CRUSHHH!!! DAHIL VALENTINES NGAYON—PAKISS NAMAN SA BAY*G MO!!!
***
He loves me!
He loves me not!
He loves me!
He loves me not!
Para akong baliw at halos makalbo ko na ‘tong halaman ni Mama sa kakapintas at kakahila rito. Naniniwala kasi ako sa isang paniniwala na malalaman mo raw na gusto ka nung tao kung ibabaling mo sa bulaklak kung gusto ka ba niya.
Basta yun!
Haysstttt!!!!
Kawawa naman ‘tong halaman…
At dahil nakonsiyensya na ako sa kawawa naming halaman ‘eh itinigil ko na ang pagdiskang ginagawa ko rito. Tumayo ako at pinagpag ang mga naiwang petals sa damit ko.
Akmang lalabas sana ako ng bahay para bumili ng softdrinks, nang may natanaw akong magsing-irog sa hindi kalayuan. Naningkit ang mga mata ko sa tagpong iyon at gustong sakalin ang dalawang nilalang sa kahaliparutang ginagawa nila.
Mga gagooooo!!!!
Walang forever!!!!
Magbe-break rin kayo!!!!
Tangn*?! Dito niyo pa talaga naisipang maglampungan sa harapan ko?!
Dahil sa gigil ko at pagkainis ‘eh kinuha ko yung hose para sa pandilig ni Mama at pasimpleng iningat iyon na parang nagdidilig lang…
” Ayyyy—Hoy!!! May tao rito!”—Lalaki.
” Oo nga naman ateh! May tao po rito!”—Babae.
Tao ba kayo?!
” Wala akomg pake! Magsilayas na nga kayo at dito niyo pa talagang naisip na maglampungan! Hala! Layassss!!!” pagtataboy ko sa mga ito.
” Lika na, baby. BITTER yarn!”
” Oo nga baby ko… WALANG JOWA!!”
At talagang sinadya pa nilang iparinig sa akin yung BITTER at WALANG JOWA na word. Kainissss!!!!
Itinuloy ko na yung pagbili ko sa tindahan para kalmahin yung sarili ko dahil sa dalawang hariparot na yun. Pero sa pagtungo ko sa tindahan ‘eh puro roses, chocolates, balloons, teddy bears at kung ano-ano pang paninda ang naroon.
Tsk!
Valentine’s day nga pala ngayon!
Araw ng mga puso!
Paniguradong maraming mabubuntis—ahahaha—charinggg!!!!
” Manang, pabili nga po ng Coke mismo.” pagharap ko sa tindahan.
” Oh! Amira, wala kang ka-date?” panunudyong asar sa akin nitong si Manang habang kumukuha ng coke sa fridge nito.
” Wala ho ‘eh. Kayo? Magde-date po ba kayo ni Manong Jose?” tukoy ko sa asawa nito.
” Haynaku! Hindi na noh! Matanda na kami ng Manong mong yun. Tsaka isang kiss ko lang yun sa betl*g niya mamayang gabi ‘eh ayos na ang valentines naming dalawa.” bungingis nitong sagot at inabot na nga yung binili ko.
Bahagya akong napatawa sa kalokohan na yun ni Manang at nagbayad na nga. Tumambay muna ako ng ilang sandali roon at inubos ‘tong iniinom ko bago umuwi.
Pagbukas ko ng gate ‘eh hindi ko inaasahang ang malakas na pagkalabog mula sa bahay nila Zellion kaya napasilip ako rito. Nakita ko siyang inaayos yung laptop niya na may magulong buhok. Mukha rin siyang Stressed na parang ewan room.
” AARRGGHHH!!! Umandar ka na ‘ohhh!!!” kausap nito sa laptop niya. Palihim akong napangisi ng wala sa oras dahil roon.
I can’t believe na may ganito pala siyang side—yung parang baliw na kinakausap yung gamit na akala mo ‘eh sasagot siya.
Lagi ko kasi ‘tong nakikita na seryoso at mukhang laging may galit sa mundo kapag nasasalubong mo siya sa kahit saang daan. Pero kahit ganun siya ‘eh hindi ko maiwasang humanga sa kanya.
Mabait naman siya paminsan-minsan at hindi pa naman niya ako isinasako sa tuwing inaasar ko siya o niloloko na walang katapusan.
” AHHHH!! UMAYOS KA NA KASI!!!”—siya na nasa laptop pa rin niya.
” Hindi ka niyan sasagutin! Kaya huwag mong awayin o hamunin ng suntukan ‘yang laptop mo kasi ikaw lang ang magmumukhang baliw.” natatawa kong pagsagot. Lumingon ito sa akin—and again, nakasalubong na...
it’s so beautiful i like it