Hidden Wife of the CEO CHAPTER 21


Dahil sa mga nangyari kailangan na munang umuwi ni michelle sa probinsya nila dahil narin sa pag alala ng parents nya. Yung suspek naman hindi na nakasuhan dahil binawian na ito ng buhay. Lahat ng gwardya sa village hiningan statement tungkul sa kasamahan nilang nanloob samin at lahat pina double check ang background para makasigurong hindi na maulit ang panloloob. Kung sino pa kasing inaasahan mong magbabantay sa lugar ninyo ay sya pa yung gagawa ng ikakamahamak mo. Napag desisyunan namin ni Russel na dun muna kami sa Mansyon ng parents nya at sobra naman silang natuwa dahil makikita nila araw araw ang apo nila atleast sa kanila eh marami na kaming kasama dahil stay in ang mga maids nila.
Mabilis lumipas ang panahon at magce-celebrate na kami ng ika tatlong taon kaarawan ni Shan Shan sobrang aktibong bata at panay englishan yung magkakaanak kaya medyo mapapalaban ako nito ng wala sa oras.
“Hon, gusto ko sanang bumalik sa trabaho kung ayos lang sayo. Tutal malaki na naman yung anak natin tsaka malapit naman sila sa isa’t isa ni Yaya Lyn. Tapos si Mich hindi na nagpaparamdam satin kung maaari eh dalawin naman natin minsan sa lugar nila.”
“Ericka, kung kina mich oo papayag akong bisitahin sya pero tungkol sa...


trabaho? wag nalang di mo naman kaylangan magtrabaho kaya ko naman gawin yun.” sabi nya.
Nasa kwarto na kami habang sya dala dala parin ang laptop sa kwarto dahil di maiwan iwan ang trabaho. Maaga na naman sya umuwi pero yun nga lang pagkauwi nya deretso na agad sa study room nya at dun tinatapos ang naiwang trabaho sa opisina.
“Hindi mo ba talaga mabitiwan yang gamit mo? matutulog na nga lang tayo hanggang kwarto ba naman gagawin mo na ring opisina mo?” sabi ko.
Tapos sa akin na binaling ang tingin . Tinanggal na nya ang suot nitong eyeglass for eye protection at nilapag sa katabing table
“Hon, may hinahabol kasi akong deadline about wood materials alam mo namang maypagkademanding yung ibang clients kaya wag nalang silang patulan baka umatras pa sa deal! kakabalik ko lang nga sa dating ratings yung company natin baka magbunganga na naman yung matandang si George ”
“Anong george? l*ko to daddy mo yun! para kang sira pag narinig ka nung ama mo baka nga mabatukan kapa nun!”
“Joke lang naman pinapangiti ka lang. Kanina ka pa kasi Nakasimangot. Oo na sayo ko na ibabaling ang atensyon ko honey ko! ” sabay ngiti nya at lumapit na sakin at tumabi na sa pagkakahiga.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top