A WIFE’S CRY Chapter 6


A WIFE’S CRYđź’”
đź’”Chapter 6đź’”
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Lexter kay Aileen ng makita itong nakasuot ng magandang damit, aalis.
Nagulat siya ng hindi siya pansinin ng asawa at nagdire diretso lang ito. Mukhang may kikitain. Pero sino naman?
Kita niya itong sumakay ng taxi at hindi man lang siya binahagian ng tingin. Parang hindi ito ang asawa na lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Pero di ba dapat masaya siya? Nakakapanghinayang lang at hindi niya agad magagawa ang plano nila ni Celine.
Masayang pumasok ng restaurant si Aileen. Niyaya siya ni Xavier na kumain at siyempre hindi na siya humindi. At ayaw niyang manatili sa bahay nila.
Nalaman niya ang dahilan kung bakit ganun kagalit sa kanya si Lexter, sinabi sa kanya ni Belle ang lahat. Na nahuli na nito ang asawa niya na kasama si Celine.
“hoy! Para tong ewan.”Kinaway niya pa ang kamay niya sa mukha Xavier para namang kasing nakakita ito ng anghel kung makatingin.
” Ang ganda ganda mo. “Anito na kunyari ay wala sa sarili. Kaya napangiti na lang siya. Kahit kailan napakabolero talaga.” Sabi ni mom dumalaw ka naman daw.”
” Talaga ba?”Pagbibiro niya. Kinurot naman nito ang kanyang pisngi.”Napakaano mo talaga. Ang sakit kaya!” Binatukan niya ito.
“Napakaswerte ko kung sasagutin mo na ko at ikaw ang magiging girlfriend ko.” Sabi nito kaya bigla siyang nawalan ng imik....


Iniba kasi nito ang usapan.
“As if naman mangyayari yon.” Pagpatol niya dito. “Oo mangyayari yon. Hihiwalayan mo na siya diba? Sabi sakin ni Belle.” Sabi nito at ngisi sa labi.
“Lokaret talaga ang babaeng yon.” Pabulong niyang sabi. Kung ganon lang sana kadali ang lahat. Pero alam niya darating ang lahat sa puntong iyon.
“Sayang naman may bahay pa naman ako sa Paris.”Sabi nito.” Joke yan no?”Tumawa naman ito.Matagal niya ng gusto pumunta aa bansang iyon, sana ay kasama niya si Lexter.
Pero malabo namang mangyari at saka napag-isip isip niya rin na tila ang dami ng oras ang nasayang niya dahil sa isang lalaki niya lang binaling ang atensyon niya.
” Meron.Gusto mo dun pa tayo magpakasal?” Biro pa nito. Bigla naman siyang nakaramdam ng kakaiba. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanila.
“G*go sauli ko tong bracelet mo ehh. Bibili nalang ako ng akin.” Sabi niya. “Wag na pikunin mahal na prinsesa.” Mukha ito na naman ang magiging source of happiness niya.
Habang pinagmamasdan ang asawa na may kausap na ibang lalaki. Ay hindi malaman ni Lexter kung ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Bakit tila nagseselos siya?
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya. “Hello, babe nandito ko sa opisina niyo. Asan ka?” Si Celine iyon. Ewan niya bakit niya ba kasi sinundan si Aileen. “May dinaanan lang, papunta na ko diyan.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top