His not my Boyfriend


His not my Boyfriend
Author: Alleia Shane Writes
(wp:alleiawrites05)
—PROLOGUE—
[SOFIA SKY NATIVIDAD POV]
“Ate magkano po?” tanong ng isang batang lalaki sa akin,kaya agad kong ibinaba ang hawak kong bilao sa may isang upuan na narito sa parke para mabigyan siya ng tinda kong bananaque.
“Limang pesos isang tusok” sagot ko bago tinanggal ang balat ng saging na tanging pangtakip sa paninda ko.
“Pabili pong dalawa ate” iniabot niya ang pera kasabay ng pag ngiti at pagkuha niya ng dalawang tusok ng bananaque.
“sige salamat” sambit ko..
Hindi na siya nagsalita at tanging pagtango na lang ang ginawa niya bago bumalik sa ilang batang naglalaro.Napangiti ako bago inilagay sa shoulder bag ang perang napagtindahan ko.
Muli kong binuhat ang medyo may kabigatang bilao para maisunong sa aking ulo.
Medyo mainit na pero hindi pa rin ako titigil sa pagsigaw dahil kailangan kong maubos ito ngayong araw para may pambayad kami sa renta ng bahay,kundi kami makabayad nitong buwan tiyak kong kalye na ang babagsakan namin ni Mama.
Napabuga ako ng hangin bago naglakad dito sa paligid ng parke na kung saan laging maraming taong namamasyal,mga batang naglalaro at higit sa lahat masaya at buong pamilya na nagsasama.
“BANANAQUE,BANANAQUE KAYO D’YAN” sigaw ko habang naglalakad.
Napailing nalang ako ng wala manlang pumansin sa sigaw kong ‘yon.Masakit na rin ang aking lalamunan dahil sa ilang oras na rin akong sumisigaw at naglalakad para lang maubos itong iniluto ni Mama kagabi.
Hindi madali ang buhay na mayroon kami ni Mama,dahil bata pa lang ako simula nung iniwanan kami ni Papa dahil sa may iba na siyang pamilya.
[𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞]
“Tiyak kong matutuwa sina Mama at Papa dito” masayang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa Card na ibinigay sa akin kanina ng teacher ko.
Pinagbutihan ko talaga ang pag- aaral kahit siyam na taong gulang pa lamang ako,gusto ko kasi na makapagtapos at maabot ang pangarap ko para matuwa ang magulang ko sa akin.
Alas kwatro na ng hapon at nangako sa akin si Mama kaninang umaga na susunduin niya ako sa classroom ngunit wala pa rin ito kaya inisip ko na lang na makisabay sa kaklase ko para makauwi na rin ng maaga at masurpresa pa sila lalo sa akin.
Nakatanaw ako sa loob ng bahay, abot tainga ang ngiting aking pinapakawalan bago ako nag lakad papasok habang yakap yakap pa sa aking dibdib ang card ko na pasado at nasali ako sa top.
Pagbukas ko ng pintuan nawala ang ngiti sa aking labi,napalitan ng lungkot at pighati sa aking mga nakita.
Nabitawan ko din ang card na hawak ko bago mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Mama habang umiiyak at tinatangka niyang saksakin ang sarili sa pamamagitan ng matalim na kutsilyo.
Nangibabaw ang panginginig ng aking katawan sa mga nakita ko, mahigpit ko siyang niyakap habang siya’y nakatalikod sa akin.
“M-mama, wag po mama..” pagmamakaawa ko sa kaniya habang humahagulgul sa iyak.
Agad niya namang binitawan ang matalim na bagay na hawak niya,nag aalala siyang tumingin sa akin at mahigpit akong niyakap.
“Mama wag po..Mama a-ayoko pang mawalan ng Mama” iyak ko sa harapan niya.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kaniyang mga kamay,ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa umiiyak na rin ito
Nakita ko ang pasa sa kaniyang mukha,sa braso, at higit sa lahat ang marka sa kaniyang leeg na tila sinakal ito.
“Mama bakit po kayo umiiyak? Bakit niyo po binabalak na iwanan ako?Hindi niyo na po ba ako mahal?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti muna siya bago ginulo ang buhok ko.Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisnge at umiling.
“Syempre mahal na mahal ka ni Mama at h-hinding hindi kita iiwan” sagot nito sa akin.
Ilang araw ang nakalipas mula ng mangyari iyon,ngunit hindi ko rin makitang umuuwi pa si Papa dito sa bahay.
Tuwing gabi rin napapakinggan ko ang pag iyak ni Mama sa kaniyang kwarto.
Ilang buwan
Ilang araw
Hanggang sa isang taon ang lumipas na walang amang nagpapakita sa akin sa amin ni Mama.
Palagi ko din tinatanong si Mama pero palagi niyang iniiwasan ang mga tanong ko.
Hanggang sa~
Naglalakad ako kasama ang kaibigan ko na si Jane papunta sa isang tindahan ng mga papel para bumili kami.
Napahinto ako sa paglalakad at nabigla ng makita si Papa,ang saya na nararamdaman ko at ang pananabik na yakapin siya ay napalitan ng pagkainis sa kaniya.
“Anong gusto mo anak?” tanong niya sa isang babaeng kasama niya na mas matanda sa akin, mula sa hindi kalayuan,ngunit rinig ko ang nagiging usapan nila na...


anak niya kuno.
“Sofia diba ang papa mo ‘yon?” napatingin ako kay Jane dahil sa sinabi niya habang nakatingin sa tindahan na kung saan naroroon ang aking ama na nag iwan sa amin.
“No..Hindi ko siya ama” madiing sagot ko bago tumalikod at umalis sa lugar na iyon.
Nabalot ng sakit at galit ang puso ko habang nakatitig sa kawalan.
Kaya pala,kaya pala hindi na siya umuuwi at nagpapakita sa amin, kaya niya nagagawang saktan si Mama dahil may bago na siyang pamilya..
Walang hiya siya.
Wala siyang kwentang ama.
Sinaktan niya si Mama.
Sinaktan niya ako
Iniwanan niya kami gayong kailangan ko ng ama na gagabay sa akin
[𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞]
Ilang taon na rin ang lumipas mula ng mangyari ang mga bagay na ‘yon kaya marahil ay hindi niya na kami kilala.
Pero siya,hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumuka niya dahil siya ang dahilan kung bakit kami nandito sa pwesto ng buhay.
Si Mama ang nagpakapadre de pamilya para lang matugunan ang mga pangangailangan namin sa buhay.
*Bogsshh
Napaatras ako kasabay ng pagkawala ng balanse,dahilan para mabitawan ko ang bilao na nakasunong sa aking ulo ng biglang may isang lalaki ang bumangga sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko na tila siya din ay napuno ng galit.
Siya pa ang galit.
Napabaling ang tingin ko sa mga paninda kong bananaque na ngayon ay nasa lupa na.
“Are you blind?” madiing tanong niya sa akin.
“Blind?Ako blind?Hoy lalaki ikaw ang bulag..Bwesit kaba ha? Alam mo ba na pinagpuyatan na iluto yan ni Mama tapos bigla bigla ka nalang mangbabangga” sigaw na asik ko sa kaniya.
Nakatingin na rin sa amin ang ibang taong nandito,dahil na rin siguro sa ingay na ginagawa ko.
Pero nakakainis lang kasi..
Pinaghirapan na iluto ni Mama ang Bananaque na ito,kaya kahit hindi gaanong mabili alam ko na galing ito sa paghihirap ng ina ko.
Tapos sasabihan niya pang ako ang bulag,without knowing na siya nga itong hindi nakatingin sa dinaraanan niya.
“I don’t care” bago niya ako pinanlakihan ng mata.
Inilihis ko ang aking damit sa braso bago ipinakita ang malalaki kong muscle sa harapan niya.
“Ahh gago ka ah..Ikaw na nga itong nakadisgrasya tapos may pa-english english kapa” asik ko.
“Tsk..” asik niya
Tumalikod ito sa akin kaya dali dali kong hinila ang damit niya, pagharap niya sinuntok ko ang mukha niya.
“What the hell..” madiing boses na turan niya ng suntukin ko siya
“Hoy lalaki kung inaakala mo na makukuha mo ako d’yan sa paenglish english mo at d’yan sa feeling kagwapuhan mo pwes ibahin mo ako..Bayaran mo ang natapon mo” sabay turo ko sa paninda kong natapon dahil sa pagbangga niya sa akin
“Bitawan mo nga ako bananaque girl, isa pa baka sinadya mong itinapon o binitawan yan para mapansin kita,pwes nagkakamali ka rin dahil hindi ako pumapatol sa kagaya mo” nanlisik ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
Kapal naman ng mukha ng lalaki na toh..
Saan ba siya nakakahugot ng kakapalan ng mukha.
Hindi porket gwapo siy—
what?No hindi siya gwapo may itsura lang.
“Miss pwede ba,ayokong mag sayang ng oras sayo” sambit niya pa sa akin.
Tumakbo siya palayo kaya napamura ako sa aking isipan.
Mabilis ko siyang hinabol na tila ba bata kaming naglalaro ng habulan dito sa parke.
“Hoy gago ka bumalik ka dito” sigaw ko sa kaniya..
“Crazy..” sigaw niya pabalik.
Malapit ko na siyang maabutan ng bigla siyang huminto kasabay ng paglingon niya sa akin.
Napahinto ako ngunit huli na ng napahawak ako sa dibdib niya..
“Bayad ba talaga ang habol mo o ako?” seryosong tanong niya kaya inis ko siyang itinulak.
“Bwesit ka..Ang kapal kapal ng mukha mo, halika nga dito titirisin ko yang pagmumuka mo” singhal ko at akma ko pa siyang hihilain ng marahas niya akong itinulak kasabay ng mabilis niyang pagtakbo palayo sa akin.
Napasalampak ako sa damuhan na ikinabigat ng pwetan ko..
“Ararang ko yung pwet ko” naiiyak na sambit ko bago tumayo na nakahawak sa aking balakang.
Pinanlisikan ko ng tingin ang lalaking palayo sa kinaroroonan ko.
Inis akong napatampal sa aking noo bago bumalik sa kung nasan naroroon ang mga paninda ko..
Bwesit yung lalaki na yun.
Sa oras na makita ko ulit yun.
Naku hindi ako magkakamali na tirisin yung pagmumukha niya.
Napakayabang.
“Miss may nakita ka bang lalaki dito na tumatakbo?Medyo matangkad siya tapos maput—” hindi pa natatapos ng lalaki ang sasabihin niya ng bigla ko nalang siyang binangga at umalis na dala dala ang bilao.
Hindi ako tanungan ng nawawalang unggoy.
—𝗘𝗻𝗱 𝗢𝗳 𝗣𝗿𝗼𝗹𝗼𝗴𝘂𝗲—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top