*2U* Chapter 14


(Syto POV)
+ masayang nagkakatawanan kami dito sa kwarto ni Tanya sa ospital, hindi ko parin sya pinayagan na lumabas pero siguro kaya na nya, nag jojoke ng nagjojoke sila ken lander at jim, habang ako sinusubuan ko ng pagkain si tanya. Masigla na sya ngayun parang walang nangyare.
Myel- alam nyo kayo, puro kalokohan alam nyo.
Ken- sus gusto mo seryosohin ka? Jim oh, seryosohin mo daw.
+ napatawa na lang si jim. Alam ko kasing nagka something sa dalawang to at alam kong gusto pa nila ang isat isa kahit nangungulit sakin to si Myel.
Tanya- hm? bakit? Nanliligaw ka ba kay miel jim?
Syto- alam mo kasi, parang lovers in paris yang dalawang yan dati.
Jim- ahh!! Tama na yan.
Syto- kaso si jim, masyadong inlove sa music.
Myel- dumadaldal ka ata Syto.
Lander- nakupo, ayaw ata mabuking
Ken- suss di hamak naman na mas masipag tong si brader jim kesa kay kuya.
Syto- ahh ganun?
Tanya- tama ka.
+ aba at sasali pato. Natahimik kami sa tawanan ng dumating si Sir at may dalang mga pagkain.
Sir- oh im sorry to interrupt your business.
Syto- ikaw pala Sir. Tamang tama po dating nyo.
Sir- pasensya na ngayun lang. Tanya? Kamusta ka?
Tanya- okay na po. Salamat
Sir- wag ka mag alala paiimbestigahan natin lahat ng nangyare. Hindi ako papayag na may nangugugulo sa loob ng kompanya. Btw, nasa sayo kung gusto mo ng bumalik o hindi pero kung ako ang tatanungin mabuting magpahinga ka na muna.
Tanya- wag po kayo mag alala, kaya ko na po.
Syto- Sir kumain muna kayo ng meryenda.
Sir- hindi na muna, may dapat pa muna akong asikasuhin. Magsabi lang kayo kung may kaylangan kayo maliwanag?
Syto- salamat Sir.
Sir- sya mauna nako.
Tanya- ingat po.
+ at umalis na nga sya.
Ken- kuya. Bwisitahin ko lang ang Bar okay.
Syto- sige lang.
Lander- sama nako.
Ken- sige.
Jim- ako di–
Ken- dyan ka na lang!
Jim- ha?
Ken- ayos na kami. Samahan mo na lang si myel. Hahaha
Jim- sira ulo ka talaga.
Ken- byeeeee.
+ mapang asar talaga yun. Haha
Syto- alam mo hayaan mo na yan si ken, wala lang mapag kaabalahan yun.
Jim- a ewan.
Tanya- pero matanong ko lang. Sino naman ang gagawa nito sakin? Tingin nyo magnanakaw lang kaya yun? O kung sino man na may galit sa kompanya?
Myel- hindi mo ba talaga namukaan?
Tanya- hindi eh. Masyadong madilim kasi binasag din ang ilaw.
Jim- malaki ang posibilidad na dating empleyado yun. Alam na alam nya ang lusutan para makatakas eh.
Tanya- uhmm Myel. Salamat nga pala kung di ka dumating baka kung ano ng nangyare sakin.
Syto- Tama sya salamat Myel.
Myel- oo na, just stop that, nakakadiri.
+ natawa na lang kami. Biglang tumayo si Myel.
Jim- oh san ka pupunta?
Myel- lalabas lang magpapahangin.
+ lalabas na sana sya ng pinto pero umatras sya.
Myel- S-Syto?
+ napatingin ako at napatayo sa nakasalubong ni Myel na papasok din sa kwartong to.
Syto- Chris.
Chris- hello.
Syto- anong ginagawa mo dito.
Chris- dito lang pala kita matatagpuan eh. Oh anyare? Sa dinami dami ng pinaghanapan ko sayo dito ka lang pala sa ospital magpapakita.
+ hinigit na ni jim si myel at itinago sa likod nya.
Jim- wag ka manggulo dito.
Chris- masyado ka namang kabado Jim. Napansin ko lang kasi kanina na lumabas dito sila Ken kaya sabi ko sino kayang naospital. Kaya dumalaw ako, ang bait ko diba?
Syto- umalis ka na.
Chris- grabe ka naman sakin.
Tanya- Syto?
Chris- o pasensya na hindi nako nakapag pakilala sayo miss beautiful.
+ aakma sana syang lalapit kay tanya pero humarang ako.
Chris- hahaha, ako nga pala si Christian. Chris for short. Kaibigan ko to si Syto di mo ba alam?
Syto- go to hell.
Chris- hayyy Syto Syto Syto. Ang tagal nating di nagkita tapos ganyan ka sakin.
+ lumapit sya ng bahagya kay Tanya.
Chris- Miss beautiful? May tanong lang ako syota mo ba to si Syto?
+ tumango na lang sya.
Chris- hahahaha BINGO!
Syto- alam ko ang pakay mo pero wag mo silang idamay.
Chris- hmm. balita ko magkasama kayo sa bahay ah. Napakatinik mo talaga kaibigan.
Syto- sabing umalis ka na.
Chris- Miss beautiful, ganto kasi yan, etong syota mo may bagay na gustong gusto ko kaso ayaw nya ibigay sakin eh, nakakapag tampo na nga eh. Hiling ko lang sana ibigay nya na sakin yun tapos boomm. Di ko na kayo kukulitin pa.
+ tahimik lang si Tanya.
Syto- Tanya, wag ka makinig sa kanya.
Tanya- ano ba yun?
Myel- are you naive? Wag ka nga makinig dyan.
Chris- ow hi Myel. Maganda ka padin.
Jim- sabi ng umalis ka na eh. Oh gusto mong kaladkarin pa kita.
Tanya- kung ano man yun at walang ibinibigay si Syto sayo, ibig sabihin wala sa kanya ang hinahanap mo, may tiwala ako sa boyfriend ko.
Chris- ahh kung wala sa kanya, eh nakanino kaya? Hmmm. Btw masyado nakong nakakaistorbo sa inyo. Basta tandaan nyo lang lagi na naghihintay ako. At ikaw naman Syto. Maswerte ka wag ka lang sanang malasin sa susunod na araw.
+ pagkatapos nyang sabihin yun ay taas noo syang lumabas ng pinto. Natahimik kaming apat. Alam kong nagtataka na si Tanya sa mga nangyayare pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, ayokong madamay pa sya. Kinabukasan nagpasya na kami na iuwi na muna sya at wag munang pumasok sa trabaho, pinakiusapan ko si Nathan na samahan kami para sa mga gamit na dadalhin.
Nathan- salamat naman at okay ka na.
Tanya- oo nga eh. Nakaabala pa tuloy ako imbes na nagtatrabaho ka ngayun.
Nathan- wala po yun. Ako na magbubukas.
+ binigay ko sa kanya ang susi.
Nathan- atleast ngayun makakapag pahi—–huh?? A-anong nangyare dito?
+ pumasok ako agad sa loob habang inaalalayan si Tanya. Sobrang gulo ng loob ng bahay. Pati mga gamit nasa sahig.
Tanya-...


anong nangyare?? Bakit ganto.
Syto- Nathan isinara mo ba ang bahay pagkatapos mong kunin ang mga damit.
Nathan- oo naman, kita nyo namang binuksan ko pa dahil naka lock.
Tanya- hindi kaya na akyat bahay tayo??
Nathan- hindi malabo yun.
+ imposible.
Tanya- mabuti pa aakyat ako sa kwarto titingnan ko kung may nawawala at aayusin ko narin. Nathan samahan mo na lang ako. Syto ikaw bahala dito sa baba.
+ tumango na lang ako at umakyat na sila sa taas.
(Tanya POV)
+ anong nangyare dito? Pati mga gamit ko gulo gulo.
Nathan- shocks!! Sino namang gagawa nito? Ang gulo gulo.
Tanya- pasensya ka na Nathan ha pero okay lang bang tulungan mokong mag ayos?
Nathan- oo naman, ako na bahala dito sa may kama mo.
Tanya- sige salamat.
+ at nag pulot na nga ako ng mga gamit ko at ibinalik sa aparador at drawer hindi ko alam pero pakiramdam ko naman wala akong nawawalang gamit kasi kahit yung emergency money ko andidito parin. Pati mga damit ko nagulo lang.
Nathan- uhmm Maam Tanya, sayo ba to?
Tanya- ha?
+ hawak nya ang isang singsing na kung tama ako sa pagkakaalala ay yun yung singsing na nakita ko nung naglilinis ako dahil bagong lipat ako dito.
Tanya- san mo nakita?
Nathan- dito sa ilalim ng kama mo.
+ bakit naman mapupunta to dito?
Nathan- hala tunay ba yan?
Tanya- ha? Ahh hindi bigay sakin to ng nanay ko eh. Akin na.
Nathan- talaga? Ang galing parang ginto talaga.
Tanya- uhmm paki pulot na lang sana yung mga papel. Ayusin ko lang tong sa aparador.
Nathan- ahh okay.
+ kung magnanakaw yun bakit pati ito hindi kinuha. Masama ang kutob ko dito. Mga ilang oras pa ay halos naibalik na namin sa dating itsura ang mga gamit. Pinagpahinga ko muna si Nathan. Si Syto naman inaayos parin ang sala. Maya maya nagpaalam na si Nathan at hapon narin. Nagpapahinga si Syto sa sofa at ako naman naghahanda ng makakain.
Syto- Tanya ako na dyan magpahinga ka na. Kalalabas mo lang ng ospital eh.
Tanya- hindi okay lang. Maupo ka na lang dyan.
Syto- sigurado ka?
+ nginitian ko na lang sya. Pagkatapos kong maghanda ay dinala ko na sa sofa.
Syto- uhmm wag mo na lang masyadong isipin okay. Baka ma stress ka lang.
+ alam kong pinipilit nya lang akong wag mag isip pero ramdam kong maraming bagay na ang tumatakbo sa isip nya.
Tanya- uhmm Syto? yung lalake kanina sa ospital. Ano ba yung hinahanap nya?
+ natigilan sya.
Syto- ah, wala yun, wag mo na lang isipin.
Tanya- nag aalala kasi ako baka kung anong–
Syto- Tanya? Pahinga na kaya muna tayo pagkatapos kumain. Kagagaling mo lang sa ospital tapos ganto pa nadatnan natin, ayokong mapagod ka.
+ Halatang ayaw nyang pag usapan. Nakaka paisip ang dami kong gustong malaman. Pero ni isa wala syang maibigay. At ginawa nga namin ang sinabi nya na magpahinga na at nakatulog ako dahil sa pagod at comfort narin ng yakap nya. Pero alas 2 ng madaling araw nagising ako at sya ang unang una kong nakita. Nakatayo sa malapit sa bintana ko malayo ang tanaw pero nagulat ako ng makita kong hawak na naman nya ang balisong nya. Umupo ako sa kama.
Tanya- Syto?
+ napatingin sya sakin at mabilis na ikinubli ang balisong.
Tanya- okay ka lang?
Syto- nagising ba kita?
Tanya- uhmm hindi naalimpungatan lang siguro ako.
+ bahagya na lang syang ngumiti at ibinalik ang tingin sa labas. Tumayo ako at niyakap sya sa likod.
Tanya- ano bang iniisip mo?
Syto- hm? Wala naman
Tanya- napakarami kong tanong pero ayoko kasi nagtitiwala ako na okay lang lahat tulad ng sabi mo.
+ tahimik lang sya, nakayakap lang ako sa kanya. Hindi ko sya mabasa. Kahit nung una pa hindi ko na sya mabasa.
Syto- Tanya, tanda mo ba nung unang beses mokong makausap dito?
+tumango na lang ako.
Syto- yung awit na kinanta ko.
+ nakikinig lang ako sa kanya.
Syto- yun yung kantang lagi kong naririnig sa tatay ko. Paulit ulit lang sya sa utak ko, sa ganung paraan nasa ulo ko na.
+ bumuntong hininga sya, sa kabila ng katahimikan, naririnig ko na lang ang kabog ng dibdib nya.
Syto- sabi ko sa sarili ko nung bata pako, hinding hindi ko sasauluhin ang kantang yun. Pero sa huli nagawa ko pa syang kantahin sa harap mo. Paulit ulit sya sa isip ko. Paulit ulit!!!
+ nabigla na lang ako ng hampasin nya ang sarili nyang ulo.
Tanya- Syto!!
Syto- kahit sabihin kong ayoko na paulit ulit padin!!!
Tanya- tama na please.
+pinipilit kong pigilan ang paghampas nya sa ulo. Hanggang sa yakapin ko na sya ng mahigpit.
Tanya- tama na.
+nasasaktan ako kahit hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit ginagawa nyato. Iniupo ko sya sa kama at lumuhod ako sa harap nya.
Syto- Tanya sorry, nadadamay ka pa sa nangyayare.
Tanya- matagal nakong damay Syto. Mahal kita at kasama moko sa lahat.
Syto- yung pananakit ko sayo dati, panggagamit at pag abuso, yun lang yung paraan ko para di ka mawala.
+ halos maluha nako dahil nakikita kong umiiyak narin sya.
Tanya- naiintindihan ko. Makinig ka sakin. Kung ano man yung mga bagay na bumabagabag sayo sana isipin mong nandito lang ako. Nakilala kita sa napaka misteryoso mong pagkatao, gusto pa kitang makilala, gusto ko pang makilala yung Syto na nasa harap ko ngayun.
+ umiling sya ng umiling.
Tanya- pero hindi ko gagawin. Dahil alam kong hindi ka pa handa. Maghihintay ako kaya please wag mong saktan ang sarili mo.
+ tahimik lang syang nakatitig sakin. Bahagya akong tumayo pero hinila nyako kaya napaluhod uli ako, nagulat ako ng halkan nyako sa noo. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko syang umiiyak ngayun. Kahit di nya sabihin, alam kong may kinatatakutan syang mangyare. Sa mga oras na to naipangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa taong to.
Itutuloy….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top