DESTINED TO BE YOUR’S FOURTEEN


NAG LILIYAB ang mga Mata ni axil sa matinding galit habang papasok sa head quarters kung saan naka detain ang may kagagawan sa pag kawala ng preno ng sasakyan ni jewel.
nangako siyang papatayin ito kaya iyon ang gagawin niya.
kusa itong sumuko matapos patungan sa ulo nang limang milyon para mahuli lang.
abala ang guard kaya hindi siya napansin na pumasok sa loob.
saktong nasa may pintuan ito nang rehas na kulungan kaya dinukot niya ang damit nito at mahigpit na hinawakan saka pinag susuntok sa mukha. hindi naka huma ang lalaki.
nagulat ang kapwa preso nito pero walang gustong umawat.
kundi pa tumakbo ang dalawang pulis para awatin siya, marahil na puruhan niya ito. putok ang labi na tinamaan ng suntok niya.
nang makawala sa pag kakahawak niya ay lumayo ito.
“anung kasalanan ni jewel sayo?? papatayin kita….. galit na galit niyang tanong habang nag pupumiglas sa dalawang pulis na naka hawak sa kanya.
“sir napag utusan lang ako.. kilangan ko ng pera para sa anak kung may sakit kaya pumayag ako. mahina ang boses nitong sabi. halatang takot sa kanya.
“sino ang nag utos sayo? sinooooo?
sa halip na sumagot ay tumingin ito sa kanya nang makahulugan, bagaman nasa mata ang takot nito sa kanya ay para bang mas may higit itong kinatatakutan.
“sir sasabihin ko lang po sa inyo kung ipapangako niyong tutulungan niyo akung maupirahan ang anak ko. kilangan ko po nang malaking pera.. napaiyak na ito sa matinding takot at pangamba. lumuhod pa ito sa harapan niya.
“sasagutin ko ang operasyun nang anak mo, kung sasabihin mo kung sino ang nag utos sayo para patayin ang anak ko. makapangyarihang boses mula sa likuran nila.
si mr. hernandez.
binitiwan siya nang dalawang pulis na may hawak sa kanya pagkatapus niyang kumalma.
nag bigay galang ito sa bagong dating.
lumapit sa rehas at tiningnan ang lalaki.
“now tell me.. Sino siya.? bagaman mahinahon ang boses nito pero halatang galit.
“gusto ko po sana mauperahan ang anak ko bago ako magsalita. paninigurong sabi nito.
“sure!! no problem… mag kano ba ang kailangan mo? tanong ni mr hernandez.
“one hundred sixty thousand sir.
hindi na inalam ni mr hernandez ang sakit ng anak nito. dinala nito agad sa upisina kasama ang dalawang pulis na siyang bantay dito, mahirap nat baka makatakas pa, sinamahan din iyon ng dalawang pulis sa hospital pag katanggap ng pera.
“now tell me sino ang nag utos sayo para patayin ang anak ko? tanong ulit ni mr hernandez kinabukasan pag balik sa kulungan. kasama parin nito si axil.
“si mikaela ledesma ho..! co-model nang anak niyo. siya din po nag papadala nang mga death treats para sa anak niyo. nakayukong sagot nito.
“but why she could even do this? malakas at nangangalaiti sa galit na tanong mr hernandez.
parihas nagulat ang dalawa sa narinig lalo na si axil dahil naging close ito sa babae.
“diko po Alam sir.. parang awa mu na. iurong niyo po ang demanda sakin kailangan ako ng pamilya ko. pag mamakaawa nito.
sa halip na sumagot ang lalaki ay tinalikuran nito iyon.
“damputin niyo ang babaeng iyon at iharap niyo sakin. mando nito sa mga pulis na naroon bago tumalikud.
“yes sir.. sagot ng mga narun.
sumunod siya sa lalaki na halatang galit parin. ipinagmaneho niya ito hanggang sa makarating sila sa hospital kung saan naron ang dalaga.
discharge na nito sa araw na iyon.
“axil gusto ko pag labas ni jewel sa hospital asikasuhin mo na kaagad ang kasal niyo. kung pwedi wag mu na ipaalam pa kay jewel ang tungkol kay mikaela ledesma ako na ang bahala sa babaeng iyon.
sige sir.. tugon niya.
hindi na siya nag bigay ng opinion para sa bagay na iyon mas gusto niyang pag tuunan nang pansin kung paano mapapayag si jewel na magpakasal sa kanya ganung wala namang namamagitan sa kanilang dalawa.
BIHIS na si jewel ng may kumatok, kasama niyang nag aayos ng mga gamit ang mommy niya sa kwarto.
okay na siya kahit halata parin ang galos sa braso niya. natanggal narin ang benda sa kanyang ulo.
si manager Kim ang napag buksan niya.
mabilis itong lumapit sa kanya at niyakap siya.
masama itong tiningnan ng ina niyang hindi nagustuhan ang pag dalaw sa kanya. Alam niyang mahihirapan na siyang bumalik sa trabaho dahil sa insidenti.
“salamat at ligtas ka jewel. anito matapos siyang yakapin. naiiyak..” hindi ko Alam kung bakit nagawa saiyo ni mikaela ang bagay na to. dagdag pa nito na nag pa tigil saglit nang oras niya.
“what did you say manager kim? boses iyon ng ina niya. naka kunot nuo.
“you heard it right Mrs Hernandez si mikaela ang nag papadala ng death treats kay jewel. and she was arrested...


while ago at nasa head quarters siya para imbistigahan. sagot manager Kim sa ina niya.
mabilis na hinawakan ni jewel si manager Kim sa kamay.
“samahan mo ako gusto ko lang maningil. aniya sa babaeng duro-diritso palabas ng pintuan ng kwarto.
“jewel come back here… sigaw ng mommy niya na nag aalala subalit hindi na iyon pinansin ng babae. para bang walang narinig.
duro diritso na ang dalawang sa elevator.
sumakay sila sa kotse ni manager Kim. pinag maniho siya nito hanggang police station. pag dating dun naabutan nilang naka upo si mikaela sa isang silya habang ini imbistigahan ng dalawang pulis nasa tabi naman ang ina nitong umiiyak habang hawak ang anak nitong naka posas.
walang anumang lumapit siya dito at pinag sasampal ito.. Alam niyang hindi sapat ang sampal para sa kasalanang ginawa nang babae subalit iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang matinding galit niya dito.
inilagay nito sa piligro ang buhay nilang dalawa ni axil at gusto niya itong makitang nahihirapan sa mga kamay niya.
nagulat ito at hindi maka panlaban dahil naka posas ang dalwang kamay. maging ang katabing ina nito ay na shock.
napatayo ang mga pulis pero hindi umawat ang mga ito matapos siyang makilala.
hinawakan naman siya ni manager kim pero nag pumiglas siya. nang mkawala ay muling nilapitan si mikaela para pag sasampalin ngunit umiiyak at nag mammakaawa ang ina nitong iniharang ang katawan sa babae.
“bakit mo ako gustong patayin?? galit niyang tanong dito. dinuro niya ito.
“dahil masyado Kang pa bida. walang ibang magaling kundi ikaw.. paborito ka ni manager Kim, halos lahat ng project sayo ibinibigay. sakit ka sa mata ko jewel dahil pati si axil nasa iyo ang attention niya kaya mamatay kana jewel…!!!!! mamatay kana!!! nangangalaiti ito sa galit na nag pupumiglas sa kina uupuan.
“anak Tama na…. humahagulgol ang ina nito habang yakap ang anak.
hindi maka paniwala si jewel sa narinig dito. dahil lang sa bagay na iyon papatayin siya nito.
“mikaela hindi tutuo yan.. pantay-pantay ang tingin ko sa inyo. sabad ni manager Kim na hindi na naka tiis.
“sinungaling ka..!!!! Alam mung matagal ko nang pangarap maging artista. at pangarap ku mabilang sa kahit na anumang pilikula. Pero anu? si jewel parin ang nilagay mo. ang paborito mung anak-anakan. nanlilisik ang mata nitong sabi.
“dahil siya ang gusto nang producer at hindi ikaw. sagot namn ni manager Kim sa kalamado ang boses.
“kaya nga gusto ko siyang mamat+y para wala nang hadlang sa mga pangarap ko. hiyaw nito bago siya balingan.” hindi ako titigil hanggat hindi ka nawawala sa landas ko jewel. kahit nandito ako sa loob ng kulungan ipa papat+y padin kita tandaan mo yan….! ipa papat+y kita….!! parang nasisiraan ng bait nitong sabi sa kanya habang nanlilisik padin ang mga mata.
pulang pula ang mukha nito sa tinamong sampal mula sa kanya. ganun man hindi nito iyon ininda ni pagsisisi sa ginawa sa kanya ay hindi ito makaka kitaan. bakas ang matinding galit sa kanya.
daig pa nito ang sinapian nang demony+ sa mga sandaling iyon.
“enough mikaela….!!! malakas na sigaw mula sa pintuan ng headquarters.
napalingon ang lahat sa makapangyarihang boses na iyon.
si Mr. Ledesma.
walang anumang lumapit ito kay mikaela at binigyan nang malakas na sampal ang anak. saka lamang niya nakita ang takot na bumalatay sa mga Mata nito. nawala ang galit na nag hahari kanina.
lalong umiyak ang ina nito at inawat pa sa braso ang asawa nang sa muli ay uundayan ito nang isa pang malakas na sampal.
pawang naka tanga lamang silang lahat na para bang na pako ang tingin sa mag ama. para iyong isang eksena sa isang pilikula.
“ito ba??? ito ba ang igaganti mo samin ng magulang mo pagkatapos naming ibigay sayo ang lahat ng luho mo sa buhay? ito ba ang natutunan mo sa walang kwenta mong pag momodelo,???
dumadagongdong na parang isang kulog ang boses nito sa loob ng headquarters.
” hindi kita pinag aral sa isang mamahaling unibersidad para lang maging isang kriminal.. makinig ka sa pinaka huling sasabihin ko sayo dahil tinatakwil na kita bilang isang anak. simula sa araw na to wala ka ng makukuha mula sakin kahit ni katiting na awa, mabulok ka dito sa bilangguan kasama nang mga pusakal. makapangyarihang sabi nito bago tumalikod.
nabigla silang lahat sa mga sinabi nito sa anak pero deserve iyon ni mikaela.
pag kaalis nang ama saka ito humagulhol nang iyak.
walang anumang niyakap din ito nang humahagulgol na ina..
nagkatinginan sila ni manager kim. pareho walang masabi.
Alam niya sa mga sandaling iyon tapos na ang takot na bumabalot sa magulang niya para sa kaligtasan niya.
Malaya na siya sa mga death treats mula dito.
saka siya naka hinga ng maluwag.
con….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top