ANG MATARAY KONG GIRLFRIEND”
******************************
“What’s up people of the universe! Sorry late ako.” Pa-cute na bungad ko sa mga kaklase ko habang nagsisimula na sila sa paggawa ng group work namin.
“Akala mo bagay sa ‘yo? Nagmumukha kang trying hard pa-cute! Alam mo ‘yun?” pagtataray ng isa sa babae kong kaklase.
“Sorry na po. Ano ba maitutulong ko dito?” tanong ko at kita ko ang pagtirik ng mga mata niya.
“Wala. Wala ka namang mai-aambag. Kaya umupo ka nalang. At saka tigilan mo ‘yang kaka ‘po’ mo dahil nakakadiring pakinggan!” saad nito at bakas ang pagkairita sa dugyot niyang pagmumukha.
Tumahimik nalang ako at umupo sa gilid at hinintay na matapos nila ang group activity namin.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ng isang babae saka tumabi ito sa akin. It’s Lincy.
“Hoy? Ayos ka lang?” She asked in a worried tone.
“Oum. Ayos lang ako ‘wag kang mag alala.” I smiled and nodded as a response.
Maya-maya pa ay tumayo nalang siya at nilapitan niya ‘yung babaeng kanina pa nagtataray sa akin. Hinila niya ang balikat nito dahilan upang umikot papunta sa harap niya ang katawan nito.
“Hoy Vida! Ano problema mo kay James ha?” She almost shouted while crossing her arms and it is evident right through her eyes that she’s really upset.
“Pardon?” Vida responded.
“Ano ba ang nakain mo at ginaganyan mo siya ha? May problema ka ba sa kanya?! Kung may problema ka sa kanya ako ang kausapin mo! Hindi ‘yung dinadaan mo sa pagtataray ang lahat!” Lincy made everyone in the room to became silent and only her voice echoing inside the room.
“Lincy, tama na. Hayaan mo nalang siya. Ayos lang ako.” saad ko at pilit ko siyang hinihila para maawat ko na siya.
“No! Let me finish this.” She wiped off my hands as she get back her attention...