BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 13


ASHARI’S POV
Nakatayo lang ako sa labas ng isang napakagandang hallway.
Nakatulala lang ako habang daan daanan ako ng mga tao dito.
Maids na may mga dalang personal needs…
Butlers na may mga dalang aid kits…
Mga nurse na nagmamadali at may dalang tray ng medical tools…
Personal body guards na pabibo lang, gusto lang umeksena…
At mga kung sino sinong extra na aligagang aligaga sa nangyayari…
“Bakit ba alalang alala sila kay Chanak?” mahinang tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ng diretsyo sa bukas na pintuan na pinapasukan ng mga tao.
Pinto ng napakalaking kwarto ni Chanak na Gali. Hindi ko pa napapasok ‘yong loob pero sa itsura palang at sa dami ng taong pumapasok, sure ako na sobrang laki nito.
“Nagkasakit din naman ako nung bata ako pero isang tao lang nag alaga sa akin, hindi ganyang kadami susginoo. Gagaling ba siya pag paramihan ng tao ha?” reklamo ko nanamang bulong sa sarili ko.
Kinumbinsi ko ang sarili ko na wala lang ‘yan. Sakit lang ‘yan susmaryosep. Bakit ba masyadong big deal sa kanila yan aber?
Huwag kang mag alala Ashari ok? Psh, nagkasakit lang naman si Gali. Parang normal lang naman sa bata ang magkasakit noh.
E bakit natutulala ako? Bakit hindi ko kayang pumasok sa loob? Bakit parang may mabigat dito sa dibdib ko at hindi ako mapakali?
Ay kinakabagan ka lang Ashari! Sign of aging ‘yan. Malapit ka nanaman kasing tumanda!
Susginoo! Naulanan lang naman si Gali, kung makakilos naman sila kala mo namang may cancer yung bata na stage 5 at naghihingalo na.
Huwag kang mag-alala Ashari ok? Wala kang pake sa Chanak na’yon. Isaksak mo ‘yan sa utak mo!
Grabe lang kasi, parang bente na maid yata andito, sampong butler at sampong body guard sa sobrang dami e. Kaloka!
“What happened? Anong nangyari sa apo ko?” may dumating na isang babae. Sinalubong siya ng isang butler.
Ang ganda niya para sa isang lola. Sobrang demure niyang tingnan noh, malayong malayo kay Aling Marites. E si Aling Marites naman kasi panay chismis alam sa buhay. Pati problema ng iba pinoproblema niya at talagang ichichika pa niya, o sinong hindi magmumukhang matanda agad pag ganon diba?
“Nagkasakit po ang apo niyo Madam Gisella, sobrang taas po ng lagnat nito. Kasalukuyan po itong tinitingnan ni Doc.” sabi ng butler.
“O MY GOOSSSHHH! ANG APOOOO KO!!!!” sigaw na palahaw ni Kumareng Gisella, luh! Napatakip pa ito sa bibig at kamuntik lang mahimatay, naalalayan lang siya nung butler.
Luh, parang namatayan amp!
Bat ang O-OA ng mga tao dito? First time bang magkasakit ng Gali ha? FIRST TIME? Kaloka!
“ANG APOOO KO! FIRST TIME NIYANG MAGKASAKIT! APOOOOO MAGPAGALING KA APOOOO!” sigaw nito bago pumasok sa malaking kwarto.
Bumagsak ang panga ko.
Ano daw?
FIRST TIME NAGKASAKIT NI GALI?
Susginoo!
Ilang beses akong nagkasakit nung bata ako tapos itong si Gali first time? Wow ha. Anong pagkain ba pinapakain sa kaniya? May special sabon at shampoo ba na ginagamit sa katawan niya’t mukhang walang germs na nakakalapit sa kaniya? Nakakaloka!
Kaya pala ganito mag react mga tao dito.
Ok, ikalma mo kalooban mo Ashari. Wala kang pake ok? Huwag kang tutulad sa kanila na ubod ng OA! Wala kang pake kay Chanak! Hindi ka nag aalala sa kaniya!!!!
“Ms. Ashari?” may isang maid ang biglang nagpagising na gulat na gulat kong wisho. “Pinapatawag po kayo ni Sir Easton sa loob.”
Napalunok ako.
Kitang ayaw ko ngang pumasok sa loob diba?
Nakurpooo! Parang may hindi ako magandang pakiramdam. Parang pati ako magkakasakit.
Muli akong lumunok bago dahan dahang naglakad papasok sa loob ng kwarto. Nakasunod ako sa maid.
Pag-apak ng paa ko sa loob, para akong nakaramdam ng napaka gloomy na aura. Lahat ng tao na nandito ay nakamata sa akin at sinusuri bawat galaw ng katawan ko.
Ang g-gloomy talaga ng mga tingin nila.
Ano ‘to ha? Bakit parang may namatay na talaga. Parang nasa lamay na ako lechugas!
Hindi na ako nag abala pang tingnan sila isa isa. Nagtuloy ako sa mabigat kong paglakad. Dito palang sa pwesto ko, kitang kita ko na si Gali na nilalamon ng napakalaking bed niya. Haler, 2 years old lang siya bakit parang sampong tao kasya sa bed niya.
May mga beeping apparatuses na nasa gilid. Kita din na naka dextrose na yung bata.
Luh, don’t tell me may sakit talagang malala si Gali at ganyan ang kalagayan niya dito sa kwarto?
Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya. Hindi ko alam pero may parte sa akin na gusto siyang yakapin at sabihan na ‘Gali, nandito lang ako, magpagaling ka na ng mabilis’
Umiling ako ng umiling. Sabi na e, lalagnatin na talaga ako kaya kung ano ano na naiisip ko.
Hindi pa man din ako nakakarating sa mismong gawi ng bed ni Gali, may sumusugod na sa akin na gwapong nilalang.
Walanjo naman, bakit ba ang gwapo niya kahit galit na galit siyang naglalakad palapit sa akin. Lam mo ‘yon, mukha siyang papatay ng tao pero ang gwapo pa din!
“Hi, Mr. Po–” pogi sana ‘yung sasabihin ko kaso bigla siyang umepal.
“WHAT THE HELL DID YOU DO TO MY SON!” walang ka-abog aboh, hinigit niya ang tshirt ko at sinigawan niya ako sa pagmumukha.
Leche, hindi ako makahinga! Nasasakal ako! Halos ma-i-angat na niya ako sa sahig dahil galit na galit siyang nakahawak sa kwelyuhan ng shirt ko.
Pinapalo palo ko ang mga braso niya pero galit na galit talaga siya.
WALANG HIYA! WALANG KWENTANG LALAKI!
ANONG KLASE SIYA HA? ANONG KARAPATAN NIYA PARA GAWIN SAKIN ‘TO? HELLO, BABAE AKO AT HINDI AKO LALAKI PARA KWELYUHAN NIYA!
“B-b-bitawan mo a-ako!!!” pilit kong usal sa pagkakasakal niya sa akin.
Legit! Para na akong malalatidan ng hininga. Naisip ko siyang sipain sa bayag niya pero wala na akong lakas! Nauubusan na ako ng hangin sa ginagawa niya.
“ANSWER ME! WHAT THE HELL DID YOU DO TO MY SON!” seryoso siya!
Papatayin niya ako! ‘Yang galit na galit na tingin na’yan!
“Easton! Easton!” i heard a man’s voice pero nandidilim na ang mata ko. Leche, oras na mabuhay ako dito sasakalin ko ‘tong Esprikiton na’to! Isasama ko siya sa hukay! “EASTON DON’T KILL HER!!!!”
May humila ng malakas sa braso ni Easton. Ayaw pa niya akong bitawan pero gumamit ng malakas na pwersa yung bumawal sa kaniya kaya ako nakawala sa hawak niya.
“W-walang hiya ka!” bumagsak ako sa sahig. Parang nag aagaw ang liwanag at dilim sa paningin ko! Pilit pa akong nakikipaghabulan ng hangin. Parang may tumitining na ugong sa tenga ko at parang may nakadagan na mabigat sa ulo ko.
Pinilit kong tumayo pero nabuwal lang...


ulit ako sa sabig. Aahhhhhh! Ang sakit ng ulo ko! Para akong nawalan ng hangin sa ulo lecheeee!
“Papatayin kita!!!!” sigaw ko kay Isprikiton habang nakahawak ako sa ulo ko at dibdib dahil sa ginawa niya sa akin.
Ng maramdaman ko na medyo nags-subside na ‘yung sakit, galit na galit akong nag angat ng tingin!
“KAMPON KA BA NI SATANAS HA? PAPATAYIN MO KO BWISIT KA!”
Galit din siyang nakatingin sa akin. ‘Yong mga tingin niya nangmamata na para bang napakababa kong tao. Well, nasa lapag naman talaga ako at siya nakatayo so basically, para talaga siyang nakatingin sa mababang tao.
“I will not hesitate to kill you! What did you do to my son?”
Hawak hawak lang siya sa balikat nung Dyther kaya hindi siya nakakapalag pero wow ha, ako na nga nag alaga sa anak niya ako pa tong papatayin niya? Walang utang na loob leche!
Napatingin ako sa paligid ko.
Ang daming tao ang nakatingin. Maids, butlers, nurse, doctor, samot saring mga armadong tao at kung sino sino pang wala naman akong kinapakehan!
Lahat sila nakatingin sa akin na para bang pinatay ko si Gali.
“Lecheng buhay ‘to. HAHAHAHAHAHA!” matatawa ka nalang talaga bwisit!
“Don’t laugh or else I’ll kill you!” pagbabanta ni Isprikiton. Hanep na’yan, nabuking na nga po ang pag-iinarte ko kanina noh.
Pa-iyak-iyak effect pa man din akong nalalaman kanina tapos bigla bigla din pala mapapatay na ako ng wala sa oras.
“EDI PATAYIN MO!” asik ko sa kaniya. Nagkunot naman siya ng noo sa sagot ko. Nakangising tumayo ako. Kamuntik pa din akong mabuwal dahil nangangatog pa ang tuhod ko pero pinilit ko pa ding tumayo. “WALA AKONG PAKE.” matigas kong turan. “MASAMANG NILALANG AKO, BWISIT AKO AT AMINADO AKO DOON. KASO NAKAKAHINAYANG NGA KASI KUNG BAKIT PINAPASOK KO SA BAHAY KO ‘YANG ANAK MO!” sigaw ko sa pagmumukha niya.
“What are you–”
“OO NA! OO NA KASINUNGALINGAN LAHAT NG SINABI KO SA’YO KANINA.” pag amin ko.
“Huwag kang mag-alala…” sige na, magsasabi na ako ng totoo bwisit! “Hindi ko talaga inalagaan ‘yang anak mo. Hinayaan ko siyang mabasa ng ulan sa labas kaya siya nagkasakit. Bwisit akong tao, mas masahol pa ako sa masahol. Masama ang budhi ko at aminado ako doon. Wala akong time para magpapasok ng gusgusin at mabahong bata sa bahay ko. Akala ko nga maligno ‘yang anak mo. Akala ko pinadala ng sindikato para pagnakawan ako, diba ganon naman uso na modus ngayon?” ngumisi ako at kitang kita sa mukha ni Isprikiton na kaunting kaunti nalang talaga mapapatay na niya ako.
“Hindi ko siya kinupkop…” totoo naman diba, pinapasok ko siya nung huli na…
“Hindi ko siya inaruga,” bara bara kong ngang pinaliguan e, hinayaan ko pang mahilam ang mata. Hindi ko din siya binigyan ng maayos na damit. Wala pa siyang brief tapos tinipid ko pa sa diaper.
“Hindi ko siya pinakain ng maayos…” tamang birch tree at cerelac lang. Pinagfasting ko pa nung umaga bago ko siya ipalit sana sa 500 Million,HAHAHAHA ANG SAYA YUNG 500 MILLION KO NAIWAN DON SA MUSEUM!!
“At higit sa lahat, iniwan ko siyang mag isa…” kaya nga natakot siya sa mga puta–este pusa pala.
“Ang totoo niyan, wala naman kasi talaga akong pake sa anak mo. Hindi ko siya minahal gaya nung pagsisinungaling ko sayo kanina. 500 million lang ang habol ko kaya ko kinupkop sandali ‘yang anak mo. Kung walang perang kapalit, sa tingin mo aalagaan ko siya? No way!”
Nagseryoso ako ng tingin “Happy ka na? Lahat ng sinabi ko sa’yo kanina, kabaligtaran ‘yun. Sinabi ko lang ‘yon para kalagan mo posas ko at para makalayas kaagad ako sa impyernong ‘to. Nagsabi na ako ng totoo. Sige na, kung papatayin mo ako…go!”
Diretsyo lang akong nakatingin sa mga mata ni Isprikiton. “Wala namang mag aalala sa akin e.” bulong ko sa sarili ko at siniguro kong ako lang ang makakarinig.
Kitang kita ko ang galit sa mata ni Easton. Anytime anywhere somwhere down the road, alam kong tetegiin na talaga niya ako.
Hay buhay, pag pinatay niya ako, mag aabot kami sa impyerno one day. Hays, ipag p-pray ko nalang na magbagong buhay siya para sa heaven siya mapunta at para di na kami mag meet na dalawa sa impyerno kasi baka mastress pa si devil sa amin e baka magpa-impeach siya sa pwesto niya at sabihan kaming dalawa na kami na ang pumalit sa kaniya. HINDI PWEDE!
Nakita ko na binunot muli ni Easton ang baril sa likod niya. Ayan na nga po noh, magstart na nga ako mag pray e. Oo nah!
Nakatingin lang ako ng diretsyo pero yung utak ko nakapikit na at nagdarasal. Nagsisisi na po ako sa mga kasalanan ko, ayaw ko pong mapunta sa impyerno. Itong si Easton nalang po ang masama, siya nalang po parusahan niyo.
Ayan, binawi ko din yung sinabi ko kanina kasi bakit ako yung kaylangang mapunta sa kaibuturan ng mundong ibabaw diba? E hindi naman ako yung papatay, si EASTON! SI BOY ISPRIKITIK!
“Bid your death wish.” matiim nitong banggit atsaka ikinasa ang baril at dahan dahang itinaas ang braso para itutok ito sa ulo ko.
Wish ko sana sa langit ako mapunta at ikaw sa ibaba bye!
Ready na ready na ang buo kong pagkatao sa mga susunod na mangyayari ng biglang may maliliit na boses ang umawat sa tensyon ng buong pangyayari.
“Mamha, i yab you. Huwag mo ato iwan.”
Kaagad akong lumingon kay Gali.
Wala akong pake kung babarilin ako ni Easton o ano!
Basta tumakbo lang ako papunta doon sa king sized bed. Nilampasan ko si Easton at ang iba pang tao na pa-extra extra lang.
Sumampa ako sa kama, wala akong pake kung madumihan ito ng suot kong sneakers. Pagapang akong lumapit kay Gali. Bwisit naman kasi ang laki ng bed na’to.
“Gali?” tawag ko sa kaniya ng makarating ako sa pwesto niya. Nakapikit siya at mukhang natutulog pa din.
Nananaginip lang ba siya kanina nung nagsalita siya?
“Mamha.” bulong pa niyang muli. “Huwag ta alis. Huwag mo iwan Gali, promit natin ‘yun ta isa’t nslwlcnkelxn.” at tuluyan na siyang bumalik sa pagkakatulog.
Tumango naman ako ng tumango sa kaniya. “Oo, dito lang ako ok? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.” hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan sa noo.
Oo na! Oo na! Sobra akong nag aalala sa kaniya. Sobra na yung guilt na nararamdaman ko. Gusto ko ng sumabog sa inis sa sarili ko. Bakit ba kasi sobrang indenial ako? Bakit hindi ko matanggap na nag aalala ako sa kaniya.
Gali….
Hindi ko papakuin ang pangako ko sa’yo.
Hindi kita iiwan.
Dito lang ako…
Pangako.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top