I Revenged on a Playboy [Tagalog]
Synopsis
Breaking his heart was part of my plan. I should be in triumphant seeing him suffering in pain–that was a successful revenge. But why the hell I feel hurt as well?
Chapter 1Chapter 1: Meet The Playboy
Saturday. Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong mag-mall. Yeah, ako lang ang mag-isa. Yung bestfriend ko kasing si Yat, hindi ko ma-contact simula pa kagabi. Ewan ko ba dun.
Pero sa totoo lang, medyo nag-aalala ako. Kahit babaliw-baliw ang babaeng yun, mahal ko pa rin yun.
Pumasok ako sa isang boutique ng mga Kpop albums.
May bibilhin kasi ako. Yung album ng mga unnies ko, ang SISTAR.
Nagbayad na ako sa cashier. Grabe, ang mahal naman neto! Nabutas bulsa ko. Haha. Pero ayos lang. Dati ko pa gustong bilhin ang album na ‘to. Palagi kasing out of stock.
Pagkalabas ko ng botique, niyakap ko yung album. “Nabili rin kita sa wakas!” Sabi ko sa sarili ko. Wala akong pakialam kahit napapatingin na sa’kin yung mga taong dumadaan. Tsk. Makakalimutan din nila ako.
I happily took a steps…
Bigla akong napapikit nung may bumunggo sa’kin at dahil sa lakas ng impact, nag-landing ako sa sahig.
Pero teka…. bakit parang… parang hindi masakit ang ulo ko?...
beautiful story
maganda