BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER ELEVEN


“Hala bakit kaya? ” tanong ni Alaiza sakin, pero pareho lang kaming walang kaalam-alam kaya hindi ako nakasagot.
“Lahat ng lalake na freshman lumabas, kayo mga babae lang ang kailangan ko. ” Mayabang na Saad ni Gino.
Napakapit sa’kin ng mahigpit si Alaiza.
“Hindi na kayo marunong kumilala ng senior nyo? “anito na naman. “Pwes magpapakilala ko, mga mayayabang na kayo ah! Lalo kana! ” ngayo’y sa’kin sya nakatingin.
“A-ano bang nagawa ko sa’yo? Hwag mo na silang idamay.. Kung may mali ako, ako na lang. ” nagsusumamong saad ko.
“Matapang ka ah, bakit? Sinong pinag mamalaki mo?”minulat nya ang mata nya sa’kin tila tinatakot ako, nagbaba lang ako ng tingin. ” Lahat kayo! Lumabas na kayo itong malandi lang na’to ang kailangan ko. ”
Nang gigilid na ang luha ko dahil sa takot, ano bang ginawa ko at ginaganito ako ng lalakeng na ito!
“Kung maiiwan si Maricon ay magpapaiwan na lang din ako.” nilingon ko si Zoe, para saan ba ang pinapakita nya? Hindi ba’t sya nga ang dahilan kung bakit nagalit sakin si Gino.
“Hindi zoe, lumabas kana don. Lani Gino tsaka nya hinatak ang kamay ko ng malakas dahilan para mawala ang balanse ko at masalampak ako sa Sahig.
“Maricon…..” nag mamajaawang tawag sakin ni Alaiza.
“Bakit? Sasali ka? Halika tatadyakan kita! “pananakot ni Gino, kinuha ang Mop at akmang ipapalo nya ito sa akin.
“G*GO KA AH! “sigaw ni Suho tsaka sya tumalon para tuhudin ang likod ni Gino dahilan para matumba din ito sa sahig, “Okay ka lang? “batid kong nag aalala sya pero kahit ang magsalita ay hindi ko magawa dahil sa takot, inalalayan ako ni Suho na makatayo agad naman akong nilapitan ni Alaiza. “Lumabas kayo! “galit na sigaw ni Suho.
“Suh- -” hindi ko iyon natapos nang damputin nya si Gino para ipasok sa isa sa mga Cr.
“Tignan natin ang Yabang mo! “rinig kong saad ni suko tsaka kinuha iyong Mop.
“Ahrrrg! Huh…huh.. T-tama na….ARHGGGGGG! “puros daing lang ni Gino ang naririnig namin hanggang sa lumabas si Suho.
“Su-ho.. “ani Zoe pero hindi sya nito pinansin sa halip ay tinignan nya’ko.
Nagbaba ako ng tingin at naunang umalis sa lugar na iyon.
“hindi ako makapaniwala na gagawin sa’yo ni Senior Gino yun. ” ani Alaiza nang palabas kami ng Building. “kahapon naman ay okay kayo? ”
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Alaiza, hindi sinabi ang totoong nangyari dahil iniiwasan kong madamay sya.
~
Nag hulog ng Coins si Suho para kumuha ng Soda sa Machine. “Wow, mahilig ka din dyan? ” ani Zoe ng makalapit sa kanya. “Pwede sa’kin na lang yan? ” nagpapacute na anito kay Suho pero inirapan lamang sya nito.
“Maricon!” tawag pansin nya dito, humakbang sya ng malaki para mahabol si Maricon pero natanaw nyang hinarang ito ni Jade.
“Gaano ba kadami ang...


pinainom mong gayuma kay Suho para maakit mo sya !nakita mo? Nakikipag basagan sya ng mukha dahil sayo! ” nang gagaliiting anito.
“Jade! ” tawag nya na nagpatigil sa pagsasalita ng masama nito .”Ako ang kusang lumalapit sa kanya, kung ayaw mo kay Maricon eh di Ayawan mo na din ako. ”
“b-bakit? Ganun ba talaga sya kahalaga sayo? ” noo’y biglang nanggilid ang luha ni Jade. “Were best friend since elementary, tapos ipagpapalit mo’ko sa babae na yan? ”
“Jade….”nag susumamong ani Suho. “come on, let me talk to you. ” ayaw pa sanang iwanan ni Suho si Maricon pero kailangan nyang ipaliwanag kay jade lahat.
“Now tell me! “naka krus ang mga braso nito at nakatanaw sa iba.
“Jade, ikaw ang best friend ko at hindi na mababago yun. ”
“How about that woman! ” patungkol nya kay Maricon.
“She’s…. She’s my… special someone jade. “sa wakas ay nasabi nya sa kaibigan.
“y-you mean… ”
“yes, sya yung palagi kong kinukwento sa’yo. ”
“Naaaaaaaahh! “sigaw nito at wariy maiiyak. ” i hate her! I really really hate her Suho!” sigaw nito pero natawa lamang ang binata sa iniasta nya, mukha kasi syang bata na inagawan ng Candy.
“Kaya please, stop annoying her or even bullying, please Jade. ” nag susumamong ani Suho.
“No! “matigas na anito tsaka tumayo at padarag na naglakad palayo kay Suho. Gayun pa man ay nakangiti oarin si Suho dahil alam nyang maiintindihan din sya ni jade lalo pa at naipagtapat na nya ang tunay nyang damdamin para kay Maricon.
SUHO ✔️
Nang makauwi ako ay excited kong kinuha ang phone ko para magtipa ng mensahe.
~PUPUNTA KA BA SA BAHAY? WALA AKONG PAGKAIN~
Message sent!
Nakangiti kong hinintay ang text message nya
1
2
3
4
*BRIZZZK! BRIZZZK!
5 MINUTES BAGO SYA MAG REPLY!
Busy ba sya palagi? Ako na lang kaya ang pumunta sa bahay nila?
Napailing ako, mali baka makahalata na sya kapag ginawa ko yun.
~HINDI MO BA KAYANG UMORDER? ~
~OH SIGE IPAGLULUTO KITA, MAGPAPALIT LANG AKO. ~
Napatalon ako sa Sofa nang mabasa ko ang huling mensahe nya.
“YAAAAAAAAASS! ” sumuntok-suntok pa’ko sa hangin dahil sa tuwa samantala inosenteng pinagmasdan lang ako ni Sucon na nakaupos sa single sofa
Dinamba ko sya ng yakap pero tumalon sya kaya tumama ang mukha ko sa likuran ng sofa, mabuti na lamang at malambot yun.
“hssss! “nakangiwing saad ko nang maglingon kay Sucon. “Pupunta ang mommy mo dito at dadalawin tayo. ” excited na saad ko tsaka kumembot-kembot pa’ko na parang bulate dahil sa sobrang tuwa.
Patakbo akong pumasok sa kwarto para magpalit ng damit, siniguro kong gwapong-gwapong-gwapong-gwapo ako bago dumating si Maricon.
IPAGPAUMANHIN NYO PO SANALATE NA UPDATE NG INYONG HAMPAS LUPANG AUTHOR KAILANGAN KO DIN PO KASING MAG TRABAHO PARA MAY MAKAEN 😂😂😂






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Bakit walang 8 at 10?Ano huhulaan nalang namin ang ganap sa mga missing episodes paano namin maiintindihan ang kwento mo kung ganyan?

Leave a Reply


top