ANG MASUNGIT NA TOY SELLER
“Kuya magkano po ito?” tanong ko habang hawak ang laruang tinutukoy ko.
Napasimangot na lamang ako ng hindi ito sumagot. Mukhang abalang abala ito habang patuloy sa pagpindot sa screen ng cellphone niya.
Tumikhim ako bago muling magsalita, “Kuya magkano po dito?” paguulit ko.
Walang emosyon itong tumingala sa akin at kaagad ring tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. May itinuro itong maliit na papel sa kapit kong laruan.
“Every toy have their price written on them.” Masungit na hasik nito.
Bumalik na rin agad ito sa kaniyang pagkakaupo at muling binaling ang atensiyon sa kaniyang cellphone. Napabuntong hininga na lamang ako bago tingnan ang itinuro niyang presyo.
“Hays pogi sana kaso masungit.” Bulong ko.
“What did you say?”
Muli akong napabaling ng tingin sa tinderong masungit. Tutok pa rin ang atensiyon nito sa hawak niya.
“Ah wala, sabi ko ang mahal naman nito.” pagsisinungaling matapos maibalik ang laruan sa dati nitong pwesto.
Umiling iling lamang ito at tila may sinabi ngunit hindi ko naintindihan dahil chingchong language yata ang linguwahe niya.
Itinuon ko na lamang ang aking pansin sa pagpili ng laruang ireregalo ko sa aking pamangkin. Malapit na ring sumapit ang Christmas kaya’t inaasahan nilang may regalong matatanggap mula sa akin.
“Aish what the fvck, not now.”
Wala sa oras akong napalingon sa napakasungit na tindero nitong mga laruan. Napansin kong tumutunog ang cell phone nito at mukhang ayaw niyang sagutin ang tawag. Nang umangat ang tingin ko sa kaniyang mga mata ay hindi ko inaasahan na nakatingin na rin...
next po