Makaraan ang dalawang araw ay, hinatid na si Anton sa huling hantongan
Magkatabi silang naka upo ni Chesca sa pi-naka dulo ng likuran bahagi habang pinag-mamasdan sina Abner at Marco nagluluksa inakbayan ni Marco si Abner nakatayo ang dalawa kaharap ang kabaong.
” Kay-sarap nilang panourin nasasaktan” bulong sa kanya ni Chesca.
Bahagya niya itong kinurot baka may makarinig sa kanila mapapahamak pa silang dalawa.
Ilang saglit lang nakita niyang naglakad palapit sa kanila si Marco.
Umayos sila ng upo. namumula ang mga mata nito halatang galing lang kaiiyak.
Nangmatakpan na ng lupa ang kabaong ni Anton ay nag si-alisan na ang mga nakilibing. Nag-paiwan si Abner at Marco.
” Tol, tayo na” aya ni Marco kay Abner.
” Mauna nalang kayo tol, gusto ko munang mapag-isa”
Tinapik-tapik ni Marco ang balikat nito bago tuluyan umalis.
Inakbayan siya ni Marco pa punta sasakyan.
” Labis talagang nasasaktan si Abner” aniya ritong nakahawak sa baywang ang isa niyang kamay na nagpatuloy sa paglalakad.
” Close talaga sila kahit noon pa. nahiwalay lang sila nong pinadala sa ibang bansa si Abner” tugon nito sa kanya.
” alam ko dahil mag kasama silang dalawa ng madaanan nila ako sa daan, at sinundo ka nila upang gahasain niyo ako” sa isip niya.
” Kaya pala ganon nalang nasaktan si Abner sa pagkawala ni Anton” tanging tugon niya rito.
” Lara, Marco mauna na ako sa inyo” untag sa kanila ni Chesca ng makarating sila sa pinagparadahan nila sa sasakyan.
” Sige, kita nalang tayo don” tugon niya sa kaibigan.
” Chesca, salamat ha?” pahabol ni Marco nang makaupo si Chesca sa driver seat ng kotse nito.
Lumingon ito sa kanila” Don’t mention it” saka ngumiti at sinara nito ang pinto ng sasakyan.
Pinagbukas siya ni Marco ng pinto.
“Thank you” aniyang umupo sa tabi ng driverseat
Hindi niya inalis ang tingin sa mukha nito habang umikot papunta sa driver seat.
Bigla siyang nakaramdam ng awa para rito. Hindi niya alam kung bakit para bang hinaplos ang puso niya sa kung sino. Hindi niya maintindihan ang kanyang nadarama habang nakatingin sa mukha ng binata
“ Hon, hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko pero sana wag mong mamasamain’ pasiuna niya ng makaupo ito sa tabi niya.
Tumingin muna ito sa kanya bago nito binuhay ang makina ng sasakyan.
” Ano yan hon? ” seriouso ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Hinaplos niya ang buhok nito bumagsak sa may noo ” gusto mo paliban muna natin ang kasal natin para makapag luksa ka muna?”
“ Hindi naman natin kailangan gawin yon hon, hindi natin kailangan ipag-paliban ang kasal dahil lang sa pagkawala ni Anton. Isa pa malapit na ang araw na iyon. Halos gusto kuna ngang hilahin ang oras para makasal na tayo” tugon nitong hindi inalis ang mata sa mukha niya.
” Bakit hon, nagdadalawang isip kana ba?” kunot-noo nitong tanong sa kanya.
Masuyo niyang hinaplos ang mukha nito. ” Hindi naman hon, inisip lang kasi kita. Ayaw kung e pressure ka lalo na sa nangyayari ngayon”
” I can get over it hon. Basta nasa tabi lang kita” dinampian siya nito ng halik sa labi. Bago nito pi-naandar ang kotse.
Tinungo nila ang park para don na muna magpalipas ng oras hanggang sa mag umpisa ng mag dilim.
” Hon, kain muna tayo bago kita ihatid sa inyo” aya nito...