Meant to be? Chapter 7


Hi babe! Tara.
Ahm, daanan natin ang sis ko busy kasi si Mang Anton kay Dad..
Ah.. E yong si Nice?
, di sya pumasok. 3 days na
Ah.. Ok
Ilang araw na pala syang di pumapasok? , hindi rin sya makontak . Damn! Anong pr0blema nya” di nya namamalayang nakaarko na ang kanyang kilay .
Oi! OK ka lang?
Ah. Yes! .. Let’s go?
Pagdating nila, inanyaya ni Khate si Ace sa sala. Bumati lang ang mommy nya dito at nag paalam nang aalis. Nagpahatid ng juice si Khate sa katulong dahil magpapaturo sya sa binata ng di nya magets sa Math.
Buong araw na nasa kwarto si Nice. Wala pa rin syang ganang kumain. Dumalas na ang pagsusuka nya, kaya minabuti na nyang mag absent na naman. Nahihirapan na sya, at nababahala na baka may maka halata na sa kanya sa kanilang klase.
Matamlay ang pakiramdam nya at Lagi syang humihikab. hindi sya maka amoy ng pabango o mga matapang na spices. Sumasakit na ang ulo nya at pagkatapos maduduwal na.
Ayaw na rin nyang makausap o makatext ang binata. Dahil pahirap lang sa kanya.. Kailangan nya lang panindigan na mapangalagaan ang dinadala hanggang mailuwal nya ng safe. Kung may gusto syang kainin, naglalambing sya sa papa nyang utusang bumili. Yong kaya lang ng bulsa may konting pera din naman sya. Yong binibigay na sweldo ng mama ni Khate, itinatabi nya kasing savings nya para sa kolehiyo.
Habang nakatingin sa kisame, bigla na naman syang nagdrama. Naalala na naman ang nanay nya. Kung buhay pa sana ito, may mapaglalambingan at mapagtatanungan sya ng kanyang nararamdamang kakaiba sa kanyang pagbubuntis. Kumawala na naman ang luha sanhi ng pagsikip ng kanyang dibdib. Paano na kapag tuluyan nang lumobo Ang kanyang tyan. Paano nya ipapaliwanag, at anong sasabihin nya sa kanyang papa at mga tao sa paligid.
Hanggang sa napahikbi na sya. Tunay ngang mahirap ang kanyang sitwasyon.. Hirap.
Nagpasya syang bumaba dahil kumalam ang kanyang sikmura. Nakita nya si Rica na pababa rin.
“Nice! Bukas pala third grading recognition natin. Hmm.. Punta ka.. Nice.. with high honors ka! congrats!”
“Rie?”
“Oo.. Ako wala kainis, pero sanay na. Hehe
Gaya ng dati 1 pm yong program ok. Congrats uli, you deserve it my mentor” kumindat pa ito sa kanya.
Napasapo sya sa dibdib.. “Nay, baby, papa sa inyo ko inihahandog ang merits ko. ” napahawak na rin sya sa kanyang tyan na wala pang umbok.
Pagkababa, agad nagtama ang paningin nila ng ama ng kanyang dinadala, napalingon kasi ito dahil nakitang umangat ang tingin ni Khate patungo sa likod nito.
Agad na bumawi ng tingin si Nice at dire diretso sa kusina.
Pero sinigawan sya ni Khate.
“Nice! Paki dalhan mo kami ng juice uli tsaka slices of cake. “Pakitanong kay manang Fe.
“Oo, sige”
Nakatingin lang si Ace sa kanya. Sari saring emosyon ang nakita nya sa mukha nito. Halatang nagpipigil lang na makausap sya.
Pagbalik nya’y di na sya tumingin sa side ng binata. Dahil nakalingkis na si Khate dito. Inilapag nya na ng diretso ang tray.
“Ahm may ipag uutos ka pa ba Khate? ”
” Nothing.. Ahm Nice bagay ba kami? “Niyakap pa nito sa beywang ng nobyo ang kamay at sumandal sa balikat nito.
Nakayuko lang ang binata..
” Ahm.. Oo. Bagay kayo, kahit saang anggulo tingnan.”
” Wow! Very well said. Thank you! Sige makakaalis ka na.”
” Sige.”
“Ahm Nice.. Wait! Ikaw ba may nanliligaw na rin sayo?I mean may sinagot ka na ba? , I heard from Rica may mga humihirit daw sayo sa school and mga may binatbat naman din daw. Why not try Nice, para makaahon ka na rin sa hirap.”
Medyo nasaktan sya sa huling sinabi nito pero di na nya pinansin.
” Ah, pag iisipan ko, may mga napupusuan na rin naman ako. Sabi ko lang.. Waiting lang kayo, busy pako sa studies ko. Pero baka nga may sasagutin na ako.
” kappal ha” naibulong ni Khate.
Gustong gusto nya talagang inisin ito. Sama kasi ng ugali, tila may tinatagong insecurities sa kanya. Samantalang kita nya ang pagkuyom ng kamao ng binata. At ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa isang deriksyon habang nakaarko ang mga kilay.
Pumunta na sya ng kusina, at naghanap ng pwedeng tanggapin ng kanyang sikmura.
Samantalang nagpaalam na magbabanyo si Ace.
Pero dumiretso sya ng kusina. Nakita nyang kumakain si Nice habang nakikipagkwentuhan sa cook na si manang Fe.
Saktong nakatalikod ang katulong sa kanya, at si Nice ay nakaharap sa pinto.
Iwinagayway nya ang mga kamay dito… Hanggang sa napansin sya.
Suminyas sya na i on ng dalaga ang cp nito.
Umoo na agad si Nice at itinabi sa mesa ang kamay suminyas ng” tsupi” o pagtataboy sa binata.
Pinandilatan sya ng binata at isininyas ang phone nito.
Pinandilatan din nya ito, sabay pagtango.. Tsaka ngumiti sa kausap.
Pagkatapos kumain agad bumalik ng kwarto si Nice at ini on ang cp. Sandamak mak na ang text messages at missed calls mula sa binata.
Last text nito.
– “Labas! mag uusap tayo.!”
“Bwesit! feeling talaga!”
– Naghihintay ako sa labas, nagpaalam na ako kay Khate. ”


/> Buti wala pa ang papa nya , maingat syang lumabas ng gate. At nakailang hakbang lang sya mula sa gate may humablot na sa kanya. Dire diretso silang naglakad hanggang nasa loob na sya ng sasakyn.
As usual, pinaandar na naman ito ng reckless driver.” Bahala sya!.”
Nang makalayo na sa lugar na yon, agad nagbreak si Ace.
“Agh! Gusto mo ba akong makunan gago ka! ”
Madilim ang anyo nito.
“may gana ka pang magpaligaw?!”
Ano!?
Tsaka pa lang ito humarap
“I’m warning you ha.. Pag nagpaligaw ka, at nag boyfriend, ititigil ko ang sustento sa anak mo!”
Bwesit to” hoy! Hindi ko kailangan ang sustento mo, kung ganyan lang din ang ugali mo! Bwesit ka!!
Ibalik mo na ako!! Gagong to.. ”
Nagtagisan sila ng paningin. Parang dalawang tigre na handa nang lapain ang isat isa dahil sa galit.
” Ano! Huh?” sigaw nya sa pagmumukha nito.. lumalaki na rin ang butas ng kanyang ilong.
ito na ang naunang bumawi ng tingin.
” Huwag kang mag bo boyfriend. Kung gusto mong magtino ako regarding our situation.” malumanay ngunit mariin nitong sabi
“Ayaw mo non, baka naman yong taong darating e matanggap yong sitwasyon ko at tanggapin ang baby ko. E di lusot ka na, wala ka nang poproblemahin.”
“Damn you!!”
Napagitla pa si Nice sa lakas ng pagkasigaw nito. Hinihingal na nga ito at galit na galit ang mukha na nakatitig sa kanya. Nakita nya pa ang paghampas nito ng manibela kanina.
” Anong problema nya, ok naman ang sinabi ko”
” Malaman ko lang na may pinapayagan kang manligaw..
Anong gagawin mo huh?
Bubugbugin ko!
Huh e di sasabihin ko na sayo ngayon, na yong anak ng administrator ng school nMin. Ay pursigidong makuha ang matamis kong oo. Sabi ko hintay ka lang, pag nag college na ako.
“Isusumbong kita sa tatay mo!”
” Ok lang kay tatay, as long as dito nya ako pupuntahan sa banghouse ni papa para kausapin at di sa kung saan saan lang! ” diniinan nya pa ang huling sinabi.
Sabay pataas taas ng kilay.
Nanggagalaiti naman sa pagkainis ang binata. Kulang na lang manuntok ang kamao nito. Hanggang napahampas uli sa manibela.
” At ngayong nangyari sa akin to, naisip ko bat di ko itry na sabihin sa kanya para malaman ko ang desisyon nya kung matatanggap nya ba o hindi. Feeling ko naman kasi.. Seryoso sya sa akin. ”
” Shit!”
“Magandang ideya diba? Ano sa palagay mo?”
Napatingin ito sa kalsada..malayo ang tanaw
Ano sa tingin mo? Magdesisyon ka rin para maisalba ka sa posibleng kahihiyan.
Unti unti na namang nagdilim ang anyo nito.
Ngayon lang nakita ni Nice na ganito pala magalit ang Ace Lacson ni Khate. Ace Lason.
” Ibalik mo na ako”
Pero nanatili ito na parang walang naririnig. Nainip na sya kaya, kaya tumagilid sya upang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit mabilis na nahablot ni Ace ang kanyang kamay at hinila sya diretso siil sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni Nice habang dama ang paghagod ng labi ng binata sa kanyang labi . At ang tigas ng dibdib nito di sapat ang pwersa ng kamay nya upang maawat ang binata. Nabaon sa bibig nito ang mahinang ungol nya bilang protesta.
May kakaiba syang nadama sa halik nito. Parang nagsusumamo na tugunan nya. Kaya di na rin nya napigilan, kusa nang tumugon ang labi nya. Mas lalo lang nitong kinabig ang batok nya at inayos ang pwesto nila. Nang di tinitigil ang paghagod sa labi nya. Parang binayo naman ang puso ni Nice, may iba sa halik nito . Pero ayaw nyang paniwalaan kaya tinipon nya ang pwersa at buong lakas iting tinulak.. Lalabas na sana sya ng..
Nice ang papa mo! Nanlaki uli ang mata nya at di nakahuma. Mabilis na inabot ni Ace ang ulo nya at pinayuko.
Nang mahimasmasan sa pagkabigla, halos ihiga na ni Nice ang ulo para di makita.
Inabot ni Ace ang maliit na towel sa compartment at itinakip sa mukha ng dalaga. Dumadagundong ang puso ni Nice sa kaba.
Huminto pa ang sasakyan ni Mang Anton ng makalapit.At kumaway ito sa binata.
“Magandang hapon Sir!”
” Magandang hapon din po tay! ”
Binisita ng prinsipe ang prinsesa? .. Haha.”
Ah, o- oho.. Musta tay?
Ok lang naman Sir.
” Ace na lang tay.. ”
Ah nasanay na ako sir,
Tay, pwede po ba tayong mag bonding sa susunod na mga araw? Mukhang feel ko pong makipag kwentuhan sa inyo. Busy kasi masyado si Papa, mapagbibigyan nyo po ba ako?.
Naku.. E naghahanap pala ng kalinga ng ama.. Haha.. Walang problema sir.. Sa restday ko
Ok po, pahingi po ng # tay! “masayang untag nito sa ama ng tinatago nyang babae.
Oh ito iho..
Ok. Salamat tay..
May kasama ka pala?
Ah kapatid ko po, nakatulog na. Sige po tay salamat!” tsaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
“Mag iingat sa pagmamaneho! “, sigaw pa ng ama ni Nice.
Nang makalayo na.. Inalis ni Nice ang mini towel. Nakita nyang nakangisi na ang hinayupak!
Muling Nagtama ang paningin nila ng sumulyap ito. Ang tamis ng ngiti nito.
“San mo ko dadalhin?”
” Yong order mo saking seafoods dati.. Ititake out natin. Mabilis lang”
“Tnx for da kiss😁”
“Hoy! Force kiss yon!”
Parang naka jackpot sa lotto ang mukha nito na mas lalong ngumisi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top