Amazona Wife Chapter 7


🀦My Amazona Wife🀦

🀦Chapter 7🀦

Alam nang mag inang Amelia at Tanya na malapit na umuwi si Mang tony,kaya agad naman kinalat ni tanya ang kanyang buhok at nilagyan nang lipstick ang bibig para akalain nang dad niya na binugbog talaga siya ni Tonyang.

Papasok na sana si George,sa bahay nila tanya nang maabutan niyang nag uusap ang mag ina,at kalat ang gamit sa sala at maraming nabasag.

“Mom,tama naba ito?” kapa kapaniwala naba na binugbog ako nang babaeng yun?” ngiting wika ni tanya sa kanyang mommy.

Oo,anak kaya galingan mo mamaya umakting para maniwala at kaawaan ka talaga nang dad mo,para hindi na niya isipin at alalahanin pa ang babaeng yun,at para magalit din siya dito.” natatawa namang wika ni amelia.

Nagtataka naman si George,kung sinong babae ang tinutukoy nang mag ina,at bakit kailangan pa magpanggap nang mga ito,napa iling- iling na lang siya nang ulo niya at umalis na lang,susunduin niya sana si tanya,dahil inutusan siya nang mommy niya, may plano kasi ang mga ito na mag shopping. Pero dahil hindi siya tumuloy tinawagan niya na lang ang kanyang mommy,habang minamaneho niya ang kanyang sasakyan.

Dalawang ring lang nang tawag niya ay agad naman itong sinagot nang mommy niya.

“Oh George,nasundo muna ba si tanya?”

“No mom,may problema ata sila,nakita kung nagkalat ang lahat nang kagamitan nila sa sala at maraming nabasag.”

“Ha?! Bakit daw anong nangyari?” ok lang naman ba sila?”pag aalalang tanung nang kanyang mom.

“Don’t you worry mom,ok lang sila mom,mukhang nag enjoy naman sila.” natatawa niyang wika dito.

“Ikaw talaga, bakit naman nag eenjoy pa sila sa nangyari, eh ikaw nga may sabing nagkagulo sa bahay nila?”

“Ah basta mom,wag ka nang mag alala sa mga yun,tyaka mom hindi muna ako uuwi ngayong gabi ha,sa mansyon ni clark ako matutulog.”

“Bakit ba gustong gusto mo diyan umuwi sa mansyon ni clark,magagalit naman ang daddy mo pag nalaman niyang diyan ka na naman matutulog,pero sige mag iingat ka.

“Okay mom thanks.” wika niya dito at inioff narin ang tawag.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating narin ang sasakyan ni Mang tony,hindi pa siya nakababa nang sasakyan ay lumabas na nang bahay ang mag iina niya na umiiyak,nagulat at nagtaka naman siyang makita ang mag iina niya sa itsura na duguan.

“Bakit anong nangyari sa inyo? Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Matagal pa ang Holloween.

“Honey,naman nagbibiro ka parin.” naluluhang wika ni amelia.

“Bakit ba ano ba ang nangyari?” tanung niya at hinawakan si Amelia papasok nang bahay,napakunot noo naman siya na makita ang kalat at mga basag na vase sa sala.

“Daddy,ung anak mong si Tonyang,pumunta dito at nanggulo sinaktan niya kami ni mommy.” iyak na wika ni tanya,kaya agad niya itong tinitigan.

“What?!! Baka nagkakamali kayo,baka hindi si tonyang yun,hindi niya yan magagawa.” seryosong wika ni mang tony at agad naupo sa sofa.

“Honey,matagal na panahon hindi mo nakasama ang anak mo,kaya posibleng nagbago na ang ugali nito,siya ang may kagagawan nang lahat nang kalat na ito at tinutukan pa kami nang baril,nakakatakot siya honey.” wika ni amelia at yumakap kay mang tony.

“Kung si tonyang yun,bakit naman siya pupunta dito?”

“Hindi namin alam honey,nagulat na lang kami na nandito na siya sa loob at hinahanap ka,nang sinabi naming wala ka dito ayun nagsimula na siyang magwala,pinigilan siya nang dalawang guard pero tinakot niya lang ito sa dala niyang baril.” umiiyak na wika ni Amelia.

Nalungkot naman si Mang tony,sa narinig na isinumbong sa kanya nang dalawa,hindi niya alam kung anong nangyari sa anak niyang si tonyang kung bakit nagkaganun,agad siyang tumayo sa pagkakaupo at wala sa sariling iniwan ang mag iina.

“Saan ka pupunta honey?” tanung ni Amelia nang makitang lalabas ulit si Mang tony.

“Pag pasensiyahan niyo na lang si tonyang,pag makita ko siya kakausapin ko siya,wag niyo kung susundan magpapahangin lang ako sa labas.”

Naiwan ang mag iina sa sala at tuwang tuwa dahil mukhang epektibo ang akting nila.

Habang naglalakad si tonyang,nang may tumawag sa phone niya kaya agad niya itong sinagot.

“Tonyang,nasaan ka?” bakit bigla ka nalang nawala sa tabi ko ha?”inis na wika ni kara.

“Pasensiya na kara, kung hindi ako nakapag paalam sayo may iniisip lang ako, bakit ka pala napatawag?

“Hinahanap ka ni pinunong Zaida at Ramona,may ibibigay daw sila sayo. Kaya pumunta ka dito sa mansyon nla Alleya,nandito kami hihintayin ka namin.

“Okay,pakisabi papunta naku.”wika niya dito at ini off narin ang tawag.

Kalahating oras lang ay narating niya na rin ang mansyon nila Alleya,naabutan niyang kinausap si Diego at Alma ni Ramona.

“Tonyang,nandito kana pala, ito ang bayad ni pinunong zaida sa inyo dahil succesful ang pagpatay niyo kay Mr.Chu,tig isang daang libo niyong tatlo.” saad ni ramona at iniabot kay tonyang ang pera,sa sobrang tuwa niya na may nakuha na siyang pera ay agad niyang niyakap si Ramona.

“Salamat,salamat pinunong zaida at ramona.” naluluha niyang wika na ipinagtaka naman nang mga kasama niya.

“Tonyang,bakit ka umiiyak diba dapat masaya ka?” tanung ni kara.

“Kasi kailangang kailangan ko ngayon nang pera,nasa ospital ang nanay ko at kailangan itong operahan,kahit kulang pa ito natutuwa parin ako kasi kunti na lang ang hahanapin at idagdag kung pera para...


magkasya ang pang opera kay nanay.” naluluha niyang wika sa mga ito.

“Magkano ba ang kailangang pera tonyang,para maoperahan na ang nanay mo?” tanung ni alma.

“Dalawang daang libo alma.” yuko niyang wika.

“Ito oh,gamitin mo muna ang pera ko.” wika ni alma at inabot kay tonyang ang parte niya.

“Lahat ito?” takang tanung ni tonyang,paano naman ikaw?” paano kung may bibilhin ka?”

“Wag kang mag alala tonyang,kung may bibilhin man ako hihingi na lang ako kay diego nang pera,basta ang perang yan gamitin muna para sa pagpa opera sa nanay mo.” ngiting wika ni alma kaya agad din itong niyakap ni tonyang.

“Ito din tonyang oh,singkwenta mil idagdag mo iyan para panggastos sa ospital.” wika naman ni ramona.

“Maraming,maraming salamat sa inyo,hindi ako nagsisisi na sumama ako sa bundok at makilala kayo pinunong zaida at ramona.” naluluhang wika ni tonyang.

“Uuwi kaba sa inyo tonyang?” saan pala ang probinsiya mo?” tanung ni ramona.

“Sa subic,pinunong zaida”puwede ba akong umuwi muna para alagaan ang nanay ko at bantayan ito sa ospital.”wika ni tonyang.

“O sige,basta kung hindi kana babalik sa amin,maiintindihan ka namin,dahil mahirap manirahan sa bundok,kung babalik ka man masaya kaming tatanggapin ka nang buong puso.” wika ni pinunong zaida.

“Salamat pinunong zaida.”

Pagkatapos niyang magpaalam ay dina nag aksaya pa nang oras si tonyang,agad siyang bumiyahe pauwi nang subic.
Pitong oras din ang biyahe niya,madaling araw na siya nakarating sa bahay nila kaya agad niya inilapag ang gamit niya sa sahig at mabilis na pumunta nang ospital,mabuti na lang ay malapit lang sa baranggay nila ang ospital kung saan naka confine ang nanay niya.

Gulat naman ang tita niya na habol siya sa hininga niya nang lumapit siya sa nanay niyang naka dextrose at tulog.

“Oh tonyang,buti nakauwi ka agad may nakuha kabang pera para sa operasyon nang nanay mo?” tanung sa kaniya ni tita nelia.

“Oo meron na tita,puwede bang puntahan niyo ang doktor at sabihin niyong simulan na nila ang operasyon ni nanay.”

“Okay,okay tonyang” salamat naman sa diyos at nakapunta ka agad dito at may pera ka agad na dala.” natutuwang wika ni nelia,sa tatay mo ba ang pera na yan tonyang?”

“Hindi po tita nelia,sa mga kaibigan ko galing ang perang ito,at masaya silang natulungan nila ako.”

“Ah napakabuti naman nang mga kaibigan mo tonyang,pagpalain nawa’y sila nang panginoon,o sige maiwan muna kita dito tonyang kakausapin ko lang ang doktot tapos uuwi narin muna ako para maligo.”

“Okay tita,maramimg salamat po.”

Naiwan si tonyang na mag isa sa nanay niya na mahimbing parin itong natutulog,kaya kumuha ito nang basang bimpo at pinunasan ang kanyang nanay.

“Nay,pagaling ka ha! Tapos pag magaling kana,wag kana uminom nay” kung nalulungkot ka sa pagkawala ni tatay kaya lagi ka umiinom,mas magiging malungkot ako nanay,pag nawala ka sakin mahal na mahal kita nanay.” bulong niya habang hinahaplos ang mukha nang kanyang nanay.

“Tonyang anak ikaw naba yan?” nakauwi ka anak,patawarin mo si nanay kung pinag alala ka niya.”mahinang wika ni Aling caring.

“Ok lang yun nay,basta magpagaling ka lang,pagkatapos nito wag ka nang uminom ha?”

“Okay anak,para sayo hindi nku iinom.”

Nginitian at tumango na lamang si tonyang sa kanyang nanay.

Tanghali na nang umpisahan na ang operasyon nang kanyang nanay,habang hinihintay ni tonyang matapos ang operasyon,ay nagpaalam muna siya sa tita niya na lumabas,dahil kinakabahan siya gusto niya makalanghap nang sariwang hangin.

“Tita nelia,lalabas muna ako doon lang ako sa tabi nang dalampasigan.”wika niya kaharap lang kasi nang ospital ang dagat.

“Okay,pero bumalik ka agad ha.”

Tinanguan niya lang ang kanyang tita nelia at lumabas narin.Naupo siya sa tabi nang dalampasigan at nakatitig sa tanawin,maya maya nakarinig siya sa pagtawag nang pangalan niya.

“Tonyang!! Sigaw ni Vincent.” nilingon niya ito lumapit ito sa kanyang nakangiti. Diko akalain na makikita kita dito tonyang.”

“Oo,nandito kasi si nanay, ikaw bakit ka nandito?”

“Sinamahan ko si mommy,magpa check up,bakit ano pala ang nangyari kay tita caring.” tanung nito at pasimpleng umupo sa tabi niya.

“May bukol kasing nakita sa bituka niya,kailangan operahan kung hindi magiging cancer ito.

“Naku,kawawa naman pala si tita caring,ikaw kamusta naman trabaho mo sa japan?

“Ok lang naman,ikaw kamusta?”

“Ok lang din ako,masaya akong nakita kita ulit tonyang.” wika nito sabay hawak sa kamay niya. Tonyang ikaw parin laman nang puso ko,wala na ba talagang pag asa na magbalikan tayo? Pag bibigyan mo pa ako nang chance bukas na bukas,papakasalan agad kita.

“Vincent!! Tawag sa likuran nila kaya sabay silang napalingon si Alexa.

“Bumalik ka pa lang babae ka,para ano? Para agawin sakin ang fiancee ko?”sigaw nito sa kanya.

“Hoy,tigil tigilan mo nga ako wala ako sa mood makipag away sayo ngayon,kung may dapat kang awayin yang fiancee mong babaero,alam mo ba kung anong sinabi niya sakin,pag bibigyan ko daw siya nang chance,papakasalan niya daw ako bukas na bukas kawawa ka naman kung papayag ako,kaso hindi ko kinakain ulit ang sinusuka ko na.” nakangiting wika niya at umalis sa harapan nang mga ito.

Pak!! Rinig niyang malakas na sampal.

“Akala ko ba mahal muna ko,handa muna kong pakasalan,bakit nakita mo lang ang babaeng yun siya agad ang mahal mo,walanghiya ka.

Pak!! Rinig niyang sampal ulit.

“Buti nga sayo vincent.” bulong niya at tuluyan nang pumasok ulit nang ospital.

To be continue..






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nxt chapter pls

Leave a Reply


top