IT WAS ALWAYS YOU


(Ang nalalapit na PagtataposšŸ”„ā¤)
“Tao po!!Tao po!!” tawag ng mga armadong lalaki sa tapat ng bahay nina Mang Canor at Aling Florentina.
”Magandang umaga po,sino po sila?at anong sadya nila?” kalmadong tanong ni Mang Canor.
”Mga Pulis po kami at may hinahanap po kaming babae at lalaki,nagbabakasakali lang po kami kung may nakita kayo..dun sa may liblib na gubat dun iniwan ng mga kidnapers ang babae at lalaki..itinali sila sa puno pero wala sila doon..ito po ang larawan ng babae..” mahabang paliwanag ng Pulis at inabot ang picture ng babae.
“Mukhang Pamilyar,si Ika yata ito..” sabi ni Aling Florentina
“Clarence Mendoza po ang pangalan ng babae at Galvin Santiago naman ang lalaki.” patuloy ng Pulis
“Nandito po sila Sir,pasensya na po at hindi namin agad naipaalam sa kamag-anak nila dahil wala kaming pamasahe papuntang bayan,dumito po muna sila dahil natatakot na baka daw balikan ng mga dumukot sa kanila..” mahaba ding paliwanag ni Mang Canor
“Teka,tawagin ko muna sila..maupo po muna kayo..” saad ni Aling Florentina na agad na nagtungo sa may ilog kung saan nandun ang dalawa.
******
“Ano naman iyong nagustuhan mo sa akin?” nakangiting tanong ni Galvin,kasalukuyan silang naliligo sa ilog...


na malapit doon.Sa liblib at mapayapang lugar na iyon,may magandang ilog pala na nakatago roon.
“Paano ko ba sasagutin?ahm,I think I like you because I love you.” nakangiti niyang sagot sa bago niyang boyfriend.
“Talaga?iyon na ba,…I love you too Clarence..”
Agad naman niyang pinisil ang ilong nito.
“Ika,Iko..may naghahanap na mga Pulis..at kayo nga ang hinahanap nila..”
Napalingon sila kay Aling Florentina.
“Talaga po?!!” natutuwa nilang sabi at nagmamadali silang nagbihis ng tuyong damit at pinuntahan ang mga nasabing Pulis.
******
Laking pasalamat Nina Galvin at Clarence sa mag-asawang nakasagip sa kanila at sa mga kamag-anak nito.
Isinama na sila ng mga Pulis papunta sa City at ibinalita sa kanila ng mga Pulis na ikinulong na si David at ang mga kasamahan nito.
“How about us Galvin?hindi mo na ako pasasamahin sa resort mo?” malungkot niyang tanong
“No,we’re back there soon..sa ngayon may pupuntahan muna tayo..”
“And where is it?” taka niyang tanong
“Just wait..and you can see them..”
“Them? Sino naman pupuntahan natin?”
Nagpunta sila sa isang malaking bahay,ngayon lang siya nakapunta dun at ano naman kaya ang sadya nila doon.Mamaya masagot lahat ng katanungan niya kung makapasok na sila sa loob.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top