Isa akong Ina Kabanata 3


Mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Nanay at Tatay …
“Nako! Anak.. Miss na miss ka na nmin ng tatay mo “,sabi ni Nanay na maluha luha pa..
“Bakit nman ngayon ka Lang umuwe? “, tanong ni Tatay… “Kamusta nman ang naging amo mo.. Mabait ba? “,
Pero di ko pinansin ang tanong ni Tatay..
Bagkus ay niyakap ko si Nanay ng mahigpit..
“Subrang namiss po kita Nay “, wika ko..”tara na po sa loob.. Gusto ko na po matkman ang luto nyong namiss ko ..”, at agad na kumalas sa pagkakayakap ni Nanay at nagpatiunang pumasok sa bahay naming gawa sa kawayan at pawid na bobong..
Mahirap Lang kame pero masaya kme ng kabataan ko.. Khit na maliit lang ang bahay namin ay mahal kme ng maguLang ko..
Pagpasok ko sa kusina ay nakita kong tatlo nlng ang stainless naming baso at pinggan.. Nalungkot ako dahiL walang kagamit gamit sa kusina ni Nanay.. Tanging Bangang may lamang tubig na maiinom ang katabi ng pingganan naming gawa ni tatay..
Mauling na rin ang lumang kaldero ni Nanay..
Napabuntong hininga ako..
Kung sana binigay Lang sa akin ang sahod ko edi sana nabilhan ko ng gamit pangkusina ang nanay ko..
“Merling.. Tara na.. Kumain ka na “, boses ni Nanay..
Pilit akong ngumiti bago lumapit sa hapag namin..
Wala na ang dalawang ate ko dito nag asawa na siLang dalawa..
“Anak.. Kamusta ang pangangamuhan mo sa MayniLa? “, tanong ni Nanay habang kumakain kme..
“Ok lng po.. Mababait po ang naging amo ko “, pagsisinungaling ko..
Ayaw kong sabihin sa kaniLa ang totoo dahiL baka sisihin pa niLa ako at d na ko payagan pa sa sunod na pumuntang MayniLa..
Kahit nman malas ang naging unang punta ko dun ay di yun rason para kalimutan ko ang pangarap ko na dun manirahan sa MayniLa at dun na rin magkapamiLya..
“Eh bakit ang payat mo? “, tanong ni Tatay na tiLa di naniniwala sa sinasabi ko..
“syempre po Tay.. Kapag po pla nasa MayniLa ka ay gugustuhin mong gumanda dahiL ang sesexy at ang mamachu ng mga dalaga’t binatang naninirahan dun “, utaL utal na palusot ko..
“Tama na yan Kalis. Pakainin mo na muna si Merling.. “, sabi naman ni Nanay na pinagpasalamat ko..
Di na nagtanong pa si Tatay kaya tahimik naming tinapos ang pagkain namin..

“anak anong nangyare sa braso mo?bakit may parang tatsuLok na piklat yan? “, tanong ni Nanay sa akin ng minsang maglaba kme sa sapa..
“ah kse Nay.. Napaso po ako ng plantsa… Nakalimutan ko po kse itabi kaya nasagi ko “, palusot ko..
“ah ganun ba? “, sabi ni Nanay na parang naniwala din agad sa sinabi ko..
“Opo “,
“Nga pala Merling.. Mag aaral ka na ba netong pasukan? “, tanong ni Nanay..
Sa totoo lng nagdadalawang isip ako kung mag aaral pa ba ako o hindi na.. DahiL talagang wala nman talaga sa lahi nmin ang matalino.. Kaya nga wala sa aming magkakapatid ang nakapag high school dahiL maliban sa walang panLaban sa utakan e mahina pa ang loob..
Oo mahina ang loob ko.. Matatakot akong subukan ang mga bagay bagay lalo na kung bago sa paningin ko..
Bigla ko tuloy naalala si Maam Karla.. Siguro nga ay tama sya IGNORANTE nga ko
Bumuntong hininga ako..
“bakit anak? Ayaw mo na bang mag aral? “, tanong ni Nanay habang nagbabanlaw ng mga damit..
“di ko pa po alam.. nay “, sagot ko..


/> “gusto ko sanang makapag tapos ka ng khit Elementarya Lang anak.. Para khit isa man Lang sa anak ko ay nakapagsuot ng toga.. “,
Naawa namn ako at nalungkot sa sinabi ni Nanay kaya susubukan ko khit na mapuroL ang utak ko..
“sge po Nay.. “,
Ang problema nga lang walang grade 6 sa paaralan ng baryo namin kaya dadayo pa kme sa karatig baryo.. Lalakarin ko pa ng halos kwarenta Minutos bago makapasok sa sinasabing paaralan..
May isa kameng alagang kalabaw ,dati ng maliit pa ko ay madami kmeng kalabaw kaso nga lng.. DahiL nagsiasawa na ang mga kuya ko ay yun ang pinambenta ni Tatay para may pang gastos sa kasaL..
Syempre .bago kayo magsama dpat ay Kasal muna.. Iwan ko ba bkit ganun..
Sabi ni tatay ay tradisyon daw yun at yun ang dpat.. Para daw masaya ang pagsasama dahiL kapag nabuntis ka daw at di pa kasaL ay itatakwiL ka ng maguLang mo..
Mabilis lumipas ang buwan at pasukan na..
Pinag enroL ako ni Nanay khit na Desesyete na ako…
Kasama ko ang mga pinsan ko sa paglalakad papasok ng paaralan..
Nagbabaon nLng ako ng kanin at uLam para sa pananghalian..
Aalis kme ng alas syete ng umaga at uuwe kme ng alas says ng hapon…
Whole day ang pasok at dahiL malayo sa bahay namin ang schooL ay nagbabaon naLang kme..
Nahihiya akong pumasok sa room ko..
Nakita kong lahat siLa nakatingin sa akin.
“anjan na si Maam !”, sigaw ng isang batang klasmeyt ko..
Nagtwanan ang mga magiging klasmeyt ko..
“Hala! Wala ang tanda na nya! “,
“ang tangkad nya pero grade 6 plng sya?”
“kaidad na ata yan ng ate ko e.. Kolehiyo na yun! ”
Lahat ng mga sinasabi niLa ay naririnig ko..
Tinapik ako ng kaibigan kong tomboy na pinsan ko na din na si Dadang…
“hayaan mo na lng.. “, sabi nito sa akin at saka hiniLa ako para makaupo..
Si Dadang ang naging kaibigan ko.. Mas bata sya sa akin ng apat na taon…
Naging ksama ko sya sa mga kalukuhan ko at kakampi ko dati pag naglalaro kme ..
Nang pumasok si Mrs. Tiu ay agad kmeng tumayo para bumati..

Mababait ang klasmeyt ko maliban kay Badong na anak ng principal…
Malakas ang Loob mambully dahiL nanay nya ang principal ng schooL..
Khit Dose plang ito ay taglay na nito ang pagiging Sut*L ..
MapangLait at talagang nakakainis..
Medyo nahihirapan ako sa pag aaral dahiL di nman ako nabiyayaan ng katalinuhan..
Lalo pa’t di rin nmna nkpag aral si Nanay at Tatay para maturuan ako…
Khit grade six na ko ay nahihirapan parin akong magbasa Lalo nat English..
“Since ikaw nman ang pinakamatanda sa klase Marlita.. Pakibsa ang nakasuLat sa pisara..
Kinalabahan akong tumayo.. DahiL kapag di ko nabasa ang nakasulat sa pisara ay tiyak kong iikutin ko ang flagpole nmin habang may nakasabit sa leeg na papeL at may nakasulat na..
“DI AKO MARUNONG MAGBASA! ”
Si Mrs Tiu kse ay kilalang napakasungit..
Isa ring Bully na teacher sa mga estudyante nya..
Mahilig Mamahiya..
Sa halip na turuan ang mga di marunong ay pagtatawanan nya pa ito at ipapahiya..
Binasa ko ang nakasuLat sa pisara..
“E-AR-KWA -EK”,putoL putol na basa ko..
Nagtawanan ang mga kaklase ko…
At mas lalo akong kinabahan ng makita ang mukha ni Mrs Tui..
“Patay! “usal ko ..
– itutuloy
Sensya na po busy po ako ngayon..
GoodMorning ❀






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top