Meet Again Chapter 25


Written by: Anhellian27
Bumalik na sa court si jervey at nakita nya na may kasayaw si kyle kay humanap nya siya ng pagkakataong isayaw si ashlee.
Dahan dahan lumapit si jervey kila ashlee at para hingin ang kamay ni ashlee nang kanya maisayaw.
Jervey: Good evening sa inyo ashlee
Nagulat talaga si ashlee ng malaman nya na nasa harapan nya si jervey hindi siya agad nakasagot.si sett na ang sumagot.
Sett: Yes? Pare? Magandang gabi!
Anong atin?
Jervey: maari ko bang isayaw muna si ashlee?
Sett: Si sett naman ang hindi nakasagot sa tanong ni jervey tanging pag yingin nya lang kay ashlee ang nagawa nya at iniisip na wag sana pumayag si ashlee sa gusto ni jervey.
Nahiya naman si ashlee kay jervey kaya siya pumayag.Para sa kanya pagkakataon na din iyon para maging isang memory ang lahat dahil sa malapit lapit na din sila mag graduation at magkanya kanya ng buhay.
Ashlee: Sure why not? Tanging nsagot ni ashlee
Ashlee: sett favor naman bka makita mo si dhang pasbi nandito lang ako.
Sa isip ni ashlee pag nakausap ni sett si dhang makikita siya ni dhang na kasayaw nya si jervey kya nya sinabi kay sett na puntahan si dhang.Sumang ayon naman si sett dahil wala na siyang magawa.
Malungkot siyang umalis.
Jervey: thank you sa pag payag.
Kinuha ni jervey ang dalawang kamay ni ashlee at ipinatong nya sa magkabilang balikat nya para tuloy silang mag boyfriend ng gabing iyong.Sumang ayon ang musika sa kanilang pagsayaw.Ang hangin ay naging tamang ihip.ang mga bituin sa kalangitan ay nag sisi ningning at para bang masayang nag uusap usap ng mga gabing iyon.
Jervey: Ashlee hihingi sana ako paumanhin nung nakaraan at dina kita nakausap. Si kyle ang girl friend ko bka kasi magalit sayo at pag initan ka ng tropa nya.
Malakas na loob na pinagtapat ni jervey ang lahat kay ashlee para malaman nya ang dahilan nung mga oras na iyon.
Masakit kay ashlee ang kanyang narinig pero biglang hindi na magawang magalit o magtampo dahil sa kaharap nya...


ang taong minamahal nya kahit na lagi siyang nasasaktan.Tanging pakikinig lang ang nagawa ni ashlee ng gabing iyon at magagandang bagay lang ang tanging pumapasok sa isip at puso nya.
Ashlee: okay lang tama lang ginawa mo!
Jervey: bagay na bagay sayo lahat ngayong gabi.
Hindi napigilan ni jervey na sabihin ang mga iyon.
Ashlee: salamat.thank you kasi naisayaw mo ako kahit alam kong bc ka.
Jervey: Salamat din at naging memorable ang gabing ito.
Ashlee: jervey bka makita tayo girlfriend mo at magalit sa atun.
Jervey: hinayaan ko siya dahil alam kong may iba na siyang nagugustuhan at hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang mga bagay na iyon.
Napaisip si ashlee sa mga sinabi ni jervey.
Iniba ni jervey ang puwesto ng kamay ni ashlee dahil nag blublush na siya.Biglang hinawakan ni jervey ang isang kamay ni ashlee.patuloy pa rin angnpag sayaw nila habang nag uusap sila.
Nag sisismula na naman mangarap si ashlee ng mga panahong iyon.
Biglang nawala ang lahat ng tao at silang dalawa na lang ang naiwan ng mga gabing iyon.patuloy ang pagtugtog ng musika at patuloy ang kanilang pag sayaw ang mga ibong ay nag si punta sa gilid ng bakod at ang mga paru paro ang nagsipuntahan sa damit ni ashlee na para bang naging design ng kanyang gown.
Biglang naging malapasyo ang kanilang sinasayawan at ang musika ay kinukumpasan ng mystro at nilalapatan ng mga orchestra.punong puno ng pag mamahalan na pilit pinipigilan ang gabing iyon.
Tahimik lang silang nagsasayaw tanging ang mga mata nila ang nangungusap sa isat isa na gustong sabihin ang kanilang mga saloobin at nais iparating.
Nilapit ni jervey ang sarili kay ashlee at biglang kinabahan si jervey dahil sa walang kakurap kurap mata ni ashlee na nakatingin sa kanya.Hindi alam ni jervey na nag iimagination na naman si ashlee.
Mahal na kita ashlee! Parng awa mo na sa akin ka muna lahit isang gabi lang para maparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Yan ang sabi ng puso’t isipan ni jervey habang nakatingin din kay ashlee.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top