MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 10


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 10
.
Parang tumigil muli ang mga mundo nila Alvin at katelyne sa mga sandaling iyon, nagulat sila ng maramdaman nilang may mga matang nakatanaw sa kanila.
.
Abby : ehem..
.
Mabilis na tumayo si Katelyne, at ganun din si Alvin.
.
Abby : sir Alvin, pasensiya na po, hindi ko po kayo gustong abalahin—-.
Alvin : ah..eh, may kailangan ka abby.?
Abby : sir pupunta na po ako sa palengke, bigyan nio na po ako ng pamalengke ko..(nakangiti niyang sabi)
.
Natataranta si Alvin, hindi niya alam kung ano ang gagawin, at si Kate naman ay di niya tinitingnan si Abby, nahihiya siya sa kaibigan, alam niyang uulanin siya ng tukso nito..at nang maibigay ni Alvin ang pera kay Abby ay umlis na din ito, naiwan ang dalawa na nagkakahiyaan.
.
Alvin : o-okay ka lang ba Kate? Wala bang masakit sayo?(nag-aalala niyang tanong)
Kate : w-wala, okay lang ako, ikaw baka nasaktan ka.
Alvin : hindi walang masakit sakin, sigurado ka ha na walang masakit sayo.
Kate : oo wala talaga.
.
Hindi makatingin ng diretso si Kate kay Alvin, para na namang hibang ang pakiramdam niya, dahil mula ngayon ay parang ramdam pa niya ang mga labi ni Alvin sa mga labi niya.
.
Alvin : halika sa baba mag-kape tayo.
Kate : sige, pero maghihilamos muna ako.
Alvin : sige hintayin na lang kita sa baba.
Kate : oo.
.
Mabilis na pumasok si Kate sa kwarto niya, at duon niya binuhos ang kanina pang damdamin sa labis na kilig na nararamdaman, nagtatalon siya sa tuwa, sa unang pagkakataon talaga ay umibig ang puso niya sa kanyang Knight in shining armour..
.
Kate : oh Alvin, I love you!!! (Sigaw ng puso at isip niya)
.
Pagbaba ni Kate sa kusina ay naroon si Alvin na nagtitimpla ng kape, hindi alam ni kate kung paano siya kikilos, hindi alam ni Alvin na naroon na si Kate kaya napagmasdan ni Kate si Alvin. Nakita pa ni Kate si Alvin na pangiti ngiti ito, at hanggang sa nagkubli pa siya sa may Kabinet upang hindi pa siya mapansin ni Alvin, ngunit sa di inaasahan ay nasagi niya ang vase na nakapatong sa ibabaw ng kabinet.
.
Alvin : kate!!!
.
Mabilis na nagpunta si Alvin kung saan ay narinig niya ang pagbasag ng vase..
.
Kate : sorry!!!(nag aalala niyang sabi)
.
Nahiya siya si kate dahil nakabasag siya ng kagamitan.
.
Alvin : kate, okay ka lang ba, hindi ka ba nasugatan?(nagaalalang tanong)
Kate : hindi naman, kaya lang nabasag ko yong vase mo.(nahihiyang sabi)
Alvin : ayos lang yan, ang mahalaga hindi ka nasaktan.
Kate : sorry talaga, lilinisin ko muna.
Alvin : hindi, ako na ang bahalang maglinis.
.
Si Alvin ang naglinis ng mga bubog, hiyang hiya naman si Kate sa binata, at habang pinagmamasdan ni kate na naglilinis si Alvin ay di niya mapigilang mapangiti dahil sa nakikita niyang pag aalala ni Alvin sa kanya.lalo tuloy nahuhulog ang loob niya sa binata.
.
Alvin : ayan okay na.
.
Nagkakape na sina Kate at Alvin, pinakakalma ni Kate ang sarili dahil kailangan niyang kumilos ng normal sa harap ni Alvin, at habang nagkakape sila ay nag usap silang dalawa, at noon na isiningit ni Kate ang pagkakatulig niya sa tabi ni Alvin.
.
Kate : ahm alvin yong tungkol kagabi–
Alvin : ha, may nangyari satin kagabi?(pabiro niyang sabi)
Kate ; wala ah!!(mabilis niyang sagot)
Alvin : akala ko may nangyari na satin kagabi, kundi ngayon mismo magpapakasal tayo.
.
Sa sinabi ni Alvin ay Pinamulahan ng mukha si kate..
.
Alvin : biro lang, ikaw naman sineryoso mo naman..
.
Kinilig si Kate pero napalitan iyon ng dismaya, nagbibiro lang daw pala ito sa kanya, hanggang sa pag uusap nila ay nag ring ang telepono ni Alvin, kaya iniwanan ni alvin si kate sa kusina, nag isi si kate ng pwede niyang gawin sa oras na yun, kaya nasumpungan niyang magluto ng almusal nila, binuksan niya ang ref ngunit wala nang stock, pero madaming mga left over food sa ref, kaya pinaglalabas niya iyon at niluto niya ng panibago, ang left over na food ay napasarap pa niya, samatala naman si Alvin pagpasok niya sa kusina ay kumalam ang sikmura niya.
.
Kate : hi, malapit ng maluto yong breakfast.
Alvin : mukhang masarap yang niluluto mo ah.
Kate : oo naman.
Alvin : wala na tayong stock ah, san ka kumuha ng iluluto.
Kate : madaming tirang ulam, yun yong niluto ko.
Alvin : ganun ba.
.
Naroon na naman ang presensiya ni Alvin kaya medyo natataranta si kate.
.
Alvin : may maitutulong ba ako?
Kate : ah, maupo ka na lang diyan dahil matatapos ko na ito.
Alvin : sige na tulungan na kita.
Kate : hindi na, halika dito ka maupo,
.
Ipinaghila ni Kate si Alvin ng upuan at pinaupo niya ang binata.
.
Kate : yan, diyan kalang kasi luto na to, pwede ka nang mag almusal.
Alvin : okay.
.
Naliligayahan si Alvin sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Kate, parang lumulundag pa ang puso ni Alvin kapag nasa malapit lang sa kanya si Kate, at bumalik na naman sa isip ng binata ang nagdaang gabi, yong katabi atbkayakap niya ang dalaga. At nahuhuli tuloy siya ni Kate na nakangiti..at nooy naalala din ni Kate yoong iniisip ni Alvin, napapangiti din si Kate at nakita di ni Alvin ang pagngiti niya..
.
Kate : sige na Alvin kumain ka na.
.
Nakahain na ang pagkain, ipinaglalagay ni Kate ng pagkain sa plato si Alvin.
.
Alvin : bakit ako lang ang kakain?
Kate : mamaya na ako pagdating ni abby.
Alvin : naku mamaya pa ang dating nun, mabuti pa halika na sabayan mo na ako.
.
Tumayo si Alvin at pinaghila niya ng upuan si Kate, at pinaupo niya ito, kumuha ng plato, kutsara at tinidor, at si kate naman ang pinaglagay niya ng pagkain sa plato.
.
Alvin : kain na tayo.
.
At nagsimula na nga silang kumain, pero nasa isip pa din ni Kate yong pagtulog niya sa kwarto ni Alvin, parang hindi siya mattahimik kapag hindi siya nakapag paliwanag dito.
.
Alvin : may problema ba kate? Ayos ka lang ba?
Kate : H-ha! Ah eh kasi yong tungkol kagabi-
Alvin : yong pagtulog mo sa kwarto ko!(nakangiti niyang sabi)
Kate : hindi ko gustong makatulog ako sa kwarto mo, ikaw kasi ayaw mo akong pakawalan eh, kaya sabi ko saka nalang ako,aalis kapag nakatulog ka, eh ang kaso nakatulog naman na din ako, kaya hindi ako nakalipat na sa tulugan ko..
Alvin : ganun ba, naku pasensiya ka na ha. Paano nalasing na ako, di ko nga alam kung paano ako nakapasok sa kwarto ko..
Kate : ah tinulungan kitang maka-akyat sa kwarto mo kagabi..
Alvin : salamat kate ha..
Kate : wala yun, simpleng bagay lang naman yun, kesa sa mga naitulong mo sakin..
Alvin : please kate, huwag mong tuusin yong mga naitutulong ko sayo, masaya ako na natutulungan kita..
Kate : salamat Alvin, balang araw susuklian ko din yong mga kabutihan na ibinigay mo sakin.
.
Ngiti lang din ang tugon ni Alvin sa dalaga, sa isip ni Alvin ay sana balang araw ang isukli ni Katelyne ay ang pag-ibig ng dalaga.
.
Alvin : kumain na tayo, mauna na tayong kumain kay Abby at matagal mamalengke yun, mabusisi sa mga binibili yun eh, kaya ipinagkakatiwala ko kay abby ang pamamalengke dahil alam kong Metikulusa pagdating sa mga binibili, madiwara, siguro mamaya pa ang dating nun.gugutumin lang tayo kapag hihintayin natin.
Kate : Okay!
.
Kahit papaano ay nabawasan ang hiyang nararamdaman, pilit na lang inaalis ni kate sa utak ang mga pangyayari sa kanila ni Alvin dahil hindi siya makKakilos ng normal kung lagi niyang naiisip ang mga pangyayari sa kanila ni Alvin lalo na yong mga halikan nila doon sa Baguio, kapag naiisip niya iyon ay hindi siya makatingin ng diretso sa binata. Kaya kung minsan naiinis siya sa sarili niya na kung bakit ba kasi niya ginawa yong bagay na iyon, tuloy hindi matahimik ang pusot isip niya dahil lalo siyang humanga sa taglay na ugali ng Binata na marespeto sa babae.hindi din naman niya masisi si Alvin na kung bakit tinugun ni Alvin ang mga halik niya noon, dahil siya naman ang may kasalanan, siya ang nagsimula ng mga halikan nilang iyon, kung bakit ba kasi hindi daw siya nakapag-isip ng tama, natakot lang kasi talaga siya sa mga nangyayari sa kanya na nalalagay sa Alanganin ang kanyang pagkababae, kaya nga daw mas nanaisin pa niyang si Alvin ang mapagkalooban ng kanyang pagkababae dahil si Alvin ay natutunan ng puso niya na mahalin.
At kaya sa paglipas ng mga araw ay naging mag-kaibigan sila ni Alvin, at naki-usap si kate na ipasok siya ni Alvin sa isang kumpanya ng binata upang magtrabaho hanggat hindi pa pasukan, at pumayag naman si Alvin sa request ni Kate na makapagtrabaho.
.
Kate : salamat Alvin.
Alvin : basta ipangako mo na hindi mo papagurin ang sarili mo.
Kate : oo, pangako ko..thank you talaga.(sabay yakap)
.
At natigilan si Kate, dahil nadala na namn siya ng emosyon niya..
.
Kate : ay sorry, masaya lang talaga ako.
.
Naging abala sa araw araw si Kate at natutuwa ang mga empleyado ni Alvin dahil nakita nila sa amo na naging palangiti ito, buhat nang naroon si Kate, masaya si Alvin dahil lagi na niyang kasama ang dalaga, sa opisina at hanggang sa bahay, at hanggang sa sumapit na ang pasukan, hindi na siya pinapasok ni Alvin sa opisina ng binata, dahil gusto ni Alvin na mag-concentrate si Katelyne sa kanyang pag-aaral, at si Alvin naman ay kumuha pa ng isang kasambahay para hindi na tumulong si katelyne sa mga gawaing bahay, at sobrang saya ni Katelyne dahil nagbalik na muli siya sa pag-aaral, nabuhay muli ang mga pangarap niya na akala niya ay hindi na matutupad, bumuo siya ng pangarap noon na kasama pa ang nanay niya, at buhat nga ng mamatay ang nanay niya ay naglaho na din ang mga pangarap niya, dahil ang nanay niya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya, pero ngayon kailangan niya uling magplano para sa kanyang buhay, kung paano maiaangat ang kanyang buhay, at ang lahat ng iyon ay dahil kay Alvin, sa kanyang Knight in shining armour..
.
Abby : wow, Katelyne ang ganda mong tingnan sa suot mong uniform!
Kate : talaga ba? Binobola mo naman yata ako eh.
Alvin : totoo naman yong sinabi ni Abby kate, bagay talaga sayo yang uniform mong suot!(sabad ni Alvin)
Kate : salamat..(nakangiti niyang sabi)
Alvin : halika na ihahatid na kita, baka mahuli ka pa sa first period of class mo.
Kate : ihahatid mo ako?
Alvin : oo naman.
Kate : naks, grabe naman, ang sweet talaga ng mahal k—-(natigilan si Kate sa sinabi)
Abby : sabi na nga ba mahal mo si Sir.
Kate : ang ibig kong sabihin mahalbkong kaibigan.(palusot niya)
.
Natuwa naman ang puso ni Alvin, ngunit nawalan ang saya ng sabihin ni Kate na kaibigan lang.
.
Alvin : o sige na, tara na baka mahuli ka.
.
At araw araw sa tuwing may pasok si Kate ay hatid sundo ni Alvin ang dalaga, on time kung sumundo ang binata sa dalaga.
.
Alvin : hi!!(bati niya)
Kate : hi, kanina ka pa ba naghihintay? Pasensiya ka na ah, naubos kasi yong load ko hindi ako nakatawag sayo na malalate ako ng labas.
Alvin : okay lang.
.
Masaya si Alvin sa mga ginagawa niyamg sakripisyo para kay Katelyne, kahit na may ibang driver naman na pwedeng ipagmaneho si Kate pero siya parin ang gumagawa noon, basta masaya lang lang siya kapag kasama ang dalaga, marahil ay umiibig siya dito, At hanggang sa paglipas ng mga araw buwan at taon ay nabuksan kay katelyne ang bagong daigdig na ginagalawan na dating banyera at sabon, at mga labada, ang kinakaharap niya, ngayon ay madami na siyang mga kakilala, madami na siyang mga kaibigan, at nagkaroon din siya ng manliligaw, pero ang lahat ng nanliligaw...


sa kanya ay hindi niya iniistima, tinatapat niya agad ang mga ito na wala silang maaasahan sa kanya, dahil sa isip ni Katelyne ay meron ng nagmamay-ari ng kanyang puso walang iba kundi si Alvin lang ang gusto niyang mahalin, kahit pa gaano kagwapo ang mga nanliligaw sa kanya basta daw wala siyang ibang lalaking papangarapin kundi si Alvin lang..ang masakit nga lang sa nakikita ni Kate sa binata ay parang kapatid na lang ang turing sa kanya, parang hindi na niya nakikita sa mga mata ni Alvin na may paghanga ito sa kanya, at sa isip pa ni katelyne siguro nga hindi siya type ni Alvin, at baka daw hindi pa din nakakalimutan ni Alvin si Erica baka daw mahal pa din ni Alvin ang dating nobya, at nalulungkot si Katelyne sa isiping iyon, dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ni Erica sa binata ay hindi pa nito makalimutan si Erica, kaya nga ang lahat ng mga nanliligaw kay Katelyne ay sinasabi ni katelyne kay Alvin kung sino sino, at ikinukwento ni kate kay Alvin ang mga itsura ng mga iyon, na kesyo mga gwapo at mayayaman, pero parang wala lang kay Alvin, parang walang pag-aalala na baka nga magkaroon ng boyfriend ang dalaga at mawawalan na si Alvin ng puwang sa dalaga, at nalungkot si Kate dahil balewala iyon sa binata, na talagang pinapakita ni Alvin na parang kapatid ang turing nito sa dalaga..,at hanggang sa sumapit ang pagtatapos ni Katelyne. Si Alvin ang nagsilbing Escort o guardian niya sa pagmartsa sa Stage, si Alvin ang nagsabit ng kanyang medalya, bumubuhos ang luha niya habang isinasabit ni Alvin ang kanyang mEdalya, maligayang maligaya si Katelyne sa mga oras na yun, dahil sa napaka halagang okasyon na yun ay ang lalakeng munamahal niya ang kanyang kasama.. at hanggang sa naroon na siya at ipinapahayag ang kanyang speech..
.
Kate : Una po sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos, hindi niya po ako pinabayaan, at pangalawa po sa aking ina na ngayoy nasa langit na, nay heto na po ako oh, unti unti ko na pong natutupad ang mga pangarap natin, alam ko po na kahit wala na kayo ay lagi nio parin po akong ginagabayan, at sa lahat lahat ng mga tumutulong sakin kung paano ko nakamit ang karangalan na ito, maraming salamat po sa inyo, at higit po sa lahat nagpapasalamat ako sa Tao na gumabay sakin, ang tao na kung bakit ako naririto sa entabladong ito, nagpapasalamat ako sa kanya, dahil binago niya ang buhay ko, ang buhay kong punong puno ng unos pero ngayon heto ako at matatag na matatag ay dahil sa kanya, Alvin ikaw yong taong sinasabi ko, ikaw yong taong nagbigay ng pag asa sakin, ang taong nagbigay ng inspirasyon sakin, Salamat Alvin, habang buhay akong magpapasalamat sayo Alvin..
.
Nag-uumapaw sa galak ang puso ni Alvin sa mga narinig niya kay Kate..
.
Kate : Alvin mahal na mahal kita!!(ngunit sa isip nia lang iyon)
.
Ipinagsisigawan ni Kate sa kanyang isip na mahal na mahal niya ang binata..at hanggang sa lumipas ang mga sandali ay tapos na programa, nagpapakuha na lang sila ng picture na mag kakaklase, at gnun din naman sila ni Alvin..
.
Alvin : congratulation Kate! Talagang pinabilib mo ako, hindi ako makapaniwalang isa kang Magna cum laude, napakasaya ko para sayo!
Kate : thank you so much for everything Alvin,(naiiyak niyang sabi)..para sa iyo ang Medalyang ito..(isinuot ni Kate ang medalya kay Alvin)
Alvin : hindi kate, para sa iyo itong medalya, hindi mo dapat ibigay sakin yan..(ibinalik ang medalya kay kate)
Kate : nagsikap talaga ako dahil gusto kong ibigay ang medalyang ito sa iyo Alvin. Ikaw ang naging inspirasyon ko at ang alaala ni nanay, kung hindi dahil sayo hindi ko mararating o makakamit ang medalyang ito alvin..kaya labis akong nagpapasalamat sayo, kaya tanggapin mo ang medalyang ito, simbolo ito ng pagpapasalamat ko sayo.
.
Alvin : hindi ito ang gusto kong ibigay mo sakin kate, ang gusto ko ay——-
.
Natigilan si Alvin sa pagsasalita, kinagalitan ang sarili dahil bakit daw ba niya sasabihin kay kate iyon, at haggang sa nagulat sina Alvin at kate ng may nagsalita sa kanilang likuran, itatanong pa sana ni kate kung anong gusto ng binata na ibagay niya. Ngunit may isang gwapong mukha at matikas na lalaki ang lumapit sa kanila at may dala pa itong bulalak..at natuwa si Katelyne ng mapagsino ang lalaki, dahil nakagaanan niya ng loob ang lalaki, lagi niyang kasakasama ito.
.
Vince : congratulation Katelyne.(bati niya, at inabot ang hawak na bulaklak sa dalaga, at saka bumeso)
Kate : thank you..
.
Niyakap siya ni vince at nakita ni Kate na parang lumukot ang mukha ni Alvin ng makita nitong nagyakapan sila ni Vince, at kumalas din agad si kate sa pagkakayakap ni Vince.
.
Vince : (hinawakan ang kamay ni kate). Ang galing naman, talagang humahanga ako sayo. Bukod sa saksakan na ng ganda eh napakatalino pa.
Kate : ikaw talaga kahit kailan bolero, ikaw din naman ah, gwapo din at matalino din naman.
Vince : pero mas nakakahigit ka sakin.
.
Naiirita si Alvin sa nakikita niya na bakit kailangan pa silang maghawak ng kamay sa harap niya..kaya nagparamdam si Alvin dahil mukhang nakalimutan na ni Katelyne na naroon siya dahil sa presensiya ni Vince.
.
Alvin : ehem..
.
para namang napaso ang kamay ni kate at bigla niyang hinila ang kamay niya na hawak pa pala ni vince at nakita niyang parang may poot sa mga mata ni Alvin ng nakatingin si Alvin sa mga kamay nila ni Vince.
.
Kate : ay!! Vince siya nga pala, siya si Alvin, na ikinukwento ko sayo na nagpapaaral sakin..at Alvin(baling naman niya kay alvin)..si,Vince nga pala, classmate ko.
Vince : nice to meet you pare!
Alvin ; same here (matabang na sagot niya)
.
Nagkamay naman ang dalawang lalake, bagamat nakangiti ang bawat isa sa kanila ay hindi pa din maiwasang mairita ni Alvin kay Vince.
.
Vince : siya nga pala katelyne, may hinandang party sa bahay si mama baka pwede kang ma-invite, pina-iinvite ka ni mama eh..
Alvin : hindi pwede! (Sagot niya).kate meron akong reservation sa isang restaurant.
Kate : ganun ba!
Alvin : oo..
Vince : some other time na lang tayo mag celebrate na dalawa.
.
Nainis si Alvin sa sinabi ni Vince na magsi-celebrate ito na dalawa lang nila kate at Vince, naningkit na naman ang mata ni Alvin.
.
Kate : sige vince, hayaan mo babawi na lang ako.
Vince : okay lang, so ill go ahead, congrats na lang ulit.(yumakap kay kate)
.
Nagpuputok ang butse ni Alvin sa nakikita niya, at may payakap yakap pa daw itong si vince, at sa isip ni Alvin ay parang masarap mambasag ng mukha ng mga oras na iyon, at pinagpasalamat na nga lang ni Alvin na umalis na iyong si vince.
.
Kate : Let’s go!!
Alvin : saan?
Kate : sa restaurant na sinasabi mo, bakit hindi ko alam na nagpareserve ka..
Alvin : sorpresa ko sana sayo, eh kaso ngayon alam mo na hindi nasorpresa..(sabay talikod kay kate, at nagtungo na sa kotse nito)
.
May pagtataka si Kate kung bakit parang galit yata si Alvin, kanina lang na naguusap silang dalawa ay napakalambing nito, nang dumating lang si Vince ay nag-iba na ang timbre ng boses, na para talagang galit, kaya sumunod na lang agad si Katelyne kay Alvin sa kotse..at habang nagbibiyahe sila ay wala silang imikan na dalawa, pero hindi nakatiis si Alvin na magtanong kay Katelyne.
.
Alvin : bakit hindi mo sakin nabanggit na mayroon ka palang kaibigang lalaki na ang pangalan ay Vince, diba lahat naman ng mga nanliligaw sayo ikinukwento mo sakin, pero bakit itong si vince ay hindi mo na-ikwento sakin?
Kate : A-ah H-hindi ba?
.
Tumingin si kate kay Alvin, at tila mukhang lukot ang mukha ng binata, kanina pa niya napapansin na abot ang bumtong hininga ng binata, mukhang hindi maganda ang timplada nito, mukhang mainit na ang ulo.
.
Kate : nakalimutan ko lang sigurong ikuwento sayo..o baka nakalimutan mo lang na naikwento ko na sa—–
Alvin : wala kang kinukwento!(inis niyang sabi)
.
Nagulat na lang si Kate dahil nakikita niya ang inis sa mukha ni Alvin, Hindi nalang kumibo si katelyne, dahil baka yun pa ang pagmulan ng kanilang pagtatalo..sa isip ng dalaga bakit kaya ganun na ang asta ni Alvin, nagseselos daw ba kaya ang binata..pero nagtanong uli si Alvin sa kanya.
.
Alvin : nanliligaw ba siya sa iyo?
Kate : hindi pa, kaibigan ko lang naman yong tao..
Alvin : hindi pa? Ibig sabihin may balak manligaw sayo?
Kate : hindi, ewan ko, hindi ko alam!!
.
Napadiin ng tapak si Alvin sa silinyador bagay na ikinagulat ni kate dahil bumilis ang pagpapatakbo ni Alvin sa kotse..pero imbes na matakot si Katelyne ay nakaramdam pa ito ng tuwa sa isip, dahil mukha ngang nagaeselos si Alvin kay vince..at hanggang sa nakarating na sila sa restaurant, at nang maipark na ni Alvin ang sasakyan ay bumaba agad ang binata upang pagbuksan ng pinto si katelyne..at hanggang sa nasa loob na sila ng restauran,,Dinner w/ candle light ang nakahanda sa table ng dalawa..ipinaghila ni Alvin ng upuan si Katelyne upang makaupo na ito..at hanggang sa idinala na ng waiter ang inorder ni Alvin, napakadaming inorder ni Alvin na sari saring pagkain..
.
Kate : andami naman niyang inorder mo.baka hindi natin maubos yan..
Alvin : mauubos natin yan..
Kate : naku, yang dami na yan! Kung hindi natin mauubos itake out na lang natin, kasi gabi pa naman ngayon eh, kung umaga lang ngayon baka maubos yan..sayang naman yan kung hindi mauubos, tiyak na mahal yang mga pagkain na yan..
Alvin : sige. Iti-take out na lang kung hindi mauubos.
.
At nang nakatapos na ngang kumain ang dalawa at tama si Kate hindi nila naubos ang inorder ni Alvin.
.
Alvin : kate, for you! (At may inabot na isang kahon na maliit)
Kate : (namangha naman siya)..ano ito?
Alvin : secret sa bahay mo na buksan (nakangiti niyang sabi)
Kate : ay kadaya naman, gusto ko ng makita kung ano ito..
Alvin : sige na nga, buksan mo na..
.
At binuksan na nga ni Kate ang ibinigay ni Alvin, napanganga si Kate ng makita kung ano ang regalo ni Alvin isang set ng Jewerly, Necklace, earings, ring, at bracelet..
.
Kate : wow ang ganda naman nito Alvin, pero parang hindi ko kayang tanggapin ito ah, panigurado ko napakamahal ng mga ito..
Alvin : at bakit naman hindi mo tatanggapin yong regalo ko sayo, magtatampo naman ako niyan!
Kate : hindi mo na dapat ako niregaluhan ng ganito, yong pinag-aral mo ako napakalaking reagalo na para sakin yun..
Alvin : pero gusto kong regaluhan kita niyan, sana huwag mo naman tanggihan..
Kate : nahihiya na ako sayo Alvin, andami mo nang naibibigay sakin—
Alvin : akala ko matutuwa ka sa regalo ko sayo pero nagkamali pala ako,
Kate : N-natutuwa ako Alvin, sige salamat sa regalo mo, pwede ko na bang isuot?
.
Gumuhit na ang mga ngiti sa mga labi ni Alvin dahil tinanggap na ni Kate ang regalo niya, inunang sinuot ni kate ang singsing, at sinunod ang bracelet, at yong hikaw ay hindi na muna niya sinuot dahil may hikaw siyang suot, regalo naman iyon ng nanay niya nong naggraduate siya ng highschool, at hinuli niya ang kwintas na sinuot, tinulungan na siya ni Alvin na ikabit ang kwintas, habang kinakabit ni Alvin ang kwintas ay bumibilis ang tibok ng puso ni kate, dahil sa dumadampi ang kamay ni Alvin sa kayang batok..at ng maikabit na ni Alvin ay labis labis ang pasalamat ni Katelyne sa binata.
.
Kate : salamat Alvin ha, siya nga pala diba sabi mo sakin kanina na, hindi yong medal ang gusto mong ibigay ko. ano nga pala yong gusto mong ibigay ko sayo?
Alvin : H-ha a-ah eh…gusto ko sana—-
.
Naputol na naman ang usapan ng dalawa ng biglang may lumapit na naman sa kanila na di inaasahang makikita nila doon ang tao na iyon, na sobrang ikinagulat nila Alvin at Katelyne….
.
Itutuloy






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Great Share! An impressive share, I just given this onto a colleague who was doing a little analysis on this. And he in fact bought me breakfast because I found it for him.. smile. So let me reword that: Thnx for the treat! But yeah Thnkx for spending the time to discuss this, I feel strongly about it and love reading more on this topic. If possible, as you become expertise, would you mind updating your blog with more details? It is highly helpful for me. Big thumb up for this blog post!

    https://xmc.pl

Leave a Reply


top