Alam Kong Ikaw na Talaga

Naniniwala kaba sa love at first sight? Ako kasi oo, yan ang storya namin ng asawa ko ngayon.

Nobyembre 2015 noong nag On the Job Training ako sa isang hotel kung saan dun sya nag tatrabaho.
Una namin training nun ay ang pag lilinis ng mga kwarto ng mga nag check in doon, sumunod ay sa labahan naman kami, dumating naman yung araw na FRONT DESK na, kung saan doon kami ang unang puountahan ng mga nag tatanong at nag papa book sa hotel, may lalaking tumayo at naglakad papunta sa elevator na pumukaw ng tingin ko, sinabi ko agad sa nag training sakin kung sino yun kasi sobrang napukaw ako, parang gusto ko na agad sya, akala ko kasi costumer sya dun or nakatira sa hotel, hindi ko akalain na tawagin siya na James, ng nag training sakin na si ate ana, sa hotel pala nag tatrabaho si james, tumalikod ako kasi hiyang hiya ako , maliit ako, maiiyim at lalong di naman kagandahan hindi katulad ng kaibigan ko na kasabay ko dun na maputi, matangkad at maganda.. madaming maganda dun, ngumiti lang naman daw pero ako kasi nakatalikod. Sunod na mga oras hindi ko na sya makalimutan, sunod na mga araw..

Pero bigla may nag msg sakin, sabi kilala mo pala si sarah? Yes kilala ko sya kasi siya yung girlfriend pala na nagkataon na taga saamin din. So wala na kasi alam ko may girlfriend na sya.

Pero nakalipas mga araw inaadd nya na ko...


tapos nagka mabutihan na kami. Hanggang sa dumating sa point na hiniwalayan na nya si sarah. Hindi ako masaya dahil alam ko may nasirang relasyon pero sabi naman nya hindi naman nya talaga gusto naging sila lang dahil pinakilala lang at naglasing sila sa bahay ni sarah at may nangyari sakanila..

Pero ewan ko pagkakita ko palang sakanya mahal ko na agad sya, masaya ako kasama sya, hanggang sa nag paalam sya na sa probinsya (nueva ecija) sya mag babagong taon, taga quezon city kasi sya. Kinakabahan ako nun kasi wala pa kami isang buwan pupunta na sya at mahigpit tatay ko. Pero ewan ko pumayag pamilya ko kahit sobrang higpit nilang lahat.. at pag dating dun sobrang inasikaso siya. Pati tatay ko tanggap sya. Kaya mas lalo kong naramdaman na sya na talaga.

Ayun lahat naman sinuportahan nya sakin pati pamilya ko, hanggang sa biglaang nabuntis ako, mahirap tanggapin kasi wala sa plano kaka graduate ko palang, pero buong pamilya nya hinarap pamilya ko, nagkaroon ng sama ng loob, pero sa huli masayang nag salo salo at nag inuman sila kahit hindi umiinom tatay ko, nilabas nya mga collection nya ng alak..

Masaya ako dahil natanggap na kami, pero nandun padin yung problema dahil hindi pa kami handa. Pero nandyan naman pamilya namin. January 26 2017 nagkaroon na kami ng magandang anak. Ngayon mag 5 years old na sya at magiging ate na. Dahil buntis nako at kabuwanan ko na..

Kasal nadin kami ng asawa ko..




Share On Whatsapp

Leave a Reply




top