H A R A N A


H A R A N A”
@π™»πš˜πš›πšŠπš’πš—πšŽ
Bawat bukas ko ng bintana,
Mukha mo agad ang nakikita habang bit-bit ang gitara.
Minsan kanang nasaktan sa mga salita kung nabibitawan,
Pero ito ngayon ikaw ngumingiti sa harap ko habang kumakanta.
“Umulan ma’t umaraw,
Ikaw lang, taglamig may uminit,
Ikaw lang ang mahalin ka’y panatang pusong ‘di bibitiw,
Giliw, alam mo ba?”
Sinasara ang bintana pagkatapos ding-gin ang tinig ng binata,
Ngumiti at sumisilip sa pader na may butas.
Umagang kay ganda,
Mukha mo agad ang nagpapaliwang kahit makulimlim pa.
Paulit-ulit kung sabihin na “Patawad wala akong nararamdaman sa’yo.”
Pero ikaw ay mas...


matibay pa sa punong natumba.
Umu-upo habang tinitingnan kayong hinahabol ng ama na may dalang it*k,
“Sabi kuna sayo, tigilan mo ang anak ko.”
Huminto ang dalawa at habol ang hininga.
“Patawad ama ako ho ay nahuhulog na sa patibong ng iyong anak.”
“L*ntik na bata!”
Napatawa ako habang tinitingnan ang dalawang kapos ang hininga pero tumatakbo pa.
Ako ngayon ay masaya na habang katabi ka,
Masaya akong na-aalala ang ating nakaraan.
Masaya akong pagmasdan ang pagpuputi ng ating buhok.
Mamatay kaman akoy hinding-hindi sasama,
Mahal kita pero buhay koy mahalaga.
Pinikit niya ang mga mata bago sabihing. “P*ta ka.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top