𝗧𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨

𝗧𝗜𝗥𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨 ” Viomur Series#1– Kio Viomur
Written by: Aezana Hermosa
PROLOUGE:
” Sorry if I’m not enough for you.. ” i said to him.
Napatingin ako agad ng marinig ko ang sagot nya.
” Your enough Lauren.. ako lang talaga ang nahulog sa kanya i know mali pero Mahal ko na sya.. ” He said.
Napahilamos ako sa mukha ko.
” I’m enough?! K-kung enough ako b-bakit mo nagawang mahulog sa iba? ” Kalmadong tanong ko.
Kung enough ako b-bakit?… B-bakit nahulog ka sa iba nung ilang araw lang ako naging busy… Nagawa mo akong kalimutan dahil ba na akit ka nya?
Lahat yun naiisip ko ngayon dahil nasasaktan ako.
” I don’t know lauren but i know Isang araw paggising ko narealize ko na Mahal ko na sya.. ” Napailing nalang ako sa sagot nya.
” You don’t know haha.. Isang tanong lang Kio nagawa mo ba akong isipin nung ilang araw mo lang syang nakasama? ” Tanong ko habang nagpipigil na ilabas ang mga luhang nanggagaling sa mga mata ko.
” Ahm… I-I’m sorry pero hindi… Nasaisip ko lang na minamahal ko na agad sya nung nawala ka. ” He said habang naka tingin sa gilid ko.
” In other word I’m not enough kio!!! Kung ganun ako kaenough para sayo hindi mo magagawang mahulog agad sa iba… Hindi mo magagawa na kalimutan yung ilang taon na pagmamahalan at pinagdaanan natin.. lalo na akala ko okay na yung pagdadaanan ng relasyon natin dahil naging akin kana at naipaglaban kita kay Klea but I’m wrong dahil naipaglaban nga kita sa kanya pero hindi ko na gawang ipagstay yung pagmamahal mo lang sakin dahil nga nahulog ka sa iba ang mas malala secretary mo na ex bestfriend ko. ” Naluluhang sabe ko ansakit sa bawat bitaw ko ng mga salita nadudurog pa lalo ako ng sobra sobra.
Akala ko magiging kampante nako na akin kana at sayo nako buong buo… Limang buwan nalang ikakasal na tayo pero nalimutan mo yun dahil lang sa kanya.. Ansakit parang ako lang lumalaban para sa relasyon nato.
” I’m sorry Lauren hindi ko alam pero nahulog ako bigla dahil sa pagiging caring at sweet nya sakin na hindi mo nagawa sakin nung kailangan ko ng time mo… Halos sa pagiging busy...


mo nalimutan mo na ako kahit reply or tawag man lang sakin wala wala akong nareceive… Nagkaproblema ako sya lang yung nandun nung panahon na ikaw ang kailangan kong karamay. ” Usal nya habang nagpipigil narin ng luha.
Pero hindi ako nakaramdam ng awa dahil naaawa ako sa sarili ko dahil ilang beses nakong nasaktan.. ilang beses kong pinipilit na ibuo yung puso kong nabibiyak dahil sa sakit na lagi kong nararamdaman.
Ako rin nagkaproblema nandun si Vincent para sakin pero hindi ko naisip na nalimutan sya ng dahil lang si Vincent ang nakakasama ko sa mga araw na yun.
Ayokong isumbat lahat at ayokong iparamdam sakanya kung gaano ako nahihirapan at nasasaktan lagi sa bawat araw na dumadaan nung naging busy ako.
” Oo inaamin ko na hindi ako kasing caring at sweet nya sayo pero alam mo at nararamdaman mo yun Kio na sa bawat araw na nagmamahalan tayo pinaparamdam ko lahat ng pagmamahal ko sayo. ” Naluluhang sabe ko.
” Nasaktan ka nga at nandyan sya para damayan ka sa mga problema mo nung wala ako pero naisip mo bang sa bawat araw na nakikita na okay lang ako hindi mo manlang naisip na durog na durog ako at sinusubukan kong buoin ng paulit ulit yung puso ko para sayo!! Dahil ikaw na lang yung dahilan ko bakit ako hindi sumusuko. ” Umiiyak na sabe ko habang hinahampas kung nasaan ang puso ko.
” Hindi ko gustong saktan ka ng sobra pero ayoko nman palalain pa ang kasalanan at sakit galing sakin… Sorry kung naghanap agad ako ng iba nung naging busy ka.. Sorry kung hindi ko na pigilan mahalin sya at kalimutan ka.. Ayoko ng patagalin patong paguusap natin dahil nasasaktan kana ng sobra.. Let’s break up Lauren.. I’m sorry pero sya na yung gusto kong iharap sa altar at hindi na ikaw. ” Seryosong sabe nya na wala kang mababakas na isang emosyon galing sa kanya.
” Sge ayoko nman na ipagpilitan pa ang sarili ko sa Isang taong ayaw nasakin at may minahal ng iba. ” Diretsong sagot ko rin ayoko ng magtanong at magsalita dahil tama sya lalo ko lang sasaktan ang puso ko.
Mahal kita pero tapos nakong sirain at buoin ulit yung puso kong durog na durog na dahil sayo.




Share On Whatsapp

Leave a Reply




top