(Tanya POV)
+ ilang araw na ang lumipas wala namang espesyal, napansin ko na pareho kaming may pinagkakaabalahan. Pero di parin maiwasan ang pagiging possesive nya, kaya minsan kung kaya kong iwasan, iniiwasan ko na lang, pero hindi tulad dati na umaabot sya sa pananakit, minsan puro salita na lang, kaya hindi ko alam kung ano ba talagang tumatakbo sa utak nya. Sabado ngayun at wala akong trabaho kaya nakahilata lang ako sa sofa, wala si Syto, hindi ko alam kung nasan, biglang may nag txt sakin.
=Tanya, Si Ken to.. Kamusta ka na.
+ nagreply ako ng okay.
= Ok lng ba kung dalawin kita, naboboring kasi ako eh, may dala akong Video Games, hahamunin sana kita eh.
+ hmm, siguro nga pwede naman akong pumayag, kasi wala rin naman akong ginagawa, at alam ko naman na hindi masamang tao si Ken. Tinanong nya kung san ako nakatira kaya sinabi ko, hindi naman siguro magagalit si Syto kasi kabanda naman nya si Ken. After 30 minutes sinundo ko na sya sa labas.
Ken- uy. Dito ka nakatira?
Tanya- oo eh. Pasensya na, hindi ganun kaganda.
Ken- ha? Bakit naman? Kaylangan ba maganda?
Tanya- ehh, nakakahiya lang sayo. Pasok ka.
+ pinapasok ko na sya at infairness natuwa sya sa loob ng bahay ko. Di ko alam kung bakit.
Ken- may dala narin akong snacks dito. Ano game?
Tanya- haha sige.
+ inayos na namin yung Vide Games. At pumwesto na.
Ken- teka, nasan si Kuya?
Tanya- ha?
Ken- alam ko naman na magkasama kayo dito eh.
Tanya- p-pano mo nalaman?
Ken- nabanggit nya sakin dati, yun nga lang kelan lang nya binanggit kung san kayo nakatira. Kahit hindi nya sabihing kasama ka nya, alam ko na yun.
+ nahiya ako bigla sa sinabi nya.
Ken- teka- tara na nga excited nakong ipakita ang skills ko eh.
+ tumawa na lang ako at nagsimula na kaming maglaro. Marunong naman ako dahil sa mga kaibigan ko dati sa probinsya kaya, natatawa na lang ako pag nagrereklamo sya. Magaling din sya sa totoo lang. Hanggang sa matalo ko sya.
Ken- hala!! Hindi mo naman sinabing magaling ka pala dito.
Tanya- hindi ka naman nagtanong eh hahaha.
+ nagtatawanan kami ng biglang bumukas ang pinto.
Ken- kuya!
+ muka syang nabigla ng makita nyang nandito si Ken pero nagdire diretso lang sya at nag alis ng jacket nya.
Ken- ano? Isa pa. Babawi ako!!
Tanya- ahh haha sige.
+ hindi ko na lang pinansin si Syto at nagsimula na uli kaming maglaro. Nasa kalagitnaan kami ng laban ng biglang umupo sa pagitan namin si Syto.
Ken- o kuya. Marunong ka ba nito? Pwede kang sumali kung gusto mo.
+ umakbay si Syto sakin ng marahan habang nakatingin sa nilalaro namin. Kaya medyo nadistract ako.
Ken- nagulat ka ba kuya, kala mo di ko alam na magkasama kayo nho.
Syto- ano ba kasing ginagawa mo dito?
+ sabay kinalikot ni Syto ang tenga ko kaya napapa iling na lang ako bigla.
Ken- eto naghanap ng kalaro. Diba Tanya?
+ dumako sa leeg ko ang kamay nya kaya napapaiktad ako. Tumitingin ako sa kanya ng masama habang pareho silang nakatutok sa Game.
Ken- Tanya?
Tanya- ha? Ahh oo.
+ napansin kong napangiti sya ng bahagya. Ang demonyo na to! Busy padin si Ken sa laro. Habang si Syto ibinaba hanggang sa bewang ko ang braso nya at bahagya akong niyakap at idinikit sa kanya. Lalo na kong hindi nakapag focus sa laro. Hinimas himas nya ang braso ko. Sa totoo lang naiinis nako na hindi ko maintindihan. Pilit kong tinatabig ang kamay nya pero lalo nyang hinihigpitan.
Ken- uy! Malapit na kitang matalo Tanya hahahaha. Sabi naman sayo magaling ako dito eh.
+ at dahil nga distracted ako matatalo nako. Pero hindi parin sya nakuntento, naramdaman ko na lang na ipinasok nya ng bahagya ang kamay nya sa damit ko at hinimas ang tyan ko kaya na pa iktad na naman ako sabay ng tayo ni Ken dahil natalo nyako. Inalis agad ni Syto ang kamay nya ng tumingin na samin si Ken.
Ken- o talo ka!! Hahahha. Ang galing mo kanina pero bakit natalo ka? Wag mong sabihing nagpatalo ka?
Tanya- H-hindi. Magaling ka lang talga.
+ nakita ko na namang tumawa ng bahagya si Syto bago tumayo sa sofa at uminom ng tubig sa kusina. Tuwang tuawa naman si Ken, maya maya may tumawag sa kanya.
Ken- Hello? Sir!! Ahh sige po…. Ok po. Pupunta na po ako.
+ binaba na nya at tumingin sakin.
Ken- naku, hinahanap ako nii Sir eh, kaylangan ko raw pumunta don. Pano ba yan, kaylangan ko na muna umalis.
+ bakit ngayun pa.
Tanya- ahh sige sige, ok lang.
Ken- iwan ko na lang muna dito yung Video Game para next time makapaglaro tayo.
Tanya- okay. Ingat ka.
+ nagpaalam na sya samin ni Syto at lumabas na ng bahay. Pinatay ko narin ang vGames. At iniligpit.
Syto- Ang saya mo ah!
+ hindi ko na lang sya pinansin.
Syto- okay? Ingat ka? Tss. Nagawa mo pa talagang magyakag dito para maglaro.
+ humarap ako sa kanya.
Tanya- ganyan ba ang tingin mo sakin?!
+ ibinaba nya ang baso nya at lumapit sakin kaya napa atras ako. Napatingala ako ng bahagya nyang hilahin ang buhok ko.
Syto- alam mong ayoko ng sumasagot!! Tatanungin kita Tanya. Pinapunta mo ba sya dito?!!!
+ ano bang akala nya sakin?!!
Syto- SAGOT!!!
Tanya- Hinde!!!
+ nagkatitigan na lang kami at kitang kita ko na madilim na naman ang awra nya.
Syto- siguraduhin mo!
+ binitawan nya nako at naglakad papasok sa kwarto nya. Pinipigilan ko na lang na hindi maiyak dahil alam kong ayaw nya nun at baka lalo lang nyakong saktan uli. Maghapon kaming hindi nag pansinan. Tahimik sya kaya ganun din ako. Napaka hirap nya talagang basahin. Naalala ko na bukas na nga pala ang Party nila Enzo, hindi ko alam kung kaylangan ko bang magpaalam o hindi. Mas pinili kong wag na lang dahil baka hindi pa nyako payagan at ikulong pako dito sa bahay. Bumabalik na naman yung nararamdaman kong takot tuwing malapit sya. Gabi na at umakyat nako sa kwarto ko. Hindi ko alam pero bigla syang uminom na lang ng alak sa baba habang walang sali salita. Natatakot ako kaya ni lock ko ang pinto. Nahiga na lang ako at pinilit ang sarili na hindi muna matulog at makiramdam muna. Mag iisang oras nakong ganun ng bigla syang kumatok.
Hindi ko sya pinagbubuksan dahil alam kong lasing sya.
Syto- Tanya! Isa pang katok ko at hindi mo to binuksan, sisirain ko to!
+ malakas ang boses nya, kaya lalo akong kinakabahan.
Syto- ISA!!
+ hindi ko alam ang gagawin ko.
Syto- DALAWA!!!!!
+ nagulat ako ng sipain nya ang pinto kaya napatayo ako at binuksan na lang ito.
Tanya- ANO BANG PROBLEMA MO?!!!
+ itinulak nyako paloob at isinandal sa pader. Hindi sya mukang ganun kalasing pero alam kong hilo sya.
Tanya- ANO NA NAMAN BANG KAYLANGAN MO?!!
Syto- Tandaan mo to Tanya!!
+ ikinulong nyako ng magkabila nyang braso at lumapit sakin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Sabay bumulong sya.
Syto- akin ka!
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Syto- Akin ka lang!! Nagkakaintindihan ba tayo?
+ kinikilabutan ako sa mga sinasabi nya. Bigla syang lumapit sa leeg ko kaya napatingala ako. Para akong kinuryente ng maramdaman kong hinahalikan nya yun. Itinulak ko sya ng maramdaman kong nilagyan nyako ng chikinini dito.
Syto- Palatandaan yan na akin ka!! Itatak mo yan sa isip mo!
+ pagkatapos nun, lumabas na sya ng kwarto ko kaya agad kong nilock uli yun at napahawak sa leeg ko. Hindi padin ako maka get over sa ginawa nya!! Ano bang nangyayari dito, lalo akong natatakot sa mga pinapakita nya. Hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko! Humarap ako sa salamin at tiningnan ang leeg ko. Bigla na lang pumatak ang luha ko. Pakiramdam ko bihag ako at wala akong magawa.
( KINABUKASAN)
+ maghapon na naman syang nawala, tumawag sakin si Enzo para ipaalala ang party, ang sabi nya susunduin nyako pero hindi nako pumayag. Mabuti na lang nawala narin ang hickey na nilagay sakin ni Syto. At dahil wala sya malaya akong makakaalis. Simple lang ang suot ko naka dress ako at naka 2inch heels. Simple lang. Nakalugay lang ang buhok at di na masyadong nag make up. Welcome party lang naman yun. Lumabas nako, pero sumaglit muna ako kila Tessy para magbayad ng tubig. Ayko ko kasing mahuli.
Tessy- oh, ayos na ayos ah.
Tanya- ahh, may aattendan lang po.
Tessy- teka, nga pala bayad na kayo sa tubig at kuryente ah.
Tanya- ha?
Tessy- binayaran na ng boyfriend mo!
Tanya- g-ganun ba?
Tessy- kaya sige na. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo.
+ sabi nya ako na ang bahala dun. Tss. Umalis na nga ako at pumunta na kila Enzo. Sakto ang dating ko at magsasalita na ang parents ni Enzo kaya tumayo na lang ako sa isang tabi.
Nica- ui.
Tanya- Nica?
Nica- kanina ka pa?
Tanya- hindi naman.
Nica- ang ganda mo naman.
Tanya- lalo ka naman.
Ben- nag utuan pa kayo!
Nica- sus. Nga pala kanina ka pa hinahanap ni Boss Enzo. Ay! Ayan na pala sya. Hi Sir.
Enzo- hello. Hi Tanya.
+ nginitian ko na lang sya. Napaka disente ng itsura nya ngayun.
Enzo- o nageenjoy ba kayo guys?
Nica- oo naman Sir.
Enzo- pano ba yan hihiramin ko muna si Tanya ha.
Nica- sige lang Sir.
+ hinawakan nya nako sa kamay at hinila. Kaya naiwan muna yung dalawa dun. Winelcome na ng parents nya ang mga employee. At nagsimula ng kumain. Iniupo ako ni Enzo sa table kung san nakaupo rin ang parents nya. Kaya medyo natataranta ako. Bakit ba nyako dito pinaupo. Tumabi sya sakin.
Mom- Hi iha. Welcome to the company.
Tanya- S-salamat po.
Dad- so She is your date.
Enzo- yes dad.
Dad- surprising. Balita ko, magaling na ang ginawa mo on your first day. Keep it up.
Tanya- salamat po.
Dad- ayoko lang na may mababalitaan ako na hindi maganda okay.
Enzo- Dad. Dont pressure her.
Dad- sinasabi ko lang ng mas maaga. Tama naman ako Miss Tanya diba?
Tanya- o-opo Sir.
Mom- pasensya ka na ha, masyado kasing tutok sa business tong asawa ko kaya puro for the sake of business ang sinasabi nya. Btw kumain na tayo.
+ hindi talaga ako komportable dito, maya maya umakyat sa pumunta sa unahan si Ben at may iaanounce ata.
Ben- Good evening everyone. Pasensya na kayo kung aabalahin ko ang dinner nyo pero gusto ko lang ipa welcome ang magbibigay ng saya satin ngayung gabi. Lets get around of applause to LeftOver Band.
+ nagtinginan kaming lahat sa mga pumasok na tao at nabigla na lang ako ng makita ko sila Ken. Nagpalakpakan ang lahat. Mas nagitla ako ng makita ko si Syto at hindi lang yun, nakatingin sya sakin na parang mangangain. Umiwas agad ako ng tingin. Anong ginagawa nila dito?!
Enzo- Tanya? Ok...