Dangerous Love❤️
💮Chapter 5💮
Summer
“Ayyy palaka!” Napasigaw ako sa subrang gulat ko ng maksalubong ko si Aiden.
“Anong ginagawa mo sa lugar na ito ng ganitong oras? ”
Namumula ang mga pisngi nya at nakatingin saakin. Lasing ata.
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paglabas ng CR.
Pero bigla nya akong hinawakan sa braso ko para pigilan.
“Kinakausap pa kita? ” Galit na sabi ni Aiden.
“Wala akong panahong maki pag usap sayo. Mr. Aiden Salazar. Kung maari lang sana bitiwan nyo na ako. ”
“So lumabas din ang baho mo. totoo ang hinala ko na isa kang gold digger”
Isang malakas na sampal ang ginawa ko kay Aiden.
“Hindi ako ganyang klasing tao”
Naiiyak kung sabi
“Anong tawag sayo Prostitute. ”
Pinigilan ko nalang ang sarili ko at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Pero hinabol parin ako ni Aiden at hinawakan ang balikat ko. Sa subrang inis ko ay ginamitan ko nalang sya ng martial art at napabagsak ko sya sa sahig kaya ayon knock out si Aiden.
Hindi ko alam na nakita pala ako ni manager kaya lumapit saakin.
“Anong ginawa mo sa customer natin. . Hindi mo ba alam na VIP customer natin yan paano kung idemanda nya ang Bar na ito dahil sa kagagawan mo.”
“Naku Sir. Pasinsya na po. Hindi lang po ako nakapagpigil. Nakakasiguro po akong lasing sya kaya malamang pag gising nya wala syang maalala. ”
“Siguraduhin mong buhay pa yan. ”
“Buhay na buhay po sya Sir. Wag ho kayong mag alala.”
“Paano ba yan makaka uwi. Tingnan mo yung Cellphone nya tumawag ka sa mga taong kilala nya. ”
“Upo Sir sandali lang po. ”
Naghanap ako sa mga bulsa nya para hanapin ang cellphone nya. Nang mahanap ko yung cellphone nya ay nakita kong dadalawa lang ang nakaphone book sa cellphone nya.
Tinawagan nya ung unang nakaphonebook sa cellphone ni Aiden.
Ring lang ng ring walang sumasagot. .
“Wala hong sumasagot.”
“Lahat ng nakaphone book jan tawagan mo.” Sabi ng manager.
“Eh Sir. Dadalawa lang po ung nakaphonebook sa cellphone nya. ”
“O natawagan mo ba ung isa nakaphone book”
“Ito na ho tatawagan ko.”
Nag dial na...