π’π¨π₯ πππ¦π§ π πππ§ π¨π£, π£πππ‘ππ¨π ππ‘π‘ππ©ππ₯π¦ππ₯π₯π¬β ]
Paano ba nabuo ang mundo? At ang tao? Paano ka nagmahal ng totoo? Walang halong biro at laro? Saan mo ba nakikita at natatagpuan ang isang tao ngayon sa buhay mo? At kailan nga rin nga ba? Tayo mawawala at maglalaho?
Marami sa atin na may ka- long distance relationship. Malayo kayo sa isa’t isa. Ang pinanghahawakan n’yo lang ay ang tiwala at pagmamahal sa isa’t isa. Tanging teknolohiya lang kayo p’wedeng magkita at mag-usap. Ang mahirap at masakit minsan ay mali, kadalasan pala… ay hindi n’yo mahahawakan ang bawat isa.
“Mahal, ang ganda mo. Sobrang ganda mo. Natutuwa akong makita ka sa wakas. Grabe, hindi ako makapaniwala na magkita tayo. Na makita kita in person. Totoo na ‘to.” Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano s’ya kasayang makita ako. Mas nararamdaman at nakikita ko pa sa mga mata niya ang pagmamahal na totoo.
“Oo nga, Mahal. Ako rin masaya ako. Abot langit nga ang saya ko ngayon. Kasi, ba naman sa internet tayo pinag tagpo not in reality. Pero, ngayon ito na. Totoo na,” aniya ko. Walang makapapantay pa sa sayang nararamdaman naming dalawa ngayon. Salamat dahil sa wakas pinagtagpo din kami sa saktong panahon at ito ang tamang oras na ‘yun.
“Mahal na mahal kita, Bianca. Please, pakasal na tayo. Gusto ko na magka anak sa ‘yo. Isang dosena gusto ko. Seryoso, hindi ako magsasawang sabihin sa ‘yo kung gaano kita kamahal. Tandaan mo ‘yan,” wika pa nitong mahigpit na nakayakap sa akin na may hawak na isang boquet ng bulaklak. Hindi ko alam tumulo ang mga luha ko.
Galing man sa magkaibang mundo.
Tawid dagat at bundok man ang layo. Nasa hilaga at kanluran man ang bawat isa. Sinasabi man nilang suntok sa buwan at hangin ang namamagitan sa aming dalawa. Imposible mang magkita at magkasama. Pero, nagtiwala at kay Bathala nanalangin kami… Sana, isang araw magtatagpo din kami. At ito na. Salamat sa Kan’ya.
“Mahal, gumising ka, h’wag mong subukang ipikit ang mga mata mo. Mahal, ano baβ½ Nagagalit na akoβ½ Naiinis na ako? Ano baβ½ James Vanβ½” sigaw ko pa sa kan’yang umiiyak dito sa loob ang ambulansya. Nanginginig ako sa takot. Takot na magbibigay sa akin dahilan para sumuko sa buhay.
“M-mahal. I-i’m so-sorry h-hindi ko ‘to sa ‘yo n-nasabi. A-ayoko lang na i-iwasan at l-layuan mo at i-iwan mo a-ako. M-mahal na mahal k-kasi kita. S-sobrang m-mahal kita. M-mahal, I h-have c-colone c-cancer. K-kaya, p-patawad. I’m s-so sorry. B-bianca.” nanghihinang aniyang nahihirapan nang magsalita at ibuka ang bunganga. Pinapatay ako sa sakit nang walang kamalay-malay. Sobrang pinapatay ako.
“Sabihin mong tumakas ka para lang makita ako? May sakit ka pala bakit hindi mo sinasabi sa akin? Malala ka na. Ngayong araw na pala kita huling makikita, mahahawakan at makakausap. Bakit hindi mo ako binigyan nang pagkakataon para maalagaan ka, para magagawa ko lahat ng bagay habang nandito ka pa sa tabi at buhay ko. Bakit? E, Girlfriend mo ako, James Van karapatan kong malaman ‘yun. Mahal na mahal kaya, kita. Mahal na mahal kita.” Mahabang lintaya ko sa kan’ya.
Pinagtagpo at tinadhana nga. Pero, hindi naman nagkadugtong sa huli ang...
awit