I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS KABANATA IKA-LABING ISA


Huminto si Eight sa malawak at kulay gray na Gate. Binuhat nya si Hayasein tsaka nya Sinwipe ang Rank Id nya para bumukas iyon.
‘Bakit ba nakukuha mo palagi ang atensyon ko? ‘ napailing na lamang sya matapos pagmasdan ang babaeng walang malay.
Naglakad sya sa magarbong hallway na may mga bakal na Rehas sa magkabilang gilid nito na kapares din ng kulay nang Gate na dinaanan nya.
ang kaliwa’t kanang bahagi ng daad ay sinakop ng napaka lawak na Hardin.
Umabante si Eight ng tatlong hakbang para lampasan ang hagdan bago makarating sa harapan ng bahay na may narra’ng pinto.
“Mommy, nandito ko. ” hindi maamo ngunit hindi din naman galit ang tonong ginamit nya.
Bumukas ang pinto At bumungad ang isang babae, maputi ito at bouncy ang blonde nyang buhok na hanggang balikat.
Suot ang itim na dress na lagpas sa tuhod at may tatak na Hermes. Para sa kanya ay pangbahay lamang ang posturang iyon ngunit para sa ibang mayayamang pamilya ay expensive na iyon dahil iilan lang ang desinyong iyon na nailabas sa buong mundo.
“Oh my god! “natutop ng babae ang bibig nya. hindi dahil sa buhat-buhat ni Eight, kundi dahil sya ng dahilan mismo
.”Son..”naluluhang anito. “Binatang-binata kana.. Ten years old ka pa nung huli tayong magkita. ” dagdag na saad pa nito tsaka hinaplos ang pisngi ni Eight.
“Mom, pwede nyo po ba muna kaming patuluyin? ” putol ni Eight sa, pag, d’drama ng ina.
“ah.. Oo. syempre naman. ” tarantang sagot nya. “Sino ba iyan? Hindi ka ba mapapahamak dahil sa kanya? Alam mo naman na ayaw ng lolo mo sa mga babaeng napapalapit sa pamilya nyo. ”
“Wala akong pakialam sa kanila. ” saad ni Eight nang paakyat na sila sa Hagdan papunta sa Second floor.
Ngunit napahinto sa pag hakbang ang mommy nya at kaagad na hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha ni Hayasein. ” ano po bang ginagawa nya ”
“Nako, binata kana talaga at napaka galing mong pumili.. kaya pala pati ang lolo mo ay sinusuway mo dahil worth it naman, maganda sya at, mukhang mabait. “nanunuksong saad ng ina nya patungkol sa babaeng karga nya.
“ano po bang ibig nyong sabihin? Itikom nyo nga po ang bibig nyo. “tumaas ang nguso ni Eight nang magpatuloy sa paglakad ang mommy nya
“Yang Girlfriend mo, maganda sya. ” ulit na puri nito.
“School mate lang po at wala nang iba.. ”
“pero wala kapa namang school mate na naipakilala sa’kin?”
“Mom, nawalan kasi sya ng malay alangan namang hayaan ko sya don? ”
“Pero may sarili kayong Hospital sa Campus nyo? ”
dipensang saad ng ina tsaka binuksan ang pinto ng kwarto.
Pumasok si Eight at inilapag si Hayasein sa kama. ” Dahil may iba akong pakay. “naging seryoso ang boses nya, humarap sya sa mommy nya at halatang seryoso ito sa sinabi nya. “Nakauwi na ang bunso kong kapatid hindi ba? ”
Hindi nakaimik ang mommy nya at tila gulat na gulat sa narinig.”Yang dugo sa ilalim ng damit nyo.. Kay Yana yan hindi ba? ” hindi padin nakasagot ang mommy nya.
“Kayo na po muna ang bahala dyan sa kasama ko. “bilin nya. akmang maglalakad na sya pababa ng hagdan pero tumigil sya at naglakad pakanan.
Binuksan nya ang nakasarang pinto at tumambad sa kanya ang nakadapang babae, taimtim itong natutulog habang walang suot na saplot pang itaas dahil sa mga Sariwa nitong sugat sa Likod.
“Yana… “bulong na tawag nya sa kaawa-awang kapatid. “Kapatid ko…” sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ng mommy nya kung paano sya Umiyak, ang mata ilong, labi at ang buong si Eight ay nakikita nya kung gaano ito nasasaktan.
Nilapitan sya ng mommy nya tsaka ito niyakap.”Anak.. Ayus lang ang kapatid mo. ”
“Mommy…”tawag nya sa nanay nya habang nakasubsob sya sa balikat nito.
Labis na nasaskatan ang babae para sa panganay nyang anak pero pilit nya itong inaalo. Alam nyang pinalaki ito ng matigas at hinubog para pamunuan ang malaking organisasyon kaya’t hindi nya inaasahan na makikita nya itong tumatangis dahil sa bunsong kapatid.
“Pagbabayarin ko sila mommy, iisa-isahin ko sila. ” ikinuyom ni Eight ang parehong kamao nya. “Hwag nyong hahayaan na makita ng babaeng dala ko ang kapatid ko. ” huling saad nya tsaka naglakad sa hagdan pababa.
Nagbago ang mukha nito, ang Eight na kinatatakutan sa West university ngayon ay tila Triple na.
Pinaandar nya ang makina ng kotse tsaka mabilis itong minaneho pabalik sa West Bridge.
Hindi dahil babalik sya sa Unibersidad kundi dahil pupuntahan nya ang pinaka matandang lolo nya.
Idiniretso niya ang kotse sa mapunong bahagi ng Eskwelahan.
Pati na ang makina ng kotse ay alam kung gaano katindi ang galit na nararamdaman ni Eight sa paraan kung paano nya paangilin iyon.
“Maligayang pagdating master Eight. ” si Ging ang sumalubong sa kanya ngunit hindi nya ito pinansin, sa halip ay tumungo sya sa Elevator at pinindot ang numero ng Gusali kung saan naroon ang lolo nya.
“Grand master Estiven- -” hindi pinatapos ni Eight ang pagsasalita ng Guard na nasa labas. Padarag nyanag itinulak ang pinto at walang alinlangang pumasok sya doon.
Inabutan nya ang lolo nyang nakatalikod at nakaharap sa Glass wall ng silid at malayang pinapanuod ang paglalaro ng Tubig sa malaking Fountain na pinalilibutan ng mga Mamahaling halaman.
Hawak sa kanang kamay nito ang Baso ng alak at sa kaliwa naman ay ang Tungkod kung saan nakadisenyo dito ang hawakan ng isang palaso, ang pinaka dulo nito ang syang nagsisilbing talim.
“Mabuti naman at Dinalaw mo ako Ha ha ha ha “birong saad nito. “nabalitaan kong itinigil mo na ang paghahanap sa babaeng iyon. ” patungkol nito sa bunsong kapatid niya.
“Hindi ako tumigil.” ngumisi sya. “hinahayaan kong kusa kaming magkita.. Pinalaki nyo ako hindi para manghabol kundi para maghintay ng tamang tyempo para paslangin ang kalaban. ”
Naupo si Eight sa Sofa na naroon tsaka tinungga ang paboritong alak ng lolo nya. “uhmmm… Taste like heaven.” napapikit si Eight hindi dahil sa alak kundi dahil iniisip nya kung paano nyang papaslangin ang taong nag papahirap sa kapatid nya gayung ito naman ang nag aruga sa kanya.
“Iniisip mo bang kitlan ako ng buhay? ” kalmado ang lolo nya at walang bahid ng galit ang tonong ginagamit nya.
“Ibibigay ko na kay Gray ang lahat ng posisyon na iniaatas nyo sa akin. ”
” Eight, ikaw lamang ang Apo ko at nandito ka para akuin ang lahat ng iyon. ”
“pero apo nyo rin po si Gray! ”
“anak lamang sya sa pagkakamali ng iyong ina! ” nagtaas ito ng tono.
“Pero si Yana… Pano si Yana! ”
“Sa Pamilya natin, walang puwang ang mga babae! Dumadating lamang sila para magbigay ng bagong taga pag mana at pagtapos ay wala na…kung pagtatagalin mo pa sila sa buhay mo ay magiging kahinaan mo lamang sila. ”
“Kaya ba pinag kasundo nyo kaming ikasal ng babaeng mula sa pamilya ng Gregx? Para lamang sa taga pag mana? ”
“ang mga magulang nya ang nag presinta kaya’t bakit ako tututol, isa pa ang babaeng tinutukoy mo ay handang mamatay para sa’yo apo. ”
“Ganun na lang ba talaga kadali sa inyo ang Pumatay? Kaya ba pati si lola ay pinatay nyo? Lolo.. “napaluhod si Eight kasabay ng pag agos ng luha nya. “Tigilan mo si Yana nag mamakaawa ako sayo. ”
“Ngunit sya ang pumili ng landas na gusto nyang tahakin.umanib sya sa kalaban.” naglakad si Estiven tsaka hinawakan ang balikat ng Apo.” hangga’t nabubuhay ang nag iisang taga pag mana ng kalaban natin ay hindi matatahimik ang buhay ni Yana. ”
“Lolo…sabihin nyo lang po handa kong paslangin kahit sino pa yan. ”
” hanapin mo ang taga pag mana ng mga Mc Clearry at paslangin mo sya.. Iyon lang ang paraan para makalaya si Yana, makikilala mo sya sa maliit na tattoo sa ilalim ng batok nya, mukha iyong pilat pero tatoo iyon. ”
🎀 HAYASEIN🎀
Nang makaramdam ako ng ginhawa sa katawan ko ay idinilat ko ang mata ko, inikot ko ang paningin ko.
Pero napakunot ang noo ko matapos kong makarinig nang wirdong bulungan. Hindi ko alam kung saan nag mumula iyon pero mukhang naroon iyon sa kabilang pader kung nasaan ako.
Inilapit ko ang tenga ko dito sa pader para lalo kong maintindihan ang pag uusap na iyon.
“Margaux anak, Nakita ka na nang kuya mo. “saad ng boses ng babae pero mukhang may edad na ang nag mamay ari noon.
“pero paano pong nangyari yon?paanong nakarating si Kuya Dito? ” saad ng isa pa.
Dalawang boses lang ang naririnig ko kaya malamang na dalawa lang sila doon.
“dinala nya ang girlfriend nya dito sa bahay.” pabulong na saad ng mas matanda.
‘ako ba ang tinutukoy nya? ‘ halos mapangiwi ako sa pag kakasabi nito sa salitang ‘Girlfriend ‘
‘Single pa ho ako! ‘
“pero alam kong ikaw ang pakay nya.. Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita nya ang mga sugat sa likod mo. umiyak sya at sumugod sa lolo nyo. ”
‘Grabe parang si Eight pala yun eh, barumbado din! ‘
“Gusto kong makita kung sino ang girlfriend niya!”
“pero anak,, kabilin-bilinan ng kuya mo na hwag kayong pagkitain kaya sumunod ka na lang at bumalik na sa Eskwela nyo. ”
Bumalik ako sa higaan nang marinig ko ang yabag ng paa nila palayo. nang lumipas ang limang minuto ay bahagya kong binuksan ang pinto para silipin sila pero likod ng nakabendang babae ang kaagad na nakita ko, nakabalot sya ng bendang puti pero mukhang hindi pa ganun kasyadong na aampat ang pagdurugo ng sugat dahilan para humawa ang dugo nito sa puting benda lalo na sa bandang balikat nya.
Kumaliwa ito dahilan para matanaw ko ang kalahating mukha ng Babae.
pero mabilis kong isinara ang pinto tsaka bumalik sa higaan para magpanggap na tulog.
Hanggang ss marinig ko ang pag bukas ng pinto kung nasaan ako
“Ija… ija.. ” tawag nito sa’kin
Nag mulat ako ng mata at kunwari ay iginala ko ang paningin ko sa paligid at magkunwaring kakagising lang hanggang sadyain kong ipadapo ang paningin ko sa napaka gandang babae na nasa harapan ko.
‘Pansyeyt’
Mukhang ka edad sya ng mommy ko pero lamang sya ng walompung paligo in short mas bata pa yata syang tignan kaysa sa akin.
“Kamusta na ang Daughter in-law ko. ” Nakangiting tanong nya habang kukurap-kurap sa akin na tila nag papacute.
‘Cute na po kayo kahit hindi kayo gumanian. ‘
“Mommy ako ng School mate mo. ” nakangiting aniya.
‘sinong school mate kaya? ‘
‘teka, ano ba kasing nangyari sakin? ‘
Dahil sa pagiging chismosa ko ay nakalimutan ko na ang nangyari sa’kin.
Sinubukan kong alalahanin ang lahat at si Eight kaagad ang pumasok sa isip ko. ” mo-mommy po kayo ng dyablong iyon!” Gulat na tanong ko?.
“Dya-Dyab-.. Ano? ” ulit na tanong nya wariy hindi nya ako naintindihan.
“I-ibig ko pong sabihin si Eight po.. Oo tama si Eight nga ”
“Oo, mommy ako ni Eight. ”
“Talaga po? ” hindi makapaniwalang tanong ko. “Hala naku patay ako nito! Hindi ako nakapag paalam sa School! ” tarantang saad ko.
“Alam na ng school ang nangyari sa’yo. ” nakangiting saad pa ng mommy ni Eight.
“pina laundry ko na ang uniform mo kaya’t magpalit kana bago ka bumaba. Ipaghahanda kita ng makakain , bago ka sunduin ng School service para ibalik sa West bridge okay? ” saad nya bago lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga ako ng maisara nito ang pinto.
‘hindi ako pwedeng magkamali! Si Yana ang nakita ko. ‘
‘Kung si yana ang nakita ko at tinatawag nyang kuya si Eight, tapos mommy nya ang nandito. hindi kaya….
” magkapatid sila? ”
Nanlalaki ang matang saad ko dahil sa natuklasan ko.
Naging tahimik ako anggang makarating sa Villa. Mabigat ang katawan kong ihinakbang ang mga binti ko para tumungo sa Unit namin ni Yana.
‘bakit nga ba hindi naging ma’kwento si Yana tungkol sa buhay nya. ‘ mapait akong napangiti.
“Curious ka sa East Bridge? ” napahinto ako sa pag hakbang tsaka nilingon ang pinanggalingan ng boses. ” Mag kita tayo sa Roof top bukas ng lunch break. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo. ” anang lalake tsaka sya mabilis na nawala sa paningin ko.
Wala talaga akong planong mag tagal sa lugar na ito, peeo hindi ako mapapakali kung hindi ko malalaman ang mga bagay-bagay.
Kung bakit nandito si Calvin
Kung bakit kialangang parusahan si Ivo
Kung bakit may sugat si Yana
Kung bakit gustong makawala ng mga taga East.
At kung sino ang babaeng nagligtas sa buhay ko nang gabing yon.
*Eeeeeengk!
Tulad kahapon ay inabutan ko na namang tulog si Yana kaya’t hindi na’ko nag abalang gisingin sya.
~
“Ngayon naman ay hindi ko inabutan si Yana sa Unit namin. ”
Pinalobo ko ang pisngi ko tsaka nag pakawala ng hangin.
Dumiretso ako sa upuan ko katabi si Ivo. ” oh himala at pumasok ka? ” tanong ko.
Ang lahat ng Kaklase ko ay nakatingin sa’kin.
“First rule. Bawal kausapin ang Ranggo basta-basta.” ani Ivo pagkababa sa binabasa nya. “pero dahil Rule breaker ka ay tyak na hindi mo yun susundin.” tatawa-tawang saad pa nya.
“hala close sila? ”
“Tignan mo oh kinakausap sya ni Ivo. ”
Pinilit kong dedmahin ang bulungan nila, “Kulang ang tulog ko, matutulog muna ko.” dumukdok ako at pumikit, hindi ako nasiyahan sa pwesto kayang...


bumaling ako pa kanan, sandali kong idinilat ang mata ko pero pakiramdam ko ay nagsisi ako na ginawa ko iyon.
Nagtama ang mata namin ni Eight, nakadukdok din sya at pakaliwa ang tingin kung saan ako nakaharap.
Ngumisi sya tsaka nya ibinulong sa hangin ang salitang ‘STUPID’ siniringan ko sya dahilan para maningkit ang mata nya habang gumagalaw ang balikat nya.
“Okay Good morning! ” mabilis kong iniangat ang paningin ko nang dumating ang proff samantalang si Eight ay tila walang pakialam. Ayokong umasa pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na pinanunuod nya ang bawat pag galaw ko.
Nag simula nang mag discuss ang proff sa harap kaya’t itinuon ko ang buong atensyon ko dito pero may mga tao talagang Epal na gagawa ng paraan para dimonyohin ang isip mo.
Napatingin ako sa maliit at lukot na papel na bumagsak sa table ko.
‘Yung Soda ko hindi mo binayaran, baka naman yung napkin pwede mo nang bayaran? ‘
Iyon ang nakasulat sa papel.
Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko matapos ko iyong mabasa, nilingon ko si Eight pero nakadukmo parin sya sa Mesa sya wari’y tulog kahit halata namang tumatawa sya dahil sa balikat nya.
‘Oo babayaran ko kaya tumahimik ka dyan. ‘
Palihim kong pinitik iyon papunta sa kanya pero nasalo nya iyon ng hindi manlang nag aangat ng paningin.
Nilingon ko si Ivo pero tulad ni Eight ay nakadukmo din ito.
“Hayasein!” tawag ng Proff sakin.
Umangat ang ulo ni Eight at tinignan ako.
Tumayo ako. “Mother Miss, Mother is the most Beautiful word. “sagot ko.
“Very good. ” pumapalkapak na saad ng Proff.
Tinanaw ko si Eight tsaka ito tinaasan ng kilay bago ko maupo pero halatang napahanga ko sya matapos bumilog ang bibig nya ‘Woah’
Maya-maya ay may panibagong papel na naman na bumagsak sa Mesa ko.
‘wag mo na kong bayaran, kahit yung buong atensyon mo na lang. ‘ napataas ang nguso. ‘ang corny neto! ‘
‘kakausapin ko sa Calvin, sasabihin ko ibigay kana lang nya sakin kailangan ko kasi ng Tutor, mahina ako sa Subject na Love eh. ‘
Halos hindi ako makapaniwala sa mga pinag sasa-sabi ni Eight, parang nung nakaraan lang ay halos saksakin nya ko. ngayon naman ay bumabanat sya ng ganito.
‘isa pa diba may Fiancè na sya? ‘
Dahil sa kalokohan nya ay hindi ko manlang nakita na umalis na pala yung Proff.
Nilingon ko si Eight. Iniangat niya ang mga braso nya para mag inat habang nakangiti pero kaagad ko din itong inalis nang tumayo ang Fiancè nya para lumapit sa kanya.
“May nangyari ba? ” nakangiting tanong nito kay Eight.
Pero tila hangin lang sya na dumaan at hindi manlang pinag aksayahan ni Eight na tapunan ng tingin, Tumayo sya tsaka bahagyang ngumiti sa’kin at nagdiretsong lumabas.
“haisst! Palagi nya na lang akong ginaganito!” saad ni Thalia.
Ang buong klase namin ay tila mga nakawala sa hawla.
may mga nagbabatuhan ng papel, may mga naghaharutan at mayroon ding nag sisigawan.
Napatingin si thalia sa tapat ko kung saan naroon ang maliit na papel na siguradong pinag usapan namin ni Eight.
Pinulot nya iyon tsaka binasa ang nakasulat, hindi ko alam kung ano ba ang laman non. “ahhhrg! ” inis na sigaw ni Thalia. “papatayin ko ang babae na yun! ”
Kinagat ko ang labi ko tsaka yumuko, nagkunwari akong walang alam. Tumayo ako para tumungo sa Cafeteria bitbit ang bag ko pero hindi pa man ako nakakalabas sa pinto ay may humablot na sa bag ko.
“kuhanin mo.. “nanunuksong saad ng lalake habang pinapakita ang bag na hawak nya.
“Ibalik mo sakin yan. “simpleng saad ko.
“Habulin mo muna ko.. “anito pa na talagang tinutukso ako.
“Give it back…”
‘Si eight? ‘
Lumingon ako sa likuran ko ngunit mukha ni Ivo ang naroon.
‘bakit ba si Eight ang inaasahan ko? Eh lumabas na nga sya. ‘
“heto hayasein..”saad nang kaklase ko na parang maamong panda.
“salamat. “sagot ko pagka abot ko ng bag.
“Push up 800 times for 80 minutes kapag hindi mo na beat ay dagdagan mo na lamang ng isa pang Zero ang mga digit na ibinigay ko. “utos ni Ivo. “let’s go, ihahatid kita sa Cafeteria. ” seryosong aniya.
‘kung dadag-dagan ng Isang zero ang 800, magiging Eight thousand iyon at magiging 800 minutes namam ang 80.’
“Ivo, hwag mong gawin yun sa kaklase ko. “saad ko.
“Lumayo ka sa lalaki na iyon..knuckle ang pangalan nya at hindi sya magandang kaibigan. ”
“paano mo nasabi? ”
“Hindi ko pwedeng sabihin sayo..mas ligtas ka kung wala kang nalalaman. ”
“ivo….”Huminto ako sa pag, hakbang “diba sabi mo po-protektahan mo ko hanggang sa makabawi ka? “tanong ko habang naka yuko.
nilingon ako ni Ivo. Nguniti sya tsaka tumango.
“Kung ganun..pwede mo ba kong.. ” natatakot akong ituloy ang sasabihin ko. “Pwede mo ba kong dalhin sa East? “sa wakas ay naisatinig ko.
Tinignan ko si Ivo pero nanlaki ang mata nya at tila hindi makapaniwala sa narinig nya. “Sabihin mo! San mo nalaman ang lugar na iyan? ” Lumapit sya sakin kasabay ng mahigpit na paghawak nya sa balikat ko. “bakit mo alam ang lugar na yan? ”
“Ivo….Gusto kong tulungan ang mga Estudyanteng nakakulong do- – -”
“Tumahimik ka! ! ! “galit na sigaw nya sa mismong mukha ko. “ito ang huling babala ko sa’yo.. Itigil mo ang pangingialam. Kung gusto mo pang mabuhay ng tahimik ay ititikom mo ang bibig mo at magpapanggap na walang alam…dahil..hindi ko na makakayang protektahan ka sa Kamay ng mga mafia.”
“anong sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko pero hindi ako nasagot ni Ivo nang magsimula syang maglakad palayo sa akin.
🎀THIRD PERSON🎀
“kamusta yung pinagawa ko sayo? “tanong ni Eight kay Seken.
“si Raizen na ang pinagdala ko ng Explanation letter sa East. “sagot nya kay Eight. “Nga pala may nakuha ko sa tabi ng stadium…Wala namang katawan na naiwan pero may notes.” saad ni Seken pag pasok ni Eight sa Rank Office.
‘tatapusin ko ang lahat ng hahawak sa kanya isang mensahe ng ika-apat Ranggo na pinakahihintay nyo ‘
~M-4~
Iyon ang mensahe sa papel na nakuha ni Seken malapit sa Stadium.
“Kung ganun, narito na ang ika apat na Ranggo.. Pero nasaan sya? ” tanong ni Eight.
“Nalaman kong may ipinadala si Dean na newbie sa East bridge, hindi kaya si Ika-apat yon? “tanong ni Seken, napalingon si Eight sa kanya dahil posible ang iniisip nya.
“Iyong babae.. “bungad ni ivo pag pasok sa office.
“Ivo? Anong nangyari sayo?” tanong ni Seken nang, mapansin nyang wala ito sa sarili.
“Iyong pakialamerang babae, alam nya ang tungkol sa East” itinaas nya lamang ang paningin nya nang makaupo sya sa pwesto nya.
“Panong nangyari yon? ” kunot noong tanong ni Seken.
“Eight! “tawag ni Ivo kay Eight kasabay ng pag agos ng luha nito.”ayoko nang pumatay ng inosenteng tao.”
“Kung ganon.. Ano ang balak mo? “tanong ni Seken.
“susubukan ko syang protektahan kahit ikamatay ko.” sagot ni Ivo.
“nababaliw kana ba? “inis na saad ni Eight.” hindi ka pwedeng humakbang ng wala ang utos ko, hindi ka gagawa ng ano mang pag sisimulan ng gulo sa pagitan ng East at West. ”
“pupuntahan ko sya. “galit na saad ni Eight tsaka naglakad palabas ng office.
Lunch break kaya nasisiguro nyang naroon sa Cafeteria iyong babae,palapit pa lamang sya sa pinto ng lugar ay rinig na rinig na nya ang mga maiingay na estudyante.
Kaagad na gumala ang paningin nya para hanapin si Hayasein pero bigo sya. “Eight!” tawag pansin sa kanya ni Thalia, nakangiti ito ng galak nang lingunin nya. Umaasa ang dalaga na sya ang dahilan ng pag punta ni Eight sa Cafeteria pero tulad ng nakasanayan nito ay dinedma nya muli ang babae tsaka ibinaling sa ibang destinasyon ang mata nya, nahagip nito ang likod ni Thunder na paakyat sa hagdan.
Kaya’t patakbo syang sumunod dito, hindi sya nag kamali nang makita nya si Hayasein na nasa unahan ni Thunder.
“Ang sabi mo ay sasabihin mo sakin ang lahat at sasagutin mo ang mga tanong ko. ” narinig ni Eight ang lahat ng binigkas ni Hayasein ngunit hindi ganun kalinaw” kung ganun ito ang unang tanong ko…” tahimik syang nag lakad at kumubli sa malaking pader ng Roof top.
“Nasa East ba Si Alillyana? ” matapang na saad ni Hayasein na ikinalaki ng mata ni Eight.
‘paano nyang nakilala ang kapatid ko. ‘ iyon ang malaking tanong sa isipin nya.
“Si Alillyana? Iyong Satford ang apelyido? ” nakangising anito “Hindi ko sasabihin ang kalagayan nya pero sasabihin ko kung bakit sya naroon. ”
“Ipinatapon sya ni Dean sa East bilang Parusa hindi ko nga lang alam kung ano ang pagkakamaling nagawa nya ” lalong nag dulot ng galit kay Hayasein ang mga sinabi ni Thunder.
“nung nakaraang gabi.”nakayukong saad ni Haya. “sa opening party may babaeng nag tangka sa buhay ko, sabihin mo.. Mula ba iyon sa East? “itinaas nya ang paningin nya para salubungin muli ang mata ni Thunder.
“Malamang na mula iyon sa East, gusto nilang maalis ang Rank Student dahil hindi nila magawa ang nais nila. ”
“tulad ng? ”
“kapag naka pasok ka sa lugar na iyon ay malalaman mo ang lahat, pati na ang pagkatao ng Rank Student lalong-lalo na si Eight, Iyon nga lang bilang kapalit ay posibleng hindi kana makalabas ng buhay doon…ngayon interasado kapa bang malaman ang lahat ng tungkol sa lugar na iyon? ”
“Samahan mo akong makapasok! ! ” matapang na ani Hayasein.
Kumibot ang kilay ni Thunder sa sinabing ito ni Hayasein, inaasahan nyang mawawalan ng interes ang dalaga matapos nya itong takukit pero naging kabaligtaran ang inaasahan nya.
Kumalma si Thunder at namulsa. ‘ Mukhang lalo akong mahihirapan na Kontrolin si Spaid na tigilan ang babaeng ito. ‘ nasabi nya sa isip nya, peke syang ngumiti na tila natutuwa syang makita ang pagka uhaw ng babae sa pag pasok sa Lugar na iyon, palibhass ay alam nyang nasa paligid si Eight. “bigyan mo ako ng malalim na dahilan. ”
“Gusto kong…. Iligtas ang buhay ng kaibigan ko. ”
‘Matagal na silang mag kakilala? ‘ iyon ang pagkakaintindi ni Eight sa Sitwasyon.
“hahahaha alam mo bang sa lugar na ito ay walang puwang para sa mahihina. ”
“Thunder! ” tawag pansin ni Eight dito para tigilan ang kasunod na sasabihin nito.
“Hello my Dear Friend.” kalmadong lumingon si Thunder.
“Umalis ka sa Harapan ko. “nawawalan ng pasensyang saad ni Eight.
Itinaas ni Thunder ang kamay nya tila sumusuko sa magaganap na away sa pagitan nila.” basta tandaan mo, wala pa ito sa mararanasan mo kapag nakapasok kana sa East. ” nakangising saad ni Thunder sa Tenga ni Hayasein tsaka sya nakapamulsang naglakad sa pinaka harang ng Rooftop at nagpatilaglag pabagsak sa ibaba.
Nanlalaki ang mata ni Hayasein na hinabol si Thunder ng paningin nya, kinailangan pa nyang silipin kung ano ang nangyari dito pero nagulat sya na ligtas na itong naglalakad at tinatahak ang hallway.
“sandali!may tanong pa’ko. ” sigaw ni Hayasein pero nginisihan sya ni Thunder tsaka ito sarkastikong Sumaludo.
Humakbang si Hayasein pababa pero hinablot ni Eight ang pulsuhan nya para pigilan sya
“Dito ka lang.” saad ni Eight. Na nagpatigil talaga sa dalaga, ngayon nya lamang narinig ang tonong ito ni Eight pero kailangan nyang alamin ang kinaroroonan ni Yana
“pwede ba? Hindi ako tatayo dito para lang mag hintay! alam kong Kapatid mo sya.” tumulo ang luha ni Hayasein. “nakita ko ang lahat ng Sugat nya! At hindi ako maghihintay sa kung ano pa ang sasapitin nya! “sigaw ni Hayasein patungkol sa kaibigan.
“basta sabi ko dito ka lang ! ! ” sigaw ni Eight. ” Nandon Sya dahil sayo! ” sa wakas ay napagdugtong- dugtong ni Eight ang lahat. ” at masasayang ang lahat ng pagod nya kung mapapahamak ka! Para sa kapatid ko ay iingatan kita. YOU’LL BE SAFE HERE… kapag nasa tabi kita hindi ka nila magagalaw… Iyon lang ang magagawa ko para sa kapatid ko. ”
“ano bang sinasabi mo! “galit na saad ni Hayasein. Tsaka nya hinila pabalik ang kamay nya. ” papasok ako sa East Bridge and you can’t do anything about – – -”
Nanlaki ang mata nya nang sunggaban sya ng halik ni Eight para patahimikin.
Halik na iba nung Una, ngayon ay tila may ritmong sinusundan si Eight, at bawat pag baling nya ay nag dudulot ng kakaibang pakiramdam para sa dalaga.
hindi naka galaw si Hayasein sa pagkabigla, kahit ang binata ay naguguluhan sa mga iniaakto nya kapag kaharap ang babae.
Kusang bumitiw si Eight tsaka inakap si Hayasein. “Ayokong aminin pero ikaw lang ang Nakapag paramdam sa’kin ng ganito. “mahinang saad ni Eight pero sapat na para maintindihan ni Haya. “Ikaw lang ang nakakapag pakalma sa twing mainit ang ulo ko, pero ikaw lang din ang nakakapag pabaliw sakin sa twing naiisip kong nasa panganib ka. ”
“ano bang sinasabi mo? “naguguluhang tanong ni Hayasein.
“Tingin ko, Nagugustuhan na kita.” walang alinlangang saad ni Eight pero hindi nila alam na naroon si Thalia at pinanunuod sila habang tumutulo ang luha nito.
*SANA PO MABASA KO, NAMAN YUNG COMMENT NYO SALAMAT






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top