πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ π•Šπ”Όπ•π”Όβ„• ✍︎


“KAYA mo pa ba?” nag-aalalang tanong ni Lara habang naglalakad na sila palabas ng campus. Tipid na ngumiti si Claire at tumango.
“Wala sa lahi namin ang mabilis sumuko. Ulan lang yon, kayang kaya ko yon,” sabi niya.
Natigilan silang pareho nang tumunog ang phone niya. Agad niyang kinuha at sinagot, di na niya tinignan kung sino ang caller. Napakunot noo si Claire.
πŸ’­ Bakit napatawag ang ulan na to. 6Pm na . uuwi na siya. πŸ’­
First time na tumawag ni Rain, hindi siya tinatawagan pag pauwi na siya kaya nakakapagtaka na tinatawagan siya ngayon.
“Hello?” walang ganang sagot ni Claire.
“Hoy, puntahan mo ko sa hide out.”
“Ipapaalala ko lang sayo Sir Ulan, na uwian na. Hahanapin na ako ng nanay ko,” pairap na sabi ni Claire. Nanunuksong napatingin si Lara sakanya.
πŸ’­ Loka loka to. πŸ’­
“Nakausap ko na ang nanay mo, pinagpaalam na kita. Sinabi ko meron kayong gagawing report,” nanlaki ang mga mata ni Claire.
“O-oo na. Pupunta na ako diyan.” agad niyang pinatay ang tawag.
“Bagay talaga kayong dalawa kahit lagi kayong nag aaway, ako ang number one fan ninyo. Sana magkatuluyan kayo. Ayiiiiiii.” kinikilig na sabi ni Lara. Napangiwi naman siya.
“Kahit sa panaginip hindi mangyayari yun. πŸ™„ Ano na naman kaya ang kailangan non!? Sige na Lara, mauna ka nang umuwi. Pupuntahan ko lang siya.” kaagad siya pumunta sa hideout nila Rain.
πŸ’­ Ano kaya ang kailangan ni Rain? Siguru kalokohan na naman o kaya may iuutos. Nakakainis naman, kahit uwian na hindi niya palalagpasin. At tinawagan pa si nanay. Naku! Ano kaya reaction ni nanay. Buti nalang dalawang subject lang bukas ang pasok ko at 2pm pa ang simula kaya okay lang na tanghaliin ako ng gising. πŸ’­
Naabutan niya si Rain na nakatayo sa labas habang ang mga kamay ay nakapamulsa sa jacket.
Hindi niya alam kung bakit habang nakikita niya ang binata ay tumitibok ang puso niya. Napalunok siya at napailing.
πŸ’­ Kape kasi ako ng kape. Ninenerbiyos tuloy ako. πŸ’­
Napatingin si Claire kay Rain. Ang ganda pala ng mga mata nito, ang ganda rin ng kilay nitong makapal kaso laging nakakunot ang noo, sa matangos na ilong at sa labi niyang malambot. Para sakin siya ang pinakaguwapo sa campus na to.
πŸ’­ Bakit ko ba siya pinupuri? Ang sama kaya ng ugali niya, kahit nuknukan siya ng guwapo, balewala yun dahil halimaw siya! πŸ’­
“Ano na naman po ba, sir ulan?” hindi siya nagpahalata na naiirita siya. Dahil baka kung ano anong costume na naman ang pagsuotin sakanya.
“Samahan mo ako.” natigilan si Claire nang hawakan siya sa kamay at hinila.
“Saan na naman ba? Uwian na oh!” tumigil si Rain at tumingin sakanya ng masama.
“Nagrereklamo ka ba?” masungit na tanong niya.
“Hindi po boss ulan.” Napasimangot nalang siya at nagpahila.
Nakalabas na sila ng school at nakarating ng parking area. Sumakay siya sa kotse niya.
“Sakay!” utos ni Rain. Palihim naman siyang umirap at sumakay.
Tahimik silang pareho sa biyahe, hindi alam ni Claire kung saan siya dadalhin.
πŸ’­ Hindi naman niya ako siguro papatayin diba? Masama talaga ugali niya at may pagkahalimaw rin pero hindi naman niya siguro magagawang pumatay. πŸ’­
“Kung may balak kang patayin ako, pwede tumawag muna ako kay nanay? Magpapaalam lang ako ng maayos, baka kasi mag alala yun kapag———–”
“What the f*ck are you saying idi*t?”...


nakakunot na sabi ni Rain.
“Ah, wala ka palang balak na patayin ako?” tanong ni Claire. Tumingin sakanya si Rain at ibinalik ang tingin sa kalsada.
“Bakit? Gusto mo patayin na kita?”
“Joke lang, hehehehe.”
Hindi na siya pinansin ni Rain. Napasimangot na lang siya at tumingin sa mga nadadaanan nila. Hindi niya alam kung anong trip nito kaya sinasakyan na lamang niya.
“Baba.” tipid na sabi ni Rain at agad naman siyang bumaba.
Napakunot ang noo ni Claire, nandoon sila sa tapat ng condominium na tinutuluyan ni Rain. Mag-aalas nuwebe na sila nakarating.
πŸ’­ Bakit kami nandito? πŸ’­
“Bakit tayo nandito?” tanong ni Claire nang makapasok na. Painting agad ni Angenica ang bumungad sa kanya. Patay na patay talaga si Rain sa babae.
Hindi siya sinagot, umakyat na siya sa itaas at pumasok sa kuwarto.
“Anong tinatanga tanga mo diyan? Halika na dito!” iritadong sabi niya.
πŸ’­ Wala naman siyang sinabi na sumunod ako sakanya. πŸ’­ Napairap siya bago umakyat.
“Sir ulan, h-hindi mo naman siguro ako pagtatangkaang———-”
“That wont happen even in your nightmare.” masungit na sabi niya at saka umupo sa kama niya.
“Eh, bakit po ba kasi nandito ako?”
“P-patulugin mo ako.”
Natigilan si Claire.
πŸ’­ Teka, nabingi yata ako. πŸ’­
“Anoooo!?” tinignan siya ng masama ni Rain.
πŸ’­ Tignan mo to, at siya pa talaga ang galit. πŸ’­
“You heard me….” sabi nito saka nag iwas ng tingin. Pulang-pula ang mukha nito.
πŸ’­ Grabe, sobrang cute niya naman. Kung lagi siya ganito baka ako pa magvolunteer na pahirapan niya ako. πŸ’­
“…..i-i can’t sleep. Binabangungot na naman ako.” sabi niya na hindi makatingin na.
Napabuntong hininga si Claire at umupo sa tabi niya. Kahit mukhang nahihiya si Rain, humiga na lang ito at binalot ng kumot ang sarili.
Napalunok si Claire at tumingin sa buhok niya.
πŸ’­ Mas mabilis siyang aantukin kapag hinahaplos ang buhok diba? πŸ’­
Nanginginig ang mga kamay niya nang ilapit sa buhok ni Rain. Hindi naman ito kumontra, ipinikit nalang niya ang mga mata.
πŸ’­Ang guwapo niya kahit nakapikit. πŸ’­
“Lagi ka bang binabangungot?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok at napatango si Rain.
“Kailan mo pa nararanasan yan?” tanong ulit niya.
“Highschool palang ako.”
πŸ’­ Kaya siguro siya laging badtrip. Kulang sa tulog. Minsan din akong bangungotin pero pag nangyari yon hindi na talaga ako makatulog. Siguro ganun din siya. πŸ’­
“Kung nandito lang sana si Angenica, hindi na ko babangungutin ulit. Kung nandito lang sana siya hindi na ako mambu-bully ng iba dahil pagbabawalan niya ako, k-kung nandito lang sana siya hindi na ako malungkot ng ganito.” mahinang sabi niya.
Napailing at napalunok si Claire.
πŸ’­ Ano tong nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit sa dibdib? Nasobrahan na naman ba ako sa kape? πŸ’­
πŸ’­β€ΌοΈ Oo, Claire nasobrahan ka lang sa kape. Yun lang yon β€ΌοΈπŸ’­pangungumbinsi niya sa sarili.
Napabuntong-hininga siya.
“S-sorry Rain, kung hindi sana ako umepal sa inyo noon eh di sana masaya pa din kayo. S-sana hindi ka binabangungut ng ganyan, sana hindi nambubully, at s-sana masaya ka ngayon. Kasalanan ko lahat. S-sorry…”
Mabilis pinahid ni Claire ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Nakokonsensiya siya talaga.
Hindi na sumagot si Rain, napatingin si Claire. Mukhang nakatulog na ito.
Dahan-dahang bumaba siya ng kama at bumaba para lumabas na nang condo. Uuwi na siya at maghahanap nalang ng masasakyan pauwi sa kanila.






Share On Whatsapp

"9" Comments
  1. I’d like to be able to write like this, but taking the time and developing articles is hard…. Takes a lot of effort.

  2. How long have you been in this field? You seem to know a lot more than I do, I’d love to know your sources!

  3. Glad to be one of several visitors on this awful internet site : D.

  4. You ma’am have a way with words. Thank you very much!

  5. I just couldn’t leave your web site prior to suggesting that I really enjoyed the standard info an individual supply to your guests? Is going to be again continuously in order to inspect new posts

  6. Your resources are well developed.

  7. Greetings! This is my first visit to your blog! We are a collection of volunteers and starting a new initiative in a community in the same niche. Your blog provided us beneficial information. You have done a wonderful job!

  8. Good post. I study something more difficult on different blogs everyday. It’s going to always be stimulating to learn content material from other writers and observe a little bit one thing from their store. I’d prefer to use some with the content material on my blog whether you don’t mind. Natually I’ll give you a link in your web blog. Thanks for sharing.

  9. Excellent read, I just passed this onto a colleague who was doing a little research on that. And he actually bought me lunch because I found it for him smile So let me rephrase that.|

Leave a Reply


top