MARITES ANG ANAK MO!
Dahil bored ako sa bahay naisipan kong maglakad palibot ng subdivision namin.
“Napahiya talaga ako kanina, bwesit kasi tong anak ni Aling Marites kong hindi lang sana sya chismosa edi hindi ako napagalitan.” kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad hindi lang talaga ako maka get over don sa nangyari kanina.
“Makakaganti din ako sayo Bebang!” sigaw ng isip ko syempre hindi ko na kakausapin sarili ko baka magpagkamalan akong baliw.
Tahimik na buong subdivision. Pasado 10 na kasi.
Habang naglalakad ako may narinig akong umuungol.
“Walang aso dito ah.” pabulong kong sambit sa aking sarili.
Hinanap ko kong saan nanggaling ang ingay.
Hindi naman dito sa daan. Tumingala ako para hanapin kong saan, nagulat ako nang may makita akong kababalaghang nangyayari sa bahay nila aling Marites.
“Si Bebang yon ah.” sambit sabay kuha ng selpon ko at pinikturan.
“Aba, gustong gumawa ng anak. Yari ka ngayon kay aling Marites! HAHAHAH.” tumawa ako na parang may masamang balak. Meron talaga.
Hindi ko ito papakita ng diretso kay aling Marites baka hindi maniwala. At baka isipin na gumaganti...