba si Dwight sa opisina niya?” tanong ko sa kaniya.
” Yes ma’am pasok nalang po kayo.” sagot niya at ngumiti sakin kaya kaagad ko siyang sinuklian ng ngiti.
“Cge, Maraming salamat.” sabi ko.
“You’re Welcome ma’am, May I excuse myself.” sagot naman ng secretary niya at umalis na ito. kaya naman pumasok na ako sa loob ng opisina ni Dwight.
Nadatnan ko siyang may pinipirmahang mga papeles na sobrang dami halos mapuno na ang mesa niya ng mga papeles at may nagkalat pa sa baba. Hindi niya ako napansin dahil nakatutok lang ang attention niya sa mga papeles na nasa kaniyang harapan.
Napapahilot din siya sa kaniyang sintido sobrang stress niya ata dahil pati suit niya gusot-gusot at maging ang kanyang necktie ay hindi na maayos bahagya pang naka bukas ang kaniyang polo tapos magkasalubong pa ang kaniyang kilay, Kahit saang anggulo siya tingnan talagang sobrang gwapo niya. I really loved this man how I wish ako na—. nabalik lang ako sa ulirat ng sigawan niya ako ng pagka lakas lakas at malapig pa sa yelo.
” Wtf! stop staring at me woman will you!? And what are you doing here!? You enter my F*ck*ng office without my permission? Who allowed you to enter my territory!?”
sigaw niya at matalim na tumitig sakin na kung nakamamatay lang ang kaniyang tingin kanina pa ako nakahandusay dito.
” ahh ano k-kasi nabalitaan ko na malapit na daw kayo ikasal ng fiancée mo totoo ba—” di ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ito.
” Did you really go here for that news? what if I told you the truth that I was going to marry the woman I love so much, what would you do? will you make trouble again? are you really that desperate to get me? I tell you, woman, don’t make the mistake of ruining my marriage with my love, because you will taste my anger. You can leave now. ”
He said coldly while looking at me sharply.
Ang sakit mo naman mahsalita dwight!
” Teka lang, hindi naman ako ganun Dwight, oo naging desperada ako noon pero nag iba na ako ngayon Dwight maniwala ka naman sakin. Hindi ko na kayo guguluhin basta ipangako mo lang sakin na hindi ka masasaktan na siya ang pinili mo. ” Naluluhang sagot ko sa kaniya.
“That’s good. And why would the woman I love hurt me? Are you losing your mind? You’re just interrupting my work so you can leave now.” He coldly said.
“Ni minsan ba Dwight may naramdaman ka ba sakin kahit katiting man lang?” tanong ko...