Hidden Wife of the CEO CHAPTER 22


ERICKA’S POV
Nakausap namin ang lola ni Michelle. Ang sabi nung umuwi dito sa probinsya ay di pa ito lubusang gumaling sa traumang dulot ng muntikan na naming mapahamak sa mansyon ni Russel . Naging sandigan ang naging nobyo na nakilala nya dito sa lugar nila. Sumunod na taon ng pumanaw ang mga magulang nito. Ni hindi nakauwi si Jerome na syang dapat na umalalay kay Mich. Hanggang sa nagtuloy tuloy na ang pagkasira ng pag iisip nya. Sobra akong nasaktan sa mga nangyari sa kanya. Habang ako nagpapakasarap sa buhay. Sya naman pala tong naghihirap na wala akong ka alam alam. Karga karga ko ang bata na si Rica. Mistisa at maputing bata na ang sabi ay May lahing banyaga ang ama nito.
“Kumusta na ang baby na yan? I’m tita Ericka! and his tito Russel”
Sa halip na ngumiti ang bata sa akin ay tila walang emosyon akong natanggap.
“Iha, pasensya na pero may depekto ata ang bata marahil ay sa pagbubuntis palang ng aking apo na si Mich ay puro problema nalang nangyayari sa buhay namin.Matanda nako at wala akong kayang maipagamot sa espesyalista”
“Hayaan nyo po ako kami na sasagot sa pagpapagamot sa bata pati narin kay Michelle. Kahit papano makabawi naman kami sa kaibigan ko”
“Aba talagang totoo ngang mabait...


ang kaibigan nya. Salamat talaga iha at nakarating kana rin samin.”
Hindi na kami nagsayang pa ng oras ni Russel at agad na tinungo kung san mental hospital nanatili si Mich.
Halos hindi ako humihinga sa pagkakataong ito. Iisang gusali lang ang inaapakan namin ngayon ni Mich at ilang sandali nalang makikita ko na sya.
“Ma’am Ericka, ayun po sya sa kabilang table. Sa ngayon kalmado lang sya dahil kakaturok lang sa kanya ng pampakalma.”
“sige po salamat ”
nakaalis na yung nurse habang ako patuloy sa paglalakad palapit sa kaibigan kong nakaupo sa gilid . Napatakip bibig ako para pigilang wag maging emosyonal sa harap nyat ngayon…. nakita ko na sya sa wakas.
“Michelle kumusta Kana?” nakangiti kong bati at umupo sa harap nya. Sa gilid ko’y nakatayo lang si Russel at nakikiramdam lang.
lumingon si Mich sakin at tila hindi ako kilala.
“Sino ka? May sadya kaba dito? ikaw siguro ang bagong nurse no? umalis ka na kasi bad ang mga tao dito! ang iingay pa nila! kita mo yan? yan! yan! silang lahat!!”
Tila para na syang bata kung umarte.
“Mich, hindi mo ba ko naaalala? ako si Ericka ang twinny mo! ako ang kaibigan mo! magpagaling kana para maiuwi na kita maliwanag?” Ngunit tinapik nya lang ang kamay ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top