I’M THE MASTER OF THE CEO CHAPTER 9


(PRIMO POV)
+ Nasa Set ako ngayun, actually 5 days na lang matatapos na ang shooting, as usual si Aya nasa hospital, at pumupunta na lang ako dun pagkatapos ng shoot, sa ngayun napapadalas ang pag shoshoot namin sa mga isolated area, para na rin makaiwas sa mga fans. Its lunch break at nagtatanghalian kami nila Direk ng dumating si Allissa, nagulat halos lahat at nagtayuan at kumamay sa kanya.
Direk- Allissa! What a sudden Visit! Thank you.
Allissa- No problem, I just wanna watch something amusing today.
+ tumingin sya sakin. Umiling na lang ako, bakit kasi nandito sya, ang ganda na ng career nya sa Australia.
Allissa- Hi Primo.
+ umupo sya sa tabi ko.
Allissa- Ow, you can continue eating guys, sorry sa interruptions.
Direk- its okay. We are glad to be here with you. Akala namin hindi ka na babalik ng pilipinas eh, sobrang sikat mo na kasi sa Australia. Sobrang nakaka proud because you are a product of Philippines.
Allissa- Na miss ko kasi ang Pilipinas.
Direk- wow, oh wait, guys give allissa something to eat.
Allisa- ow, no need I’m okay. So kamusta naman si Primo sa shoot direk?
+ ano bang pinagsasasabi nito, ngumiti sya sakin pero tinaasan ko na lang ng kilay. Muka namang na awkward yung iba.
Direk- uhm, okay naman, regarding sa issue, wala naman kinalaman yun sa movie and it’s not enough para matigil ang shoot.
Allissa- good. I’m so excited na mapanuod ka umacting.
Primo- di naman necessary.
+ tumayo nako at naglakad papuntang Tent ko, na ba bad mood ako.
Allissa- uhm, wait lang ha.
+ sumunod sya sakin
Allissa- Primo!
Primo- ano? Wala ka namang gagawin dito ah, bat ba nandito ka?
Allissa- I already said, bumibisita lang ako.
Primo- That’s not what I mean, Bakit bumalik ka pa dito sa pilipinas?
Allissa- bakit? Hindi bako allowed?
Primo- Ang tanong ko bakit?
Allissa- Basta, gusto ko.
+ inisnob ko na lang sya. Nakaka walang gana makipag talo.
Allissa- pwede bang kausapin mo naman ako ng ayos? Pumunta ako dito para kamustahin ka!
Primo- that’s it, sinabi mo din. Inabala mo pa ang mga tao dito, kung gusto moko makausap set an appointment with my PA. Hindi yung nangaabala ka.
Allissa- ganun ka na ba kahirap kausap? Kaylangan ko pang mag pa appointment.
Primo- Hindi naman. Sayo lang.
Allissa- what happened to you?!!! Alam mo simula ng magkaron ka ng PA na dati naman wala, mas lalo ka ng hindi mahawakan.
Primo- Anong ibig mong sabihin?
Allissa- Tingin ko Bad Influence yun eh. Bakit natuturuan ka na ba nya ng mga ugaling kalye?
Primo- Anong sabi mo????!!
Allissa- Wag ka masyado dumikit sa mga ganun Primo, Artista ka, wag mong hantayin na ang mga katulad nilang empleyadong nagpapakabuhay lang ang hihila sayo pababa.
+ nagpantig ang tenga sa sinabi nya, lumapit ako sa kanya habang sinamaan sya ng tingin.
Primo- magdahan dahan ka sa sinasabi mo Allissa, oo hamak na PA lang si Aya, pero wala ka pa sa kalingkingan nya.
+ Huminga sya ng malalim.
Allissa- Okay, I dont wanna fight with you right now, ngayun lang ulit tayo nag kita. But I think deserve ko naman ang simpleng kamusta.
+ tumalikod nako
Primo- Muka ka namang Okay, kung wala ka ng sasabihin, Wag mo nakong abalahin.
Allissa- malabong mangyare yan, masanay ka na, aabalahin kita anytime I wanted.
+ tapos naglakad na sya, nagpaalam na sya sa ibang staff at sumakay ng kotse nya. Dati ko syang Partner in Modeling, namamayagpag kami non sa mga International Modeling, even on Most expensive Brands, pero isang beses lang na kunin syang mag model ng isang sikat na Brand ng Kotse sa Australia, binitawan nya na ang kontrata, Modeling ang pangarap kong Career, pero dahil sanay ang lahat na we Always walk together, Bumagsak ang Career ko, At eto hagya ko ng na lift up ang sarili ko sa pag acting. Tapos kung kausapin nyako parang walang nangyare.
(TROY POV)
+ kabababa ko lang ng Flight ko from Thailand, napabilis ang inayos ko dun, tatlong araw lang. Nasa airport ako ngayun, hinihintay ang Secretary ko, wala pang 2 mins, andyan na nga sya agad. Bumaba sya at pinagbuksan ako ng Pinto. Sasakay pa lang sana ako ng may tumawag sakin galing sa likod.
Cyrus- Mr. James Troy Vega.
+ nagulat ako kaya napatingin agad ako sa likod.
Troy- Cyrus?
Cyrus- Mismo.
+ lumawak bigla ang ngiti ko, lumapit ako agad sa kanya at niyakap sya.
Cyrus- ow! Teka teka kuya easy, di ako makahinga.
Troy- Bat nandito ka?
Cyrus- hayyy, mahabang kwento kuya.
Troy- oh, e san ka pupunta.
Cyrus- saan pa edi sayo.
Troy- hahaha, e san pa nga ba? Halika na.
+ isinakay ko na sya agad sa kotse, sobra akong natutuwa, Isa sya sa pinaka malapit kong Talent dun sa una kong Agency na na bankrupt, halos silang dalawa ni Aya ang nasa tabi ko, pero nung matanggap sya sa UK bilang Singer dahil sa audition nya, pinayagan ko na sya, pangarap nya yun eh, Si Aya lang ang hindi talaga umalis kahit may opportunities, sobrang namiss ko tong taong to. Kuya ang tawag nya sakin dahil tinuturing ko narin naman syang kapatid.
Troy- Kamusta Parents mo? Sorry hindi ko sila nabibisita eh.
Cyrus- lagot ka haha.
Troy- sorry na, kita mo naman, kababalik ko lang galing thailand.
Cyrus- biro lang kuya. Ayun lagi ka daw nila nakikita sa dyaryo minsan sa TV, ikaw naman masyado ka namang nagpapasikat.
Troy- haha ganun ba?
Cyrus- mapapadalas na uli tayo magkasama kuya.
Troy- bakit? Hindi ka na ba babalik sa UK.
Cyrus- hindi ko pa sure eh, depende sa Situation, pero namiss ko kayo ih, babakasyon muna uli ako.
Troy- Alam mong you’re always welcome.
Cyrus- yes naman oh. So san tayo?
Troy- ikaw? Kumain ka na ba?
Cyrus- busog pako eh, ano? Tara sa Agency!! Gustong gusto ko na makita ih, sa picture mo lang na sinisend ko nakikita eh. Alam mo naman, sanay ako sa dati nating Agency, excited ako promise.
Troy – oo na pero wag ka malikot ha baka may mabasag.
Cyrus- sama naman ng ugali kuya haha.
Troy- biro lang.
+ tinapik nyako kala ko...


kung ano, sinenyasan nyako kung naririnig ba daw ng Secretary ko ang usapan namin, sabi ko naman hindi kasi naka sound proof naman ang Back seat, for privacy purposes, may kaylangan lang pindutin pag may gustong sabihin.
Cyrus- okay good, Si Aya?
Troy- anong Aya?
+ kinatusan ko sya sa ulo.
Cyrus- Kuya naman.
Troy- Ate Aya.
Cyrus- Sus, isang taon lang naman ang agwat namin eh. Namiss ko na yun ih, asan ba sya? Grabe, dati magka team lang kami Ngayun CEO na. Alam mo ba kuya yung President ng Company namin, kilalang kilalang sya.
Troy- ahhh, isa kasi sya sa Investors ng Agency na yun.
Cyrus- Sabi nga po nya, grabe naman nakakahiya tuloy humarap kay Aya.
+ binatukan ko uli sya.
Cyrus- kuya!! Baka maalog naman ang utak ko.
Troy- Ate Aya.
Cyrus- oo naaa, hayzz..
+ ng makarating kami sa Agency nagulat ako ng ang daming naka abang na fans namay banner, mga basher siguro ni Primo.
Troy- Hanggang ngayun meron padin?
Sec- Sir, sorry pero sa totoo lang mas umunti na yan ngayun.
Troy- how about online?
Sec- dun po mas marami.
Troy- tsk.
Cyrus- ano meron?
+ tumigil na kami sa harap ng Agency at bumaba, halos mapatalon kami ng may sumigaw ng pangalan ni Cyrus, yung mga Basher naging fan uli, nag iritan sila at tumakbo palapit kaya agad na humarang ang mga guards.
Cyrus- Its okay, its okay. Hiiiii..
+ Natatawa na lang ako, na may pagka proud, palangiti sya at gustong gusto nya rin yung ganyan na napapangiti nya ang mga fans nya. Maya maya nagpaalam na sya at sumunod sakin.
Troy- Call for a meeting with Primo, we need to have Plans for this.
Sec- Yes Sir.
Cyrus- bat may bashers?
Troy- well, that’s normal.
+ nag kibit balikat na lang sya.
(AYA POV)
+ Pagkatapos kong matanggap ang message ng Secretary ni Troy, inihabilin ko na uli si Sir Luis sa Nurse na magbabantay para sunduin si Primo. Kaylangan ko rin kasi pumunta lalo na sa mga gantong meeting. Pagdating ko dun sakto na nag wra-wrap up na sila ng gamit.
Aya- Sir.
Primo- Aya? Diba sabi ko wag mo nako sunduin ngayun?
Aya- may scheduled meeting po diba.
Primo- oo pero okay lang na ako na lang.
Aya- nandito na ko eh, tara na po.
Primo- hindi ka talaga nakikinig.
+ nginitian ko na lang sya, kumaway muna ako kay Steff at direk bago sumakay nadin sa kotse.
Primo- kamusta si Daddy?
Aya- Ayun, okay naman po, mejo nakakapag alala lang po na tumatagal ang paggising nya. Pero as long as sabi ni Doc okay, wala po kayong dapat ipag alala.
Primo- ikaw?
Aya- po?
+ nakatulala lang sya sakin.
Primo- sabihin mo lang pag na iinip ka ha, para hindi na lang muna kita pag babantayin dun.
Aya- okay lang po, tsaka mas bawas po sa kagagalaw.
Primo- sige.
Aya- ayos lang po ba kayo sa shooting? Wala naman po problema diba?
Primo- Hindi eh.
Aya- Po? May problema? Ano? Sabihin mo agad sakin Sir!!
+ natawa naman sya.
Primo- malaki.
Aya- Seryoso ba? Ginugulo ba ng fans ang shooting or, ikaw, ginugulo ka ba.
Primo- hindi.
Aya- eh ano po?
Primo- wala ka kasi.
Aya- kaya nga sa—— po?
+ ngumiti na naman sya at humalumbaba na lang sa bintana ng sasakyan.
Primo- Cute mo lagi mag react.
+ natatawa na lang din ako. Ayan na naman sya.
Primo- after ng meeting umuwi ka na muna, ako na bahala sa ospital.
Aya- sabi mo eh.
(TROY POV)
+ papunta na kaming meeting room kasama si Cyrus ng matanaw namin si Primo palapit.
Cyrus- woahh, yun ba yung Primo kuya? Ayos ka talaga pumili ng artist ah. Gwapings kuya.
Troy- ewan ko sayo. Sigurado ka bang sasama ka pa sa meeting.
Cyrus- pwede naman diba?
Troy- bahala ka.
Cyrus- haha.
+ ng malapit lapit na biglang sumulpot sa likod ni Primo si Aya, babati pa lang sana ako ng…
Cyrus- AYA!!
+ shiiii***!! oo nga pala, napatingin sila lahat pati si Primo at Aya kay Cyrus, nanlaki naman ang mata ni Aya, agad kong tinakpan ang bibig ni Cyrus. Halata namang nataranta si Aya. Sinenyasan ko na lang si Cyrus na tumihimik.
Troy- (pabulong) dont talk to Aya right now okay. Dont even smile at her.
+ itinulak ko na sya papasok sa meeting room at sinalubong si Primo at Aya. Ang makulit namang si Cyrus nakasilip pa sa pinto
Primo- Sino yun?
Troy- uhm just a friend.
Primo- bat tinatawag nya si Aya?
Troy- ha?
+ tsk!!
Troy- Tinawag ba nya? ang sabi nya, AYA’N NA. Ang ibig sabihin nya andyan ka na daw.
+ kinunutan nya lang ako ng noo at naglakad na din paloob. Tiningnan naman ako ni Aya na parang nagtataka.
(AYA POV)
+ bakit nandito si cyrus??!!! Shemay naman oh. Sumunod nako sa kanila papasok sa Meeting room, pagpasok ko nakatingin agad si Cyrus sakin, kinindatan ko na lang sya at pinanlakihan ng mata, halata namang takang taka sya, ganun din ang ginagawa ni Troy sa kanya. Umupo na kaming lahat, hindi parin umaalis ang tingin sakin ni Cyrus, dyusko pano ko ba sasabihin sa kanyang wag nyakong tingnan!! Dumadako naman ang tingin ko kay Primo na nakasandal sa upuan, naka cross arms at mainit ang tingin kay Cyrus. Susme, pano na naman ba to?!!!!!!
Primo- Aya
Aya- po?
+ napansin ko naman na nanlaki ang mata ni Cyrus, dyusko wag ka mag rereact wag wag wag!!!
Primo- may tubig ka ba dyan?
Aya- ah, naku naiwan sa kotse eh. Kukunin ko po.
Primo- oo sige.
Cyrus- HA?!!!!!
+ nagulat at napatingin lahat sa kanya? Akong tatayo pa lamang sana ay naudlot.
Troy- Uhmmm, lets start the meeting!!!
+ tinakot ko na lang sa tingin si Cyrus! Nakakabwisit kelan bako mapapanatag nito.
Tumingin na lang ako kay Primo na nakakunot ang noo at ngumiti na lang sa kanya.
Primo- Ayos lang ba yan?
Cyrus- HAAA?!!!!!!
primo- bingi ata.
+ hinawakan ko na lang sa braso si Primo. Nakamulagat naman ang mata ni Cyrus. Jusmiyo Marimar. Tiningnan ko na lang si Troy para ituloy na nya ang meeting. At yun nga ang ginawa nya. Ako naman lumabas na. Nasakit ang ulo ko. Ngali ngali kong ihampas ang sarili ko sa pader!!! Nakaka bwisit talaga!!!!!
Itutuloy……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top