MY AMNESIA WIFE CHAPTER 2


🥀CHAPTER 2: Memories🥀
Pagkatapos makipaglaro ni Alliyah kay Charlene ay agad din siyang umalis sa kwarto nito. Nakatulog na din kasi ang bata. Hindi pa rin siya makapaniwala na anak niya yon.
“Yaya pwede po bang magtanong?” magalang niyang sabi sa katulong na kanyang nakasalubong.”Oo naman po Ma’am ano po ba yon?” Ngiting sabi sa kanya ng kasambahay.
“Sino po si Carla?” Diretsahan niyang tanong at hindi na nagdalawang isip pa. Hindi ito agad makasagot. Wala naman masaya sa itinanong niya eh.
Nagtaka siya ng makita niya itong nakatingin sa pintuan ng mansyon. Para kasi itong nakakita ng multo. Paglingon niya nakita niya dun ang isang babae.
“Alliyah?” Kinakabahan ang babae ng makita siya. Maganda ito pero siyempre mas maganda siya. Ewan niya ba pero hindi niya gusto ang pagmumukha nito.
“Kilala mo ko?” balik niya naman sabi dito. Nagtaka naman ito sa inasal niya. “Of course I’m your best friend” masayang ani nito pero alam niyang parang namamaslastic lang.
“Best friend daw pero inahas si sir Marco.” Rinig niyang bulong ng katulong. “Yaya may sinasabi ka ba?” Agad naman itong umiling at umalis doon.
“So Alliyah kailan ka pa nakabalik?” OMG baka ito yung Carla. Wala lang pakiramdam niya lang. Isang tingin pa lang mukha wala na itong gagawin mabuti.
“Sino ka pala?” Kumunot naman ang noo nito. “What? Are you joking? As what I said I’m Carla you’re best friend.” Ngiting ani nito.Gusto niya itong palayasin sa mansyon na yon sa di malamang dahilan
“Tita Carla what are you doing here? Get out of our house! You’re not welcome in here!” sigaw ni Charlene. Mukhang nagising ang bata dahil nawala siya sa tabi nito.
“Ohh come on Charlene you know naman na I’m always welcome in here.” Mapang-asar pang ani nito sa bata at Mukhang iniinis.
“No your not! So get lost! Baka masaktan na naman si Mommy ko dahil sayo! You’re a whor* inaagaw mo si daddy!” sigaw ng bata ikinagulat niya naman.
“Shut up you spoiled brat child!” sigaw pa nito bata. Napakasama naman ng ugali ng Carla na ito. Pati bata pinapatulan. “Wag mong sinisigawan ang anak ko”
Yun na lang ang lumabas sa bibig niya. Mukhang naman medyo natakot ito. “Ma’am Carla umalis na po kayo dito baka dumating pa po si sir Marco at kaladkarin kayo palabas.” Sabi ng katulong na kadadating lang kapagkuwan ay ngumiti ito sa kanya.
Wala na naman itong ginawa kung hindi ang umalis pero masama ang tingin nito sa kanila.” Mang-aagaw, gold digger b*tch ,hindi naman maganda.Illusyonada. “Rinig niya pang bulong ng katulong habang nakatingin sa papalayong bulto nong Carla.
” Ma’am sinaktan ba kayo ng babaeng yon? “sabi ng kasambahay ng makalapit sa kanya.
Agad naman siyang umiling.” Mommy naaalala mo na ba ko?” tanong ng bata sa kanya. Bigla namang may mga alaalang sumagi sa kanyang isipan.
” Happy Birthday baby ko love ka ni Mommy! ”
” I love you more Mommy! You’re the best mom in the world”
“Charlene baby asan ka na? May dala kong gift para sayo!”
“Mommy I’m here! Wow new toys na naman! Thank you po I love you po talaga.
” Mommy bakit ka umiiyak? Stop crying na po. Andito naman po ako eh. Hindi ko po kayo ipagpapalit.
“Nag-aaway na naman kayo ni daddy? Dahil po ba kay Tita Carla?Mommy don’t worry ikaw lang ang love ko.”
“Mga hay*p kayo! Anong ginawa ko sa inyo para gawin niyo sakin toh? Tinuring kitang kaibigan Carla at hindi lang Basta kaibigan kundi matalik na kaibigan. Paano mo nagawang ahasin ang asawa ko?!”
“Hindi ko kasalanan kung ayaw na ni Marco sayo. Because your boring! Walang wala ka kumpara sa akin! Wala kang kwenta.”
“Wife I can explain. I love you ikaw lang ang Mahal ko.”
“Hayaan mo na ang kaibigan kong yan Marco. Alliyah is just a boring wife. I’m more better than her specially in bed.”
“Wag mo kong hawakan! Nandidiri ako sayo! Sa lahat ba ng pwede best friend ko pa talaga? Ang babab*y niyo! Sinusunog na ang mga kaluluwa niya sa impyern*!”
“Wife walang namamagitan samin. Ikaw lang ang Mahal ko. I love you so much. Hindi kita magagawa ng lokohin.”
“Ohh come on Marco just tell her the truth. Oo Alliyah merong kami! Kasalanan ko ba na ayaw na ng asawa mo sayo at gusto niya sa akin?!”
“Shut up Carla! Just leave my house! Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa isang katulad mo.”
“Tandaan mo to Alliyah wala kang kwenta. Wala kang kwentang asawa! Hindi kayo bagay ni Marco at darating din ang araw na mapapasakin siya.”
“Mommy san ka pupunta? Iiwan mo na ba kami ni daddy? Mommy sama mo na lang ako sayo! Mommy wag kang umalis! Mommy dito ka lang please....


Wag mo kong Iwan. Mommy!!!”
“Ahh!!!!!. Sigaw niya. Hindi niya nakontrol ang kanyang pagmamaneho kaya bigla na lang bumangga ang sinasakyan niya sa isang puno.
” Charlene anak ko mahal na mahal kita . Pasensya na baka di mo na ulit makita si Mommy.”Halos pabulong niya ng sabi bago mawalan ng malay.Malakas ang pagkakalsalpok ng kanyang ulo.
Dahil sa mga alaala ng iyon sumagi sa kanyang isip. Bigla na lamang sumakit ang kanyang ulo.Tila bumalik na agad ang lahat ng alaala niya. ” Mommy, are you okay?”Malambing na tanong nito sa kanya. Mabilis niya naman itong niyakap.
” Ang baby ko. “sambit niya habang yakap ito.” Mommy!naaalala mo na ko! You remember me na. “Tuwang tuwang nitong ani. Naramdaman niya na lang may mga luha ng tumutulo mula sa kanyang mga mata.
” Ma’am Alliyah nakakaalala na po kayo? Ako po natatandaan niyo? Ako po si Zayra. “sabi sa kanya ng katulong.” Oo naman ikaw pa ba. “sabi niya sabay ngiti.” Yieee! Hindi na ulit aalis si Mommy! ”
” Ang malanding babaeng yon lang pala ang makakapagpabalik ng mga alaala niyo. “Sumama naman ang timpla ng mukha dahil alam niyang si Carla ang tinutukoy nito.
” Wag niyo muna tong sasabihin kay Marco. Magpanggap na lang kayo na may amnesia pa rin ako.”Sapat na ang dalawang taon na pagkawala ng mga alaala niya. Panahon na para gumanti siya sa mga taong nanloko sa kanya.
“Okay ma’am, okay Mommy” sabay na sabi ng dalawa at pareho pareho silang ngumiti at nagtawanan. Bumalik na ang dating Alliyah.
Kinagabihan umuwi na ang asawa niya. Parang kanina lang ay itinatanggi niyang asawa niya ito. Yun pala asawa niya talaga! Manloloko! Pero siyempre magpapanggap pa rin siyang walang maalala.
“Wife what are you doing here?” tanong nito ng makita siyang nag-aantay sa labas ng pintuan. “Hinihintay ka inaantay ka na din ng anak mo.” Walang emosyong niyang sabi dito.
“Anak natin.” Apela nito. Napairap na lang siya sa hangin.Akala siguro nito madadaan siya sa paganon ganon.
Siguro nagkita na naman ito at ang Carla na yon. Hindi niya na ito kaibigan! Wala siyang kaibigan ahas! At asawang maland*!
“Ma’am Alliyah luto na po yung piniritong tuyo niyo.Pwede na po kayong kumain.” Thank you Yaya.”ngiti niyang sabi. Pagkatapos ay umupo na.
” Wife your going to eat that?”tanong ng manloloko niyang asawa sa kanya. Nginitian niya lang ito. Yun bang nang-aasar.
” Mommy, masarap po ba yan?”masayang ani naman ng anak niya. At Mukhang gusto rin kumain ng tuyo. Ngumiti na lamang siya at pagkatapos ay tumango.
“Charlene your not going to eat that.” sabi ng epal niyang asawa. Siyempre alam niya kung ano ang makakabuti sa anak niya este anak nila!
“Bakit mo pinipigilan mo ang bata ehh yun ang gusto?” Pataray niyang sabi.
“Wife hindi ka nga kumakain niyan dati tapos papakainin mo ang anak natin.” Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Tumigil lang naman siya sa pagkain non dahil dito! Kasi nag-asawa siya ng maarte at pihikan sa pagkain! Paborito niya pa nga yon eh!
Sa huli ay wala rin itong nagawa. Sarap na sarap silang mag-ina habang kumakain. At ang pesteng asawa niya naman at mukhang naweweirduhan na.
“Tara baby movie marathon tayo.” pag-aaya niya. Agad naman itong narinig ng asawa niya. “Sige Mommy gusto ko po yan!” Mukhang nakikisama ang anak niya sa pag-arte.
“hinde pwede! kailangan mong matulog ng maaga Charlene. Malapit ka na ulit pumasok sa school.” pagtutol na naman nito. Panira talaga ng kaligayahan. Napakaepal.
“Sige baby bukas na lang sumunod ka sa daddy mo.” malambing niyang sabi sa anak at niyakap ito pagkatapos ay hinatid sa kwarto.
“Hoy Mr ano anong ginagawa mo dito?” tanong niya dahil nakita niya itong pinapanood siya habang pinatutulog niya ang anak nila.
“I’m waiting for you. “sabi nito at ngumiti pa talaga.” At bakit naman? “taas kilay niyang tanong.” You’re going to sleep with me. “Agad na sagot nito.
” Asa ka! Dito ko matutulog sa kwarto ng bata! “kunyari ay inis niyang sabi kaya natawa naman ito. Pero imbes na natawa ay galit ang nararamdaman niya rito.Akala siguro nito wala pa rin siyang maaalala!
Kung dati siya ang pinagmukha nitong t*nga ngayon siya naman ang gagawa ng paraan para ito naman ang magmukhang t*nga. Ang dalawa ni Carla!
Kung dati siya ang nasaktan ngayon sisiguraduhin niyang ito naman!Tutal ito rin naman ang dahilan kung bakit siya nagkaamnesia noon!
Pero wala itong kaalam alam na bumalik na ang lahat ng alaala niya.Sisiguraduhin niyang hindi nito mahahalatang makakaalala na siya.Baka maawardan pa siya ng FAMAS bilang best actress!Because she is the best.
A/N:Magulo po ba?😪So yown lang ano pong masasabi niyo? 😂Kung naguguluhan po kayo tanong na lang po kayo sa comment section😂Chapter 2 updated! ❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top