MY AMNESIA WIFE CHAPTER 4


🥀CHAPTER 4:The Wife Vs.The Mistress🥀
Dumating ang gabi at nakauwi na ang asawa niyang si Marco. Mabuti na lang talaga at maaga siyang nakapagluto.
Mukhang pagod ito sa pagtatrabaho at sa pangbabae. Baka nagkita pa ito at ang ahas niyang kaibigan na si Carla!
“Yey si Mommy ulit ang nagluto!” tuwang tuwang sabi ni Charlene nong kakain na sila. Napakabibo pa rin talaga ng anak niya.
Nahuli niya naman nakatingin ang lalaki sa kanya. Hindi niya alam pero agad niya itong ngitian. Napaiwas naman ito ng tingin.
“Charlene you should finish your food.” Paalala nito sa anak nila. Siyempre mauubos yun ng anak nila. Siya nagluto non eh!
“Mommy di ba magmamall tayo nila Tito Mike bukas? I’m so excited na po!” Nakita niya namang kumunot ang noo ng kanyang asawa.
“What?Pumayag ka, wife?” Tanong nito at tinuon ang atensyon sa kanya. Gusto niya itong irapan pero kailangan niyang manatiling mabait.
“Wala namang masama don maggagala lang naman kami at kapatid mo naman yon.” Simple niyang sagot.
“Oo mga daddy brother mo naman siya ehh at super nice siya sa amin ni Mommy.” Ngiting sabi ng anak nila.
“No you two were not going out with him! Ako ang kasama niyo bukas.” Muntik niya na siyang masamid sa iniinom niyang tubig dahil sa sinabi nito.
“Talaga daddy? Yey family time wala ka pong work bukas!” Mahihimigan ang saya sa boses nito. “Okay ikaw masusunod.” Sabi niya na lang.
Ang mga kasambahay na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan. Dapat siya na pero pinigilan siya ng kanyang asawa
“Mommy dito ka ba ulit magsleep?” Tanong ng anak niya.Nakahiga na ito sa kama at binabantayan niya.
“Gusto ko sana.Pero paano si daddy mo?” Gusto niyang masuka sa kanyang sinabi. Wala naman talaga siyang pakialam sa lalaking yon!
“Sabi ko na po eh namiss niyo rin siya. Sana po maging ayos na po kayo. Ikaw lang naman po ang love ni daddy at hindi si tita Carla.”
Gusto niya iyong paniwalaan dahil anak nila ang nagsabi. Pero sadyang kay hirap dahil kung talagang mahal siya nito dapat hindi siya niloko.
” O sige na baby sleep ka na.”Hinalikan niya muna ito sa noo bago siya lumabas ng kwarto.
Dumiretso siya sa kwarto nila. Wala doon ang asawa niya. Well she knows Marco kaya sa bahay nila dinadala nito ang trabaho.
Naabutan niya ito sa kusina at doon ito gumagamit ng loptop. Dagan dahan siyang naglakad palapit at nagkunwaring may kukunin lang sa ref.
“How are you?” Tanong nito sa kanya. Gusto niyang sabihin na okay na siya na wala na ang sakit na dinulot nito sa kanya ngunit hindi pwede. Dahil masisira ang pagpapanggap niya.
“Okay lang naman. Ikaw ok ka lang ba?” balik niyang tanong dito. Binigyan lang siya nito ng nagtatakang tingin.
“Are you mad at me?” Titig na titig ito sa mga mata niya. Gusto niya itong sigawan pero di niya magawa. Pagkatapos siya nitong lokohin, tatanungin kung galit ba siya.
“Bakit naman ako magagalit sayo? Asawa kita diba? Kaya walang dahilan para magalit ako sayo.” Kalmado niyang saad.
Aalis na sana siya doon pero nahawakan nito ang kamay niya.Nagdulot iyon ng libo libong boltahe sa katawan niya.
“May gusto ka ba sa kapatid ko?” Diretsahan nitong tanong sa kanya. Parang may kung ano sa boses nito. Imposibleng namang magselos ito sa kapatid nitong si Mike.
“Huh? Sinong kapatid? Yung lalaki kanina? Mas gwapo ka don.” Totoo namang mas gwapo ito kay Mike. Pero at least si Mike hindi manloloko.
“Bakit di ka pa natutulog kasama ang anak natin?” Hinila nito ang braso niya kaya napaupo siya sa kandunngan nito.
“Sino bang may sabing doon ako matutulog?” Pilit niyang pinasweet ang kanyang boses.”Then where will you sleep?”Nakayakap ito sa bewang niya.
“Edi kasama sa kwarto natin. Kasama ka. Mag-asawa tayo diba.”Gagawin niya ang lahat para mahulog ulit ito sa kanya. As in lahat lahat.
Hindi naman ito nakaimik. Naramdaman niya na lang na hinahalikan nito ang balikat niya. Mabilis siyang tumayo at bahagyang lumayo dito.
” What? ” May halong iritasyon nitong tanong. Kaya siguro ito nakuha ng mal*nding Carla na yon. Mukhang gusto siya nitong makuha.
“Inaantok na ko. Tutulog na ko.” Sabi niya at dali daling umalis doon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang may humahabol sa kanya.
“Sh*t ang g*ga mo Alliyah siya dapat ang mahulog at hindi ikaw sa kanya.” Bulong niya sa sarili habang nakasandal sa pinto ng kwarto.
Humiga na siya agad sa kama at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman niya na lang na may brasong yumakap sa kanya. Nagpalamon na lamang siya sa antok.
” Mommy wake up! Mommy! Mommy! “nagising siya dahil sa matinis na boses na iyon ng kanyang anak. Umaga ba.
” Goodmorning baby!”bati niya dito.Niyakap naman siya nito ng mahigpit. Mukhang sobrang excited dahil gagala sila.
” Mas maganda ka pa sa morning Mommy. Bihis ka na po. Magmamall po tayo nila daddy remember? “Tuwang tuwa nitong sabi.
Tinignan niya ang oras sa oras. Tanghali na pala! Mukhang napasarap ang tulog niyo. Rinig niya naman ang mahihinang tawa ng kanyang anak.
Dali dali siyang nagpunta sa banyo. Mabilis siyang nakapili ng damit na isusuot and she make sure that it suits to her.
“Wow Mommy you’re so pretty talaga like me!” Napangiti na lang siya sa kanyang narinig. As always she is beautiful.
“Wife ang ikli ng suot mo. You must change that.” Reklamo nito ng makita siya. Kaya napatawa na lang ang tatlong katulong nila.
” Hinde naman! Kaysa sa Carla mo kita ang Cl*avage” pabulong niyang sabi. “Wife are you saying something?” agad naman siyang umiling.
Sa loob ng sasakyan nasa...


gitna nila si Charlene. Mukhang masaya ito na nakikitang ayos na sila.Mabilis nilang narating ang mall.
Una muna ay naglibot sila. Nagshopping.Pinaggames ang anak nila. Gusto nga nitong ibili siya ng mga damit ngunit hindi siya pumayag.
“Omyg so the wife is back? Alliyah how’s you ayos na ba kayo ulit? Oops oo nga pala wala kang maalala.”
Mukhang pinagtatagpo talaga ang mga landas nila ng tadhana. Nasa mall din na yon ang ahas niyang dating kaibigan na si Carla.
“Hey w*tch wag mong ganyanin ang Mommy ko.” Sabi ng anak nila dito.
“Tumahimik ka bratty child! Ang epal mo katulad ng Mommy mo!”
Nakita niya na lang nakakuyom ang kamao ng asawa niya.
She knows Marco. Maikli ang pasensya nito at nakakatakot magalit. “Carla just gell the h*ll out and leave us alone.” Inis nitong saad kay Carla na ngumisi lang.
“And why would I do that? Dont you miss me love? Kaya kong ibigay sayo ang hindi kayang ibigay ni Alliyah.”Wika nito sabay tingin sa kanya.
” Hoy babae ka! Kanina pinalagpas ko yung pagsigaw mo sa anak ko pero yung harap harapang ahasin ang asawa ko. Sobra na ata! ”
Tinaasan lang siya nito ng kilay.
” Bakit may magagawa ka? Ehh wala ka ngang maalala. You’re a loser and an ugly wife!” Sigaw nito sa kanya.
Kaya mabilis niya itong sinampal at hindi lang isa kung hindi dalawa. Yung sampal na halos tatabingi ang mukha nito.
“How dare you!” galit nitong sigaw. Gagantihan na sana siya nito pero may humawak sa braso nito at ang asawa niya yon.
“Gosh Marco! Your wife nanakit siya.I cant believe that once were best friends.” Angal pa nito sa asawa niya.
“Hurt her once then I’ll hurt you thrice. Saktan mo na lahat Carla wag lang ang asawa ko.” Sabi nito at pabalyang binitawan ang braso ni Carla.
Gusto niyang matawa dahil napahiya ito doon. Wala naman palang ibubuga.
Narinig niya naman ang tawa ni Charlene. Mukhang natatawa ang anak nila kay Carla.
” Hindi pa tayo tapos! “sigaw nito bago umalis doon.Kaya napatawa na lang siya ng malakas.
May mga nagvideo pala sa kanila at kung nagkataon na kumalat yon si Carla ang sobrang napahiya.
Akala siguro nito ay magpapatalo siya! Masyadong makati at mal*ndi. Isa ito higad girl!
” This is b*llshit! F*ck you Alliyah! F*ck you! Bw*sit ka! Bakit bumalik ka pa!” hiyaw ni Carla. Pabalya nitong sinarado ang kwarto.
” Carla,anak ano bang nangyayari sayo?” Sigaw ng ina niya sa labas ng pintuan. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Wala siya sa mood para makipag-usap.
“Akin na dapat siya eh! Bakit bumalik ka pa?! Sana namatay ka na lang! P*ste ka talaga.” Sigaw niya habang pinagbabalabagan ang mga unan sa kanyang kama.
“Carla! Buksan mo nga itong pinto. Ano itong nakapost sa pisbok?!” Sigaw pa ng nanay niya sa labas ng kwarto niya kaya hinarap niya na ito.
“Kyahh!!!! P*steeee!” sigaw niya dahil nakapost na ang video nila ni Alliyah na nag-aaway. Kitang kita doon kung paano ito ipagtanggol ni Marco.
And my hashtag pa talaga na “The Wife Vs. The Mistress.”at siya ang pinagtatawanan ng mga tao. Parang gusto niyang sumabog sa galit!!!
” Mike. “pagtawag sa kanyang ina. Alam niya namang hindi siya ang paborito nito kung hindi ang kuya Marco niya.
” What is it mom? “Tanong niya rito. Mukhang may hihingiin na naman itong pabor sa kanya.
” You should help your brother.”Agad na sagot nito. Alam na alam niya na ang mga ganitong senaryo.
” Kanino mom? Na magkaayos ulit sila ni Alliyah? “May halong iritasyon niyang sabi.
” Alam mo kung gaano kamahal ng kuya mo ang asawa niya.”Mahinahon nitong sabi. Well his older brother was the favorite son.
” F*ck that reason mom! Kung mahal niya dapat hindi niya niloko! Dapat hindi siya nagpaakit sa Carla na yon!”
” Wag mo kong mataasan ng boses.Bakit ba ayaw mo silang tulungan na maging maayos ulit?!”
“Ayaw ko lang masaktan ulit si Alliyah and besides hindi na talaga nila mahal ang isat isa.”Kalmado niyang saad.
“Just admit it. Gusto mo na si Alliyah. Gusto mo siyang maagaw sa kuya mo?” Inis na sabi nito.
“Tigilan mo yang kahibangan mo Mike. May anak na sila. Isipin mo naman si Charlene. Isipin mo ang pamangkin mo. Ang apo ko!”
Agad itong umakyat at iniwan siya sa living room. Sobra siyang naiingit sa kuya Marco niya dahil nakukuha nito ang lahat ng ganun kadali lang.
All does he wants ay maging masaya si Alliyah pero alam niyang kahit ano pang sabihin nito sa kanya ang kuya pa rin niya ang mahal nito.
Sa mga mata ng mga tao Alliyah and Marco lang ang pwede isama pa sa picture ang pamangkin niyang si Charlene. Wala na talaga siyang pag-asa.
Ng makauwi sila sa mansyon. Walang imikan. Dahil sa nangyari. Bw*sit talaga ang Carla na yon. Ayon nakarma kalat na tuloy ang mukha sa Internet.
“Wife, look at me.” utos nito sa kanya. Ayaw niyang gawin ang sinasabi nito. Kumukulo ang dugo niya dito dahil kay Carla!
Didiretso na sana siya sa Cr pero niyakao siya nito ng patalikod.Ramdam niya ang pagtama ng hiningi nito sa kanyang leeg.
“Ano ba? Magbibihis na ko!” Iritado niyang sabi. Iniharap siya nito dito. Nagtama ang mga paningin nila. Iba ang mga titig nito sa labi niya.
Mabuti na lang at tulog ang anak nila sa kwarto nito. Magsasalita pa sana siya.Pero bigla siya nitong sinunggaban ng halik.
Naramdaman niya na lang na natanggal nito ang pagkakazipper ng kanyang damit. Hindi iyon parte ng plano niya! “Sh*t ang rupok mo Alliyah, bulong niya sa kanyang isip.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Nasan na po ung chapter 5?

Leave a Reply


top