MR. PLAYBOY AND MS. BROKEN HEARTED
CHAPTER 1
” ANNA ” Napa bangon ako sa higaan ng marinig Kong sigaw ni mama sa pintuan ng kwarto ko.
” PO”
” BUKSAN MO NGA ITO” Sigaw niya at kinakatok ang pintuan
” Bakit Po?” Tanong ko ng mabuksan ko Ang pinto at kinukusot Ang mga Mata dahil kagigising ko Lang.
” hoy hindi kaba papasok sa school niyo?”
Doon ko Lang naalala na may pasok pala ako.
” Alas dies na ” Sabi Ni mama
” ANO?” Sabi ko at tumakbo para kunin Ang tuwalya ko at pumunta sa baba para maligo.
” Oh Yan Hindi mo Alam paano Kasi palagi Kang puyat kanonood ng mga k-drama ” sigaw nito, Hindi ko na Ito pinansin dahil nakapasok na ako sa banyo.
Nakakainis Hindi ko man Lang narinig Yung alarm ko.
” Kukunin ko na Yung portable, Yan kasi Ang palagi mong pinagpupuyatan” narinig Kong Sabi Ni mama ng nakalabas ako ng banyo.
Hindi ko nalang pinansin dahil nagmamadali ako.
Hindi nila talaga ako masisisi dahil adik ako sa mga k drama, dahil naiimagine ko na ako ang bidang babae sa pinapanood ko Kaya nga palagi akong kinikilig at Yun nga napupuyat ako.
” Hoy bakit absent ka ng first class?” Tanong saakin ni rose
Nang Makita nila ako na nasa room na.
” Hinahanap ka kanina ni charlie sa canteen” inis na Sabi ni rose na halatang ayaw nila sa boyfriend ko.
” Nasa canteen parin ba siya?” Tanong ko
” Oo” Sagot nila na Parang naiirita.
” Sige puntahan ko Lang siya” Sabi ko may 10 minutes pa Naman bago mag second class.
Nakita ko Ang boyfriend ko si charlie kasama Ang mga barkada niya at meron din mga babae, Kaya minsan nag aaway kami ni charlie dahil nagseselos ako sa mga baabeng kasama niya Lalo na si karla na Kung makadikit sa boyfriend ko.
Lumapit ako sa kanila na masayang nagtatawanan Ang mga kasama niya.
” Charlie” tawag ko nakita Naman niya ako
” Annaline ” Sabi nito at tumayo para lapitan ako
” Kanina pa Kita hinahanap, saan ka pumunta kanina?” Tanong nito
” Late ako ” Sabi ko
” Kumain kanaba?” Tanong nito
” Hindi pa eh!”
” Sige sabay na tayo, ok Lang ba na Dito Tayo sa mga barkada ko?” Tanong nito
” Sige ” Sabi ko, Kaya Naman pinaupo niya ako sa upuan niya kanina.
” Anong gusto mong kainin, order ako”
” Burger at pansit tapos soft drinks nadin” Sabi ko
” Ok” Sabi niya at pumunta na sa counter.
” Grabe Ang suwerte mo anna Kay Charlie Napaka gentleman niyang Tao” Sabi ng isang babae na kasama nila na Hindi ko Alam ang pangalan.
Nakita Kong napangisi si karla na Parang nag seselos.
” Oo Naman Kaya Hindi ko na Yan papakawalan” diin Kong Sabi at tinignan si karla nakita Naman Niya ako at nakataas Ito ng kilay, Alam ko kasing gusto niya Ang boyfriend ko Kaya Naman malandi siya buti nalang Hindi siya pinapatulan ng boyfriend ko.
Kung matapang siya puwes mas matapang ako sa kanya dahil pwede akong manapak Kung gugustuhin ko dahil Ang kamay ko ay deretsyo Ang hugis nito Kaya nga sinasabi nilang demonyo Ang kamay ko dahil rapas Ito.
Hindi Kasi kami mag ka course ni charlie ang kinuha Kasi nito ay engineering at ako Naman ay business management.
” Ito na” Sabi saakin ni charlie at binigay Ang pagkain saakin umupo siya sa tabi ko.
” Salamat” Sabi ko at kumain na Hindi narin Kasi ako kumain sa bahay dahil sa pagmamadali ko kanina.
” Ah Anna pag katapos ng class namin may pupuntahan kami mamaya, mag group study kami sa bahay nila anjo” paalam nito saakin.
” Ah oo sige , Basta grupo study Lang” Sabi ko
” Oo Naman, pasensya na Hindi na Kita maihatid mamaya” Sabi nito
Tumango Lang ako, masaya ako dahil sinasabi niya saakin Kung saan siya pupunta.
Pag katapos ng meryenda ay hinatid ako Ni Charlie sa room.
” Sige Kita nalang uli Tayo bukas ” Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi saglit at Umalis na.
” Uyy Anna sama ka mamaya saamin” Sabi Ni donita ng makaupo ako.
” Saan?”
” Sa bar mamayang gabi, may bagong open Kasi sa tabi ng pinag ta trabahuan ni rose tutal Naman weekend bukas”
” Kayo nalang” Sabi ko
” Ay sayang naman, balita ko nga maraming customer na mga gwapo Lalo na mga foreigners kahapon”
” So?”
” So, pupunta Tayo Malay mo naman makahanap Tayo ng mayaman’ Sabi nito
” Tss libre mo ba?”
” Si rose daw mag lilibre saatin at siyaka may mga Korean daw Doon, diba mahilig ka sa drama?”
” Hoy kahit mahilig ako sa k drama ay may boyfriend parin ako” Sabi ko
” Tss mukha Naman manloloko ” Sabi nito
” Wag Kang magsalita ng ganyan, honest Kaya Si Charlie ko” Sabi ko pansin Kong ayaw nila sa boyfriend ko hindi Kasi nila Alam na mabait siya at maasikaso.
” Talaga eh bakit palagi silang magkasama ni Karla at siyaka napapansin namin Iba Ang tingin ng boyfriend mo sa Karla na Yun” Sabi niya
” Anong oras?” Tanong ko para maiba Naman Ang usapan.
” Mga 8pm tayo punta” si rose ang sumagot
” Talagang himala at nag libre ka” Sabi ko
” Siyempre Naman andami ko kayang tips kagabi ” Sabi nito
” Sige sama ako” Sabi ko, ganyan ako pag libre wala talaga akong inaatrasan sayang naman.
Nagdahilan ako Kay mama na mag group study kami at mag sleepover kami kali Donita dahil Yun Naman ang totoo mag sleepover kami pero dun sa gruop study ay kasinungalingan Yun. pumayag Naman agad si mama dahil nagtitiwala siya sa mga kaibigan ko.
Doon din kami nila Donita nag palit Ng mga damit namin na dress Yung talagang party dress talaga
” Wow Ang ganda nga dito sa bagong bar” manghang Sabi ni Donita
Ganun din ako dahil maganda nga dito at talaga modern ang pagkatayo nakakahiya nga Parang mayayaman Lang ang welcome dito, Hindi Naman kami mahirap sakto Lang Naman may medyo maliit Lang kaming super market mga groceries. Si rose Naman may flower shop Naman sila siguro tatlong pwesto na Ang meron sa kanila mahilig Kasi Ang mama niya Sa bulaklak Kaya Naman rose Ang pinangalan sa kanya pero bilib ako sa kanya dahil nag ta trabaho siya sa Gabi Kung Baga pinaghirapan niya Ang pera na ginagastos niya Kung tutuusin may Kaya Naman sila pero gusto niya Kasi paghirapan ang mga gusto niya Kaya proud ako sa kanya. Si Donita Naman may parlor sila at may maliit na restaurant mga...
Ganda sana ng kwento kaso may SPG ayaw ko po ng ganon
Ganda po ng story