MAPAGBIRONG TADHANA
CHAPTER 1
Ako si Akisha, 20 taong gulang ulila na ako. Tanging lola ko na lang ang kasama ko sa buhay, namatay ang aking magulang ng hindi ko man lang nagawang dalhin sa ospital dahil na rin sa kahirapan. Tanging pagtitinda lamang ng kakanin ang aming ipinanraraos sa araw-araw na pagsubok sa buhay.
“Apo ako na lamang ang magluluto niyan, mukhang pagod kana” sabi ni Lola
“Hindi na po kailangan kaya ko na po ito, tsaka bawal po kayo mapagod ‘di ba? Gusto nyo po ba mahirapan naman po kayo huminga.” Malambing kong saad
“Apo huwag mo na kong alalahanin doon din naman ang punta ko, mamamatay din ako gaya ng magulang mo.” sabi ng matanda
Nakaramdam ako ng lungkot at namalayan ko na lang na umaagos na pala ang aking luha. I still can’t move on about what happened to my parents, ayoko ng maulit pa ‘yon kay lola. Sobrang sakit na nakikita no na lang ang mahal mo na nahihirapan. Gagawa ako ng paraan upang maipagamot si Lola, na hindi ko man lang nagawa sa aking magulang.
“Lola alis na po ako, ilalako ko na itong biko para makauwi agad ako” sabi ko sa aking Lola.
“Sige apo ingat ka ha, huwag mo na lang pansinin ang mga sinasabi ng kapitbahay natin”
“Opo Lola.”
Sa tuwing maglalako si Akisha ng kanyang paninda ay lagi sya sinasabihan ng mga kapitbahay na gamitin ang kanyang utak...
yong chapter 2 naman