Aking Prinsesa Chapter 27


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 27
.
At sa mga alaalang iyon ni Medina, ay hindi na niya napigilan ang luha na kanina pa nagbabadya sa kanyang mga mata, mabilis na umalis si Meding sa kinakukublihan niya, at nagpunta uli siya sa kanyang kwarto para doon ibuhos ang nararamdaman niya, ang tagal na panahon na din niyang kinikimkim ang damdamin na kaytagal niyang itinatago..sa nalaman niyang mahal din pala siya ni Ferdie.lagi siyang pumupunta sa puntod ni Rosita dahil lagi niyang inihihingi ng tawad ang hindi niya pagtupad sa bilin ni rosita sa kanya na paibigin si Ferdie, dahil siya ang napa-ibig ni ferdie, at ngayon nalaman niya na niya na iniibig din pala siya nito..at samantala naman si Ferdie at Yna ay bumalik na sa kani-kailang silid upang mahiga uli at baka daw sakali na makatulog sila..at lumipas naman ang oras ay, bumangon na si Ferdie, bumababa na siya agad at nagtungo sa kusina upang hanapin si Meding, ngunit hindi niya nakita si Meding, nagtanong siya sa isang katulong na nakita niya sa may kusina.
.
Ferdie : nasaan si Meding?
Katulong : ah wala po don Ferdie, ipagtitimpla ko na po ba kayo ng kape?
Ferdie : saan siya nagpunta?
Katulong : hindi po sinabi kung saan pupunta eh.
Ferdie ; ganun ba, mamaya na lang ako magkakape.
.
Lumabas si Ferdie sa may garden at nakita niyang naroon si Esang natuwa siya kay esang at kinakausap niya ang mga halaman.
.
Ferdie : esang..sino kinakausap mo diyan?
Esang : ayyy( nagulat )..don ferdie kayo po pala, nagulat po ako sa inyo don ferdie akala ko sinasagot na ako ng mga halaman, kanina po si nanay meding ginulat din po ako.
Ferdie : nakita mo si Meding?
Esang : opo, pumitas po siya ng mga bulaklak dito kanina, dadalaw daw po siya sa puntod ng mama ni Ate Yna.
.
Nagmadaling iniwanan ni Ferdie si Esang at nagmadali siyang lumakad at nagpunta sa garahe ng mga sasakyan, at sinakyan niya ang isang kotse, at pina-andar niya agad ito, at mabilis niyang inarangkada..at samantalang si Meding naman ay naroon na sa may sementeryo, binuksan niya ang pinaka-gate ng museleo ng nitso ni Rosita, nagtulos siya ng kandila at nilagay niya sa may flower base ang bulaklak na pinitas niya sa mga halamang inaalagaan ni Esang..at nilinis muna niya ang buong paligid ng museleo, dahil madaming mga alikabok, matagal din siyang hindi nakadalaw, sa tuwing dadalaw siya ay lagi siyang naglilinis roon, at ng matapos siyang maglinis ay nakaramdam siya ng hingal, at naupo siya sa malapit sa may nitso ni Rosita, at kinausap niya ito ng parang kaharap niya lang ito na parang nakikinig lang sa kanya.
.
Meding : nakakainis ka naman Rosita, kadaya mo naman, kung bakit ba naman kasi iniwan mo kami. Bakit ba naman kasi iniwanan mo agad ang mag-ama mo, hindi ko sana nararanasan ito, nahihirapan na yong kalooban ko rosita, hindi ko alam kung matutuwa ba ako ng malaman ko na mahal na ako ni Ferdie, ikaw ba ang may kagagawan nito, inudyukan mo ba siya sa panaginip mo ha, ano ka ba rosita matanda na ako, tuloy para akong bumabata para akong tinedyer na kinikilig, kasalanan mo ito rosita, pakiramdam ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sayo, kahit na alam ko na gusto mo itong nararamdaman ko sa asawa mo, alam ko nagpapasalamat ka sa pag-aalaga ko kay Yna, pero alam ko din na naiinis ka sakin dahil hindi ko tinupad ang isa pang bilin mo sakin, na paibigin si Ferdie, hindi ko kasi kayang gumawa ng hakbang eh, basta naramdaman ko nalang na ako ang napa-ibig ni ferdie, pero pilit kong pinaglalabanan dahil hindi ko kayang isipin na pakiramdam ko inaagaw ko siya sayo, pero rosita mahal na mahal ko na si ferdie matagal na din, at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ng malaman kong mahal din pala niya ako..rosita pakiramdam ko hindi tama itong nararamdamam ko para kay Ferdie, matagal na panahon ko na din itong kinikimkim ko na ito, nahihirapan na akong umiwas sa nararamdaman kong ito, mahal na mahal ko si Ferdie, matagal ko ng iniingatan ang lihim kong ito, ikaw lang ang nakakaalam nito, sayo ko lang nasasabi na mahal ko si Ferdie..
Ferdie : mahal mo ako Meding?
.
.
Laking gulat ni Meding ng marinig niya ang boses ni Ferdie at nilingon niya ito, naroon nga si ferdie..
.
.
Meding : Don Ferdie!!!
Ferdie : Meding totoo bang mahal mo ako?
Meding : Don ferdie, anong ginagawa mo dito?
Ferdie : sagutin mo yong tinatanong ko sayo, mahal mo ba ako? Totoo ba ang narimig ko sayo na mahal mo ako?
.
.
Hindi alam ang sasabihin ni Meding, at hindi na din niya malaman ang gagawin dahil papalapit na sa kanya si Ferdie, at hanggang sa tuluyan ng nakalapit ito sa kanya, at hawak na ni ferdie ang mga braso niya, at halos mvagkadikit na ang mga mukha nila..
.
.
Ferdie : Medina, sabihin mo yong totoo sakin. Mahal mo ba ako? Narinig ko lahat ng sinabi mo, kaya hindi mo na maikakaila sakin, gusto ko lang ulitin mo uli ang sinabi mo na mahal mo ako.
Meding : wala naman akong sinasabi ah, baka naman nabibingihan ka lang..
Ferdie : hindi ako nabibingihan, narinig kong sinabi mo na mahal mo ako..
Meding : ano ka ba don Ferdie, nasa harap tayo ng puntod ni Rosita..
Ferdie : diba sabi mo bilin sayo ni Rosita na paibigin ako, pwes tagumpay ka dahil umiibig ako sayo matagal na..
Meding : hay, mabuti pa ay maiwan na kita dito, uuwe na ako..(sabay kawala sa,pagkakahawak ni ferdie sa braso niya).
.
.
Ngunit pinigilan siya ni Ferdie, hinila niya ito pabalik..at halos bumangga siya sa dibdib ni Ferdie..at ngayoy yapos na siya ni Ferdie..
.
,
Ferdie : mahal kita Medina, hindi ko lang masabi sayo kasi nahihiya ako sayo, natatakot ako baka iwasan mo ako, baka iwanan mo kami ni Yna kaya hindi ko maipagtapat sayo na mahal kita..
.
.
Hindi na makapagsalita si Meding dahil sa halos magkadikitvna angvmga mukha nila, at hindi niya alam ang ikikilos dahil hahalikan siya ni Ferdie, at hanggang sa bigla niyang itinulak bg malakas ni Medina si Ferdie ng malakas..
.
.
Meding : Don Ferdie!!! Hindi tama ito..
Ferdie : ano ang hindi tama? Ang pagmamahal ko sayo? Anong gagawin ko kung ikaw ang itinitibok ng puso ko!!
Medina : Don Ferdie naman, ang tanda na natin…
Ferdie : Pwede ba Meding, ayokong naririnig na tinatawag mo akong Don Ferdie.. nakukulili na yong tenga ko sa Don Ferdie..pwede bang Ferdie na lang..
Meding : hindi pwede kasi amo kita..
Ferdie : eh kung ganun pala, dapat din kitang tawaging ma’am Medina..
Meding : eh bakit naman?
Ferdie : eh kasi nga alipin mo ang puso ko..
Meding : naku naman, daig mo pa ang kabataan. nagpi-feeling Melenial ka pa..
Ferdie : sige na Meding sabihin mo na sakin na mahal mo ako.. kasi ako mahal na mahal kita..
Meding : kilabutan ka nga Don Ferdie nasa harap tayo ng puntod ng asawa mo..
Ferdie : bakit anong masama, minahal ko siya nong nabubuhay siya at hanggang ngayon nananatili pa din siya sa puso at isipan ko. pero nasa alaala ko na lang siya ngayon, ikaw ang nandito sa realidad...


na natutunan ibigin ng puso ko dhil nararamdaman ko na may pagmamahal ka sakin at sa anak ko, kaya hindi ko napigilan ang puso ko na tumibok para sayo..kaya sana sabihin mong mahal mo ako..ngunit hindi alam ang sasabihin ni Meding, para kasing madaming bagay ang kinatatakutan niya, ang husgahan siya ng mga tao na hindi nakakaalam ng totoong dahilan..Kya itinanggi pa din niya ang kanyang nararamdaman…
.
.
Meding : hindi kita mahal. nagkakamali ka lang ng dinig sa sinabi ko..wala akong nararamdamang pag-ibig sa’yo don Ferdie kaya huwag mo na akong tatanungin ng ganyan..
Ferdie : kung ganun pala ay si Rosita lang ang nagmamahal sakin, akala ko mahal mo ako, hindi naman pala..mabuti pa kayang mawala na lang din ako sa mundong ito, sasama na lang ako kay Rosita dahil siya mahal niya ako..( sabay talikod)
.
.
iniwan si Meding na napatulala, nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ni Ferdie na mawLa sa mundo..natakot siya sa isipin na baka magpapakamatay ito..at naisip niya na nagmamaneho ito baka maaksidente sa sama ng loob sa kanya..natakot siya bigla niyang hinabol si Ferdie..
Meding : Don Ferdie san ka pupunta? (sigaw niya)
Ferdie : hindi mo naman ako mahal diba..kaya pupuntahan ko na lang si Rosita..
Meding : ano bang pinagsasabi mo diyan bumalik ka dito..
.
.
ngunit hindi niya siya pinansin ni Ferdie, malapit na si Ferdie sa my sasakyan niya. binilisan ni Meding ang paglalakad, dahil bka hindi niya abutan si Ferdie makasakay na ito sa kotse..
Meding : Bumalik ka sabi ko eh..san ka ba kasi pupunta?
Ferdie : magpapakamatay, hindi mo naman pala ako mahal..akala ko mhl mo ko hindi naman pala..kaya mabuti pang mamatay na lang ako..
.
.
at nabuksan na ni Ferdie ang sasakyan niya, pasakay na sana siya ng magsalita ulit si Meding..
.
.
Meding : Ferdie Mahal kita..(sigaw niya)..mahal na mahal…(umiiyak na niyang sabi)
.
.
napahinto si Ferdie..at may ngiti sa kanyang labi..nilingon niya si Meding..
.
.
Ferdie : pauli-ulit nga yong sinabi mo..
Meding : Mahal kita..
.
.
sinugod ng yakap ni Ferdie si Meding..niyakap niya ito ng mahigpit, si Meding naman ay bumubuhos ang luha dahil sa sayang nararamdaman dahil nailabas na niya ang tinatagong damdamin para kay Ferdie..
.
.
Ferdie : mahal na mahal din kita Medina..
.
.
napayakap na din si Medina kay Ferdie..at labis na natuwa si Ferdie ng maramdamang niyakap din siya ni Meding..
.
.
Ferdie : Medina gusto ko ulit marinig sa’yo na mahal mo ako..
Meding : paulit-ulit ka naman eh..
Ferdie : syempre masarap kasing marinig yong mga salitang iyon..kaya sabihin mo ulit sakin..
Meding : oo na sige na.. mahal kita..
Ferdie : lagyan mo ng pangalan ko..
Meding : F-ferdie, mahal kita..
Ferdie : sabi ko na nga ba eh.. tama yong drama ko..
Meding : anong drama?
Ferdie : hindi naman tLaga ako magpapakamatay arte ko lang yun.. bakit ako magpapakamatay eh paano na lang ang anak ko.. at paano ka na, alam ko naman na mahal mo ako, kawawa nio naman ng anak ko kapag nawala ako..hinding hindi ko kayo iiwan. lalo na ngayon na sinabi mong mahal na mahal mo ako..
Meding : ah ganun..( pinaghahampas si Ferdie).. nakakainis ka talaga… nakakainis ka..
Ferdie : aray…. aray ko masakit ha..
Meding : nakakainis ka naman kasi..akala ko naman kasi magpapakamatay ka na eh.. tinakot mo naman ako eh.. akala ko totohanin mo na..
Ferdie : iiyak ka ba kung sakaling mawawala na ako..
Meding : syempre naman..
Ferdie : baka naman iiyak ka dahil matutuwa ka..
Meding : hindi ah, malulungkot ako..
Ferdiue : talaga ba?
Meding : oo..
Ferdie : kasi___??
Meding : kasi nga mahal nga kita
.
.
Sa tuwa ng kalooban ni ferdie ay muli niyang niyakap si Meding..parang nagluwag ang dibdib ng dalawa dahil sa wakas sa loob ng maraming taon ay nailabas na nila ang tunay na nararamdaman nila sa isat isa..at kahit medyo naflipasan na ng mga panahon ay di pa din papahuli, dahil sa pakiramdam ng bawat isa ay para silang mga kabataan pa lamang dahil sa iba ang nagagawa ng pag-ibig, lalo na kung ito ay wagas na iaalay sa minamahal..
lumipas ang mga sandali ay magkasama nang bumalik sina Ferdie at Meding sa mansion.
.
Yna : papa, yaya, san po kayo galing?
.
May ningning ang mga mata ni Ferdie habang nakatingin sa anak, at samantala namam nuon lang napansin ni Yna na magkahawak kamay ang papa niya at ang yaya niya, at si Meding naman ay hindi makatingin ng derwtso kay Yna, nahihiya ito, at si Yna naman, ay may kislap din sa kanyang mga mata, at alam na niya ang ibig sabihin, naipagtapat na ng papa niya kay yaya niya.
.
Yna : papa, nagtapat ka na kay yaya?(nakangiti niyang tanong)
Ferdie : oo anak, at masaya ako anak dahil parehas pala kami ng nararamdaman ni Medina.
.
Hindi na nagsalita pa si Yna, sinugod na niya ng yakap ang papa niya at yaya niya, doble ang sayang nararamdaman ni yna sa mga sandaling iyon, ngayon panatag na siya na hindi na malukungkot ang papa niya, at hanggang sa paglipas ng araw ay napagpasyahan na niyang pakasalan si Medina..
.
Esang : nanay Meding, nanay meding!!!!!(sigaw niya)
Meding : Esang bakit anong nangyari sayo?
Esang : nanay meding si Don Ferdise po nasa garden bilisan po ninyo!!!(humahangos niyang sabi)
Meding : ha bakit anong nangyari??
Esang : bilisan nio po nay Meding.!!!
.
Nataranta si Meding, nagtatakbo na din siya sa labas ng bahay upang puntahan si Ferdie sa garden.
.
Meding : Ferdie!!!!!(nagaalala niyang sambit)
.
Pagdating niya sa garden ay natigilan siya, punong puno ng mga bulaklak ang hardin, bukod sa mga bulaklak na alaga ni Esang, at naroon din si Ferdie may hawak na isang bugkos ng bulaklak..
.
Meding : F-Ferdie!!!
.
Nilapitan siya ni Ferdie at ibinigay niya ang bulaklak niyang hawak.
.
Meding : a-ano ba ito? A-at saka akala ko may nangyari na sayong masama, kasi sabi ni Es—–
.
Natigilan si Meding sa pagsasalita dahil biglang lumuhod sa harapan niya si Ferdie, at nanlaki ang mga mata ni Medina na may hawak na singsing si Ferdie, at alam na ni Medina ang nagyayari, unti unti nang bumabagsak ang mga luha nito sa mata.
.
Meding : F-Ferdie!!!
Ferdie : Medina, ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga, hinihiling ko na sana tanggapin mo ako bilang iyong maging kabiyak, maging asawa, Maari mo ba akong pakasalan?
Medina : Ferdie ano ka ba, hindi na tayo bata, matanda na tayo para sa ganitong bagay.
.
Nag-alala si Ferdie dahil baka hindi pumayag si Medina.
.
Ferdie : mahal kita Medina, lahat ay gagawin ko para makasama ka hanggang sa aking huling hininga, kaya nakiki-usap ako, pumayag kang maging kabiyak ko..dahil mahal na mahal kita!
.
Hilam na hilam sa luha ang mga mata ni Medina.at dahil dikta ng puso niya ay—
.
Meding : mahal na mahal din kita Ferdie kaya pumapayag ako.
.
Tumulo din ang luha ni Ferdie sa labis na kasiyahan, mabilis niyang isinuot ang singsing sa daliri ni Meding, at niyakap na niya ito sa katuwaan niya.mula sa di kalayuan ay naroon sina Yna, Nico, Belinda at Robert, at naroon din si Bernard at ang pamilya nito.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top