Ilang oras na siyang nakahiga mula ng mahatid siya ng binata. Nakatihaya siyang nakahiga nakatitig sa bubong. Naglalaro sa isipan niya ang eksina kanina tila ramdam pa niya ang matamis na halik ng binata wala sa isip nailapat niya ang hintuturo sa kanyang mga labi.
” I-I–” napahikbi siya sa isipin iyon. Bagay na gustong kumawala ngunit pilit niyang winawaksi sa isipan.
” Come on Lara don’t be such an idiot falling inlove with a man who ruin your life. Ang layo na nang narating mo para ma inlove. Wag mong kalimutan ang tunay mong dahilan kung
bakit pina-ibig mo siya” Nagtatalong isipan at kalooban.
” Tapusin mo ang nasimulan mo!” Sigaw ng kalooban niya. Padabog siyang bumangon at umupo sa silyang nasa tabi ng bintana. Ilang araw nalang ay kasal na nila ay gayon din kalakas ang kabog ng kanyang dibdib sa kaba. ” Wala nang atrasan” sinundan niya iyon ng malalim na buntong hininga.
MAGDAMAG siyang hindi nakatulog sa isipin kailangan na niyang tapusin ang kanyang na umpisahan. Alas deyes ng umaga ng pumanaog siya para mag-almusal.
Nababaan niya ang katulong nag wawalis ” Manang Biday, nasaan si tita?”
tumigil ito sa ginagawa ng makita siya “Kanina pa umalis may pinuntahan. Hindi kana lang niya ginising para sa almusal nag mamadali kasi siya” paliwanag nito.
” Palagi nalang umaalis si tita, saan kaya ito ng nagpupunta” tinungo niya ang kumedor. Binuksan niya ang nakatakip na puting plato sa ibabaw. Kumuha siya ng hotdog at itlog nilagay sa plato niya at hinila ang upuan para kumain muna bago umalis.
Inisip niyang magpunta ng mall para makahanap ng masosout para sa kanilang party bukas. Kailangan niyang maging maganda para maging convencing sa binata na excited siya. Kung siya lang ang masusunod hindi na siya mag-paparty pa pero, nagpupumilit si Marco para pormal niya raw makilala ang mga kamag-anak nito at iba pang mga kaibigan. Kung tutu-usin wala naman siyang pakialam sa mga kamag-anak nito hindi siya intresado pa makilala ang mga ito dahil tanging ang binata lang ang may kasalanan sa kanya.
Matapos niyang mag-almusal ay tinungo na niya ang mall sakay ng kanyang kotse. Hindi pa siya nakarating sa mall ay tinawagan siya ng taga botique pinaalam sa kanya na handa na ang kanyang wedding gown na inarkilahan. Agad niya iyon pinuntahan para kunin.
Minsan na siyang tinanong ng binata kung bakit ayaw niyang magpapagawa ng sariling gown. Ayon rito ay magiging isa iyon sa pinakamagandang ala-ala sa kanya at kung mag-kakaanak sila ay magagamit din ito ng kanilang magiging anak kung sakali makasal ito. Nag dahilan na lamang siya na nanghihinayang siya sa gastos dahil pagkatapos ng kasal ay itago lamang ito sa kabinet at maging maluma lamang pagdating ng panahon. Tila na kunbinsi niya ang binata kaya hindi na siya nito pinilit pa.
WALANG humpay ang tuwa ni Marco, ng malaman nakauwi na ng pinas si Erik at tiniyak nito makarating ito bukas sa party nila. Sinabihan niya ito na isa ito sa kanyang mens groom natutuwa naman ito sa kanyang sinabi ngunit ang tuwa ay agad din na palis ng maalala ang mga kaibigan.
madalang nalang sila nagka-usap mula ng mamatay si Anton. ” kung kailan pa ikakasal na ako saka pa nag-kakaganito. Siguro isa lang ito sa mga pagsubok sa buhay” Hindi rin siya sigurado darating si Abner sa kanilang party. ” Labis talagang na apektuhan si Abner sa pagkawala ni Anton.
Inabot niya ang telepono nasa ibabaw ng mesa niya upang tawagan ang magulang ni Anton kung sino ang suspect sa pagpatay kay nito ngunit bigo siya malaman dahil walang sumasagot sa tawag niya. Napa-buntong hininga siyang binaba ang telepono.
Naka-number four siya ng upo nakatingin sa bubong. Dalawang gabi nalang aantayin niya ay magiging kasal na sila ng babaeng mahal niya. Hindi niya inasahan na mahulog siya ng ganito kay Lara. Kung dati lagi niyang sinasabi sa sarili niya kikilanin niya ng mabuti ang babae bago...