BEHIND HIS SWEETNESS


BEHIND HIS SWEETNESS
Written by: Steffy Craige
“You look gorgeous babe” pagpupuri sa akin ni Kaizer, my boyfriend
“Of course babe, your girlfriend is always really beautiful” Pagyayabang ko, sabay tumawa naman ito
“Let’s go, I’m sure excited na si mom na makita tayo, dahil hindi pwedeng wala tayo sa anniversary nila dad” inalalayan niya ako papasok ng kanyang kotse
“Me too, excited nadin akong makita sila” sagot ko, saka niya pinaandar ang kotse. While driving it took my hand and it smiled sweetly and so did I.
______
“Mom! We are here!” tawag ni Kaizer sa mommy niya para salubungin kami
“Hi Tyra, mabuti naman at nakarating ka” salubong sa amin ng mommy niya sabay nag beso
“Hi Tita happy anniversary po sa inyo ni Tito Fred” pagbati ko
“Thank you hija, by the way you look gorgeous” tuwang tuwang pagpuri sakin ni Tita Scarlet
“Of course mom, my girlfriend is always beautiful” sabi naman ni Kaizer kaya sabay kaming natawa ni Tita Scarlet
“Thank you Tita, you are also beautiful po” balik kong pagpuri, tumawa naman ito ng medyo malakas, she’s nice
“Tara na sa loob, let’s celebrate!” inakit na kami ni Kaizer sa loob, for celebration, hinawakan niya ang kamay ko saka kami pumasok sa loob kasama ng mommy niya
After the celebration and dinner with his family lumabas muna kami ni Kaizer para magpahangin.
“Babe, thank you for being a part of this special celebration” I said, niyakap niya ako at ginantihan ko ito ng mahigpit na yakap
“Of course, you are part of my family because you are my girlfriend, kita mo naman kanina diba tuwang tuwa sayo si mom pati na rin si dad” he laughed, mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayap niya sa akin, naglalambing.
“Babe?” muling pagsalita niya
“Hmm?” sagot ko
“I love you” malamig na bulong niya sa tenga ko
“I love you eternally” I response, he kissed me on my forehead
“I am so lucky to have you, I promise you I will always protect you” ang sarap pakinggan sa tenga ng mga sinabi niya parang ayaw ko ng matapos itong sandali na kasama siya
“Aw ano na naman bang nakain mo babe? Kidding” natawa naman ito dahil sa sinabi ko
“Thank you, because of you I am so happy” nakangiti kong saad saka hinawakan ang mukha niya and I kissed him
Ilang sandali ay nakaramdam ako ng antok at pagod kaya niyaya na ako ni Kaizer na ihatid pauwi.
Habang nasa byahe ay naka tulog pala ako, dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Kaizer na nasa harap ko at ang lapit ng mukha niya sa akin, tinititigan pala niya ako habang natutulog
“Nandito na tayo sa bahay nyo, magpahinga kana huh” aniya ng magising ako
“ikaw din magpahinga kana, goodnight” sabi ko
“Goodnight, I love you” He said in a melodious tone
“I love you too” sagot ko saka niya ako hinalikan. Tinanggal ko ang seat belt at bumaba na ako ng kotse niya
“Bye, ingat ka!” sabi ko
“Bye” kumaway siya bago tuluyang paandarin ang kanyang kotse. At pumasok na rin ako sa loob ng bahay para magpahinga at matulog.
_______
Break time namin sa work ng kaibigan kong si Rachel kaya yayain ko siya sa labas para kumain. Biglang may lumapit at nag abot sa akin ng bouquet of flowers
“Miss Tyra, may nagpapabigay po sa inyo” inabot sa akin ng office mate ko ang bouquet
“Ayieee ang sweet naman” sabi ni Rachel at ng ibang ka office mate ko, napangiti naman ako dahil sa mga ito at syempre dahil kinikilig din ako, biglang may nag pop up sa cellphone ko, nag text si Kaizer.


/> [Kaizer]
“Hi babe, na tanggap mo na ba yung flower? Sorry ha ang dami ko kasing inaasikaso kaya hindi kita masasamahan for lunch.”
“It’s okay babe, kasama ko naman sina Rachel at ibang ka office mate ko eh” I replied.
“Tara na, kain tayo sa labas libre ko” ngiting sabi ko sa mga kasama ko
“Oh ano pang hinihintay nyo tara na” saba’t naman ni Rachel
________
Makalipas ang ilang linggo na kasama siya sobrang saya ko. Kailan man hindi siya umalis sa tabi ko, lagi siyang nandyan para suportahan ako, he’s the ideal boyfriend for me. He always makes me feel special.
Pero yung mga oras na yun na kasama siya marami akong narealize, The care and love he gave me, it was all pure lies. It was too late for me to realize na hindi ako yung babae na totoong minamahal niya dahil nilamon ako ng pekeng kasiyahan.
“You still love her, right?” bigla itong natahimik sa sinabi ko, tinitigan ko siya habang pinipigilan ang luhang namumuo sa aking mga mata
“W-what are you talking about?” naguguluhan na tanong niya
“She’s still in your heart, right?” tumulo bigla ang luha ko na kanina kopa pinipigilan
“S-sorry” malungkot na sabi nito saka pinunasan ang luha ko, he can’t deny it because he still loves Zoe, his ex
Sumandal ako sa dibdib niya habang umiiyak pero inalis ko din ito at tumingin ng diretsyo sa kanya
“Ang tanga ko Kaizer!” naupo ako bigla habang umiiyak and that time hindi ko alam ang gagawin ko
“Tyra sorry kung nasasaktan kita, maniwala ka man o hindi, hindi ko gusto to. H-hindi ko gusto na saktan ka” he explained
“M-minahal mo ba talaga ako or g-ginawa mo lang akong rebound?” umiiyak kong tanong sa kanya
“Minahal kita Tyra you know that but… sorry kase hanggang ngayon si Zoe parin yung nandito sa puso ko, mahal na mahal ko parin sya k-kahit pinagpalit niya ako sa iba” naiyak na din siya nang sabihin ang mga salitang iyon
Ang mga salitang iyon na binitawan nya ay mas lalong nakapag pabigat sa dibdib ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko at tila ayaw tumigil ng pag-agos ng mga luha ko
“B-bakit Kaizer? B-bakit g-ginagawa mo sa akin to? Naniwala ako sayo kase akala ko ako yung totoong mahal mo” I cried more
“Tyra pinasaya mo ako ng sobra and thank you for that. Sayang lang kase…kung ikaw lang sana yung unang dumating sa buhay ko sana ikaw yung mas minahal ko.” He said
“G-ginawa ko naman lahat d-diba? Minahal kita ng sobra pa sa sobra pero ang s-sakit lang kase k-kahit kailan hindi ko p-parin siya mapapalitan” Sabi ko habang patuloy parin sa pag-agos ang aking luha
“Hindi mo ako deserve Tyra, hindi ako yung lalaking para sayo, you deserve someone better dahil kung pagpapatuloy pa natin itong relasyon na to masasaktan lang kita ng paulit-ulit at ayaw ko na mangyari yun” kahit masakit lalo na para sa akin kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami
“U-umalis kana a-ayaw na kitang makita k-kahit kailan, u-umalis kana please, ayoko na tapusin na natin to, iwan mo na ako” pagtataboy ko kanya dahil hindi ko na kayang makita siya, galit ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko kase ang tanga tanga ko
“I’m sorry” huling sabi niya then he left
Despite his love and care, I’m just a REBOUND.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, but apart from anger I only feel one thing now I still love him dearly even though it hurts but we have to let go of each other. I love you so much Kaizer even though you broke my heart.
—–END—–






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top