MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR CHAPTER 11


MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR♥️♥️
.
CHAPTRE 11
.
Alvin : E-erica!!
Erica : hi Alvin! (Malambing na bati niya)
.
Nakaramdam ng kaba si Katelyne sa presensiya ni Erica, sa tinagal tagal na panahon ay nagkrus muli ang kanilang landas, tinitingnan ni kate ang reaksiyon ni Alvin ng makita si Erica. At hanggang bigla na lang nagring ang phone ni Katelyne at sinagot niya ito..at napag-alaman ni Alvin na si Vince ang tumawag kay katelyne, nangunot nanaman ang noo ni Alvin, at pinagtuunan na lang niya ng pansin si Erica.
.
Alvin : Erica! Long time no see! How are you?
Erica : i’m fine, mukhang may sine-celebrate kayo ah!!
Alvin : ah oo, nag-graduate kasi si Katelyne ng college.
Erica : ganun ba..magkasama parin pala kayo hanggang ngayon!
Alvin : oo, ikaw bakit nandito ka diba nasa America ka, kasama ang asawa mo?
Erica : wala na umuwi na ako dito buhat ng mamatay si Jessie sa isang aksidente..
.
Nagbigla si Alvin sa ibinalita ni Erica sa kanya, na namantay na pala ang dati niyang kaibigan na si Jessie, at samantalang si Kate naman ay nabigla din, sa isip ni Kate ay malaya na si Erica dahil namatay na ang asawa nito.
.
Alvin : ganun ba..
Erica : oo Alvin, kaya malaya na ako, (maarteng sabi nito)
.
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Kate. Dahil mukhang may gustong ipahiwatig si Erica.
.
Alvin : pwede ka na palang mag-asawa uli!!
Erica : kaya nga ako nagbalik Alvin eh(tumingin ng makahulugan sa binata at sabay hawak sa kamay ni Alvin)
.
Nanlaki na ang mga mata ni Katelyne ng makitang hinawakan ni Erica ang kamay ni Alvin, at hindi naman siya bobo para hindi niya maintindihan ang nais ipahiwatig ng babae kay Alvin, kaya nga naging magna cum laude siya eh dahil matalino siya.
.
Alvin : really!!(nakangiti niyang sabi)
Erica : yeah!!
Alvin : sino nga pala ang kasama mo?
Erica : wala.
Alvin : wanna join us?
Erica : sure!
.
Nakaramdam ng inis si Kate dahil sa ginawa ni Alvin, ang pagkaka alam ni Katelyne ay araw niya iyon, na kaya sila naroon ni Alvin ay para makapag celebrate, pero ayun siya at naghihimutok ang butse, tumayo si Alvin upang ikuha ng mauupuan si Erica, labis ang nararamdamang inis ni Katelyne, sa isip niya ay parang gusto niyang hilahin sa buhok ang babae at kaladkarin palabas ng restaurant na iyon, nabusit din si Katelyne kay Alvin dahil inistima pa niya ang babae..ang kasiyahang nadarama ni katelyne ay naglaho na, napalitan iyon ng inis.at talagang naitsapwera na si katelyne sa mga sandaling iyon, dahil ang magkausap na ngayon ay, sina Alvin at Erica.
.
Alvin : saan ka ba nakatira ngayon?balita ko kasi ay ipinagbili mo yong bahay mo..
Erica : oo, pero kumuha ako ng condo unit diyan sa Quezon city..
Alvin : eh trabaho, may trabaho ka ba ngayon.?
Erica : wala pa sa ngayon, nag-aaply ako bilang model.
Alvin : ah..matatanggap ka naman siguro agad na maging model dahil lalo kang gumanda at sumexy.
Erica : talaga ba?
Alvin : oo.
.
Nakaramdam ng selos si Kate ng sabihan ni Alvin si Erica na maganda at sexy.
.
Erica : pero alam mo alvin, ang dahilan talaga ng pagbabalik ko ay ikaw.
.
Nasamid si Katelyne ng marinig niya ang sinabi ni Erica, lihim niyang kinagat ang pang ibabang labi niya, nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa inis, tinitingnan niya ang reaksiyon ni Alvin sa sinabi ni Erica, at parang nakita niyang masaya pa ito, kaya sa inis niya tinexan niya si Vince at nagpasundo siya dito, dahil mukhang na-a-out of place na siya..mabuti na lang at malapit lang ang bahay nila Vince doon sa restauran na iyon..at hindi nagtagal ay dumating na ang binata roon, na ikinagulat naman ni Alvin.
.
Kate : ah. Alvin mauuna na ako sayo ha, pupunta muna ako kila Vince, tutal naman may iba ka ng kausap(pinagdiinan niya talaga ang huling salita niya)
.
Hindi nakakibo si Alvin sa inis niya sa presensiya ni Vince, kaya si Erica ang sumagot.
.
Erica : o sige, you may go now, bye katelyne!!
.
Hindi tinapunan ni Kate ng tingin si Erica diretso na siyang tumayo at naglakad palabas kasama si Vince, Walang nagawa si Alvin kundi sundan niya ng tingin ang dalawang papalabas ng pinto at nakahawak sa likod ni Kate ang kamay ni Vince, nag-ngangalit din ang mga ipin ni Alvin sa inis ng mga sandaling iyon, at hanggang sa dalawa na lang sila ni Erica ang naroon..hindi din nagtagal ay nagpaalam na si Alvin kay Erica na uuwi na ito..at napansin ni Alvin na naiwan ni Kate ang kahon ng iniregalo niya sa dalaga at naroon pa ang hikaw na hindi pa niya naisuot kaya kinuha na lang niya iyon at tuluyan na siyang lumabas sa restauran na iyon, ni hindi na nga naibalot ang mga natira nilang pagkain dahil sa hindi na maganda ang mood niya, at samantalang si Erica naman ay masayang masaya ng mga sandaling iyon, dahil nagawa na niya ang first move, kailangan daw na kaibiganin niya si Alvin, dahil balak niyang magkabalikan sila ni Alvin at ipagpatuloy ang naudlot nilang kasal noon..at samantalang si Alvin ay nakarating na sa bahay na mainit ang ulo.
.
Alvin : ano ka ba Abby, kanina pa ako bumubusina katagal mong lumabas..(pagalit niyang sabi)
Abby : ay sorry sir, hindi ko po alam na dadating na kayo agad, ang alam ko po kasi ay mamaya pa ang dating nio, dahil sabi nio po magsisine kayo ni kate, kaya naligo po ako, eh kasalukuyan palang po akong naliligo, nasaan nga po pala si Kate?
Alvin : wala(pagalit na naman niyang sabi)
.
Umakyat nalang si Alvin sa kanyang kwarto, at ibinagsak ang katawan sa may kama, nasira ang gabi niya dahil sa Vince na iyon, baka kapag nakita niya uli ang lalaki na iyon ay makatikim na sa kanya ng sapak..tinatanong sa sarili kung nasaan na kaya ang dalawa, at ano kaya ang ginagawa ng mga ito..parang tinutusok ang puso niya sa isiping magkasama si Vince at Kate ngayon. At samantalang si Kate at vince naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga magulang ni Vince..ang akala ng mga magulang ni Vince ay girlfriend siya ng anak nilang si Vince, at sinabi naman niya na magkaibigan lang sila, at nahiling pa ng daddy ni Vince na sana kung mag-kakagirlfriend ang anak, sana daw ay si Katelyne na lang iyon..at hanggang sa madaming napagkwentuhan sila kate at Vince kasama ang mga relatives ni Vince at hindi na nga nila namalayan ang oras..si Alvin ay biling baliktad sa kama niya dahil hindi pa siya natutulog at hinihintay pa niya si Katelyne, nakakaramdam na siya ng inis at pag-aalala dahil madaling araw na ay wala pa si Katelyne, noon lang kasi nangyaring na nalate ng husto ang uwi ni katelyne..bwisit na bwisit si Alvin kay Vince baka kung ano na daw ang ginawa ni vince kay katelyne, at samantalang si katelyne ay may pagka-tipsy na din ng mga sandaling iyon, dahil sa pati siya ay napainom na din ng alak, nakakaramdam na siya ng hilo kaya, sinabi niya kay Vince na ihatid na siya, at inihatid na nga siya ni Vince at dahil sa sanay namang uminom ng alak si Vince ay hindi naman siya lasing kaya maihahatid pa niya si katelyne,..hindi mapakali si Alvin sa kanyang kwarto nakatanaw siya sa may kalsada nagbabakasakali na ihatid na ni vince si Katelyne, inip na inip na si Alvin ay wala pang katelyne na dumadating, tinatawagan niya ito sa celpon, ngunit nakapatay naman ito.kaya sobra na siyang nag-aalala, at hanggang sa may narinig na siyang ugong ng sasakyan sa may tapat ng gate nila, patakbo si Alvin na tumanaw sa may bintana, nakita nga niya na bumaba doon si vince at ipinagbukas pa ng pinto si Katelyne..tanaw niya sa may binatana na napayakap pa si Katelyne kay Vince at ganun din naman si Vince kay katelyne, kaya parang sinaksak ang puso niya.
.
Vince : naku, nalasing ka yata ah, dapat kasi hindi mo na pinatulan yong mga pininsan ko.
Kate : oo nga, pasensiya ka na ha. Pero salamat at nagenjoy naman ako,(nakakapit pa din si Kate kay Alvin)
.
Pakiramdam kasi ni Katelyne ay umiikot ang mundo niya kaya hindi siya makabitaw kay Vince parang mabubuwal siya.
.
Vince : totoo nag-enjoy ka?
Kate : oo vince nag-enjoy talaga ako, salamat ha!!
Vince : welcome! Basta kapag nalulungkot ka tawagan mo lang ako ha.at pasasayahin kita..
Kate : sige, salamat vince ah.
.
At hanggang sa nagulat si Vince dahil naroon na si Alvin at ibinubukas na ang gate..
.
Kate : hi Alvin! (Bati ni kate)
.
Kumunot ang noo ni Alvin dahil nakita niya na parang lasing ang dalaga.
.
Vince : pare, pasensiya na ha, nagkainuman kami eh. Kaya medyo nalasing si Kate—
Alvin : halika na kate..(hila niya sa dalaga na hawak ni vince)
Vince : pare dahan dahan naman, masasaktan naman si kate.
Alvin : wala kang paki-alam, makakaalis kana..(pagtataboy niya)
Vince : kate, alis na ako, tawagan na lang tayo bukas.
Kate : okay vince. Ingat ka, (nagflying kiss pa ang dalaga kay vince)
.
At hanggang sa nakaalis na si vince, isinara na ni Alvin ang gate, pagkasara ay, pinangko na niya ang dalaga at pumasok na sila sa bahay, at hanggang sa kwarto ni Katelyne ay buhat buhat niya ang lasing na dalaga, hanggang sa marating na ni Alvin ang kama ng dalaga at dahan dahan niyang inilapag si Katelyne, hindi na nakagalaw pa...


si kate sa pagkakahiga, dahil sobra na siyang nakakaramdam ng antok, kaya nakatulog na siya ng hindi man lang nagpapalit ng damit, tinanggal na lang ni Alvin ang kanyang sapatos na suot at kinumutan ni Alvin ang dalaga.at lumabas na din siya roon, nakaramdam siya ng panibugho kay Vince, parang sinasaksak ang puso niya sa isiping may mahal na iba si Katelyne, mali pala ang akala niya na may pagtingin sa kanya ang dalaga, nagbabakasakali siya na sa kabila ng lahat ng pagtulong niya at pagmamalasakit niya at pag-aalaga sa dalaga, ay matutu siyang mahalin nito, pero parang hindi niya maramdaman na mahal siya ng dalaga…at hanggang sa lumipas ang magdamag ay tirik na ang araw ng magising si Katelyne, nagising siya ng masakit ang kanyang ulo na parang binibiyak ito. At lalong sumakit ang ulo niya ng maalala si Erica na nagbalik na, at mukhang balak pa ni Erica na makipagbalikan kay Alvin..nag-ngingit ngit sa galit ang kalooban niya, hindi maaaring mangyari ang gusto ni Erica, kailangang mayroon siyang gawin upang hindi magtagumpay ang balak ni Erica, hindi siya makapapayag..
Tanghali na ng bumangon si Katelyne, nagtungo na siya sa banyo upang maligo, dahil may usapan sila ni Vince na may lakad sila sa ina-apply-an na trabaho, mass comunication kasi ang tinapos nila, pangarap kasi ni Katelyne na maging newscaster, kaya pupunta sila sa isang tv networks na inaplly-an nila.
.
Kate : sana matanggap tayo ano?
Vince : huwag kang mag-alala, matatanggap tayo dun. Lalo na ikaw, magna cum laude!!
Kate : sana nga, magdilang anghel ka!!
.
At hanggang sa nai-submit na nila ang mga resume nila at mga requirements nila..at sinabi sa kanila na hintayin na lang nila ang tawag para sa kanilang interview, at hindi na gumala pa ang dalawang magka-ibigan, umuwi na sila dahil hindi pa maganda ang pakiramdam ni Katelyne dahil sa pagkakainom niya, akala niya kasi hindi masyadong nakakalasing yong wine na ininom niya kasi parang Juice lang ang lasa nito, hindi niya alam na bandang huli ay matindi pala ang tama..
.
Kate : salamat Vince, ingat ka sa byahe!!
Vince : salamat!!
.
At umalis na si Vince, sinundan muna ng tanaw ni katelyne ang papalayong kotse ng kaibigan..at pumasok na siya ng bahay, dahil gusto niyang mahiga dahil medyo masakit pa ang kanyang ulo, at hanggang sa pagpasok niya sa may pinto ay may naririnig siyang mga tili at tawa ng isang babae at narinig niya din ang tawa ni Alvin..parang kinabahan siya, at tamang tama naman na nasalubong niya si Abby sa may sala.
.
Abby : bakit katagal mo kate, may aswang dito kaninang dumating, at nandoon siya sa swimming pool naliligo sila ni Sir Alvin.
Kate : ha, sino?
.
Pero alam na ni Katelyne na si Erica ang tinutukoy ni abby, wala lang siyang makapang sabihin dahil parang dinudurog ang puso niya na marinig ang mga masasarap na tawanan ng dalawang dating magkatipan, at nagtungo siya sa pinto na papunta sa may pool at sinilip ang dalawang naghaharutan na naliligo sa may swimming pool, nagkubli siya upang hindi siya makita ng dalawa, pero hindi niya natagalang makita ang paghaharutan nila Erica at Alvin, umakyat na lang siya sa kwarto niya at doon ibinuhos ang nararamdaman, padapa siya nahiga sa kama at isinubsob ang mukha sa unan, at doon ay iniyak niya ng iniyak, sa isip ni katelyne ay mukha yatang nagtagumpay na si Erica sa balak niyang makipagbalikan kay Alvin..sa pakiramdam niya ay nagdurugo ang kanyang puso, at sa isip pa niya na kaya siguro parang kapatid lang ang turing sa kanya ni Alvin ay dahil mahal na mahal pa din ng binata ang dating nobya, at kaya ngayon nga na magkasama ang dalawa at masayang naghaharutan ay nagbalikan na sila..ah sa isiping iyon ay lalo siyang napahagulgol. At hanggang sa parang may nag-utos sa kanya na huwag niyang hayaan magtagumpay si Erica kailangan niyang gumawa ng paraan, at hanggang sa tumayo siya sa kanyang kama, tiningnan ang sarili sa salamin, kung sa pagandahan lang naman ay talong talo na niya si Erica, at kung sa paseksihan at pakinisan ng balat ay talo na niya si Erica..sa madaling sabi, wala pa sa kalingkingan niya si Erica..binuksan niya ang closet at hinanap niya ang binili nilang swimmsuit ni Abby, hindi pa niya ginagamit ang two piece na swimmsuit na iyon dahil, hindi niya kayang suotin iyon, si abby lang ang may kagagawan nun kaya kung bakit niya nabili ng di oras..pero ngayon susuotin niya iyon at, makikisali siya sa paliligo sa dalawa..at hanggang sa lumabas na siya sa kwarto niya na suot suot ang two piece, nagulat pa sa kanya si Abby.
.
Abby : wow kate, ang ganda mo, sige sugudin mo yong babae na yun at ilampaso mo..
Kate : sige makikita niyang Erica na yan, dapat alam niya kung saan siya lulugar, sa akin lang si Alvin!!
Abby : ganyan nga, ipaglaban mo kung ano ang para sayo!!
Kate : thanks abby, pinapalakas mo ang loob ko.
Abby : kakampi mo ako kate, kahit anong mangyari nasa likod mo lang ako.
Kate : salamat, kaibigan talaga kita!
.
At hanggang sa lumabas na siya sa pinto at papunta na siya ngayon sa may swiming pool na kung saan ay naroon sina Alvin at Erica..Huminga muna si katelyne ng malalim bago siya nagparamdam sa dalawa.
.
Kate : hi!!(bati niya sa dalawa)
.
Sabay na napalingon sina Alvin at Erica, hindi agad nakakibo si Alvin ng makita niya ang napakaseksi at napaka kinis ng balat ni Katelyne, natulala si Alvin sa nakikitang magandang hubog ng katawan ni kate na ngayo’y naka-suot ng two piece swimsuit..
.
Kate : pwede ba akong maki sali sa inyo?
Alvin : S-sure!!(nabigla niyang sagot)
.
Nag-iba ng timpla si Erica na kanina lang ay masayang masaya, pero ngayon ay nakaramdam na ng inis dahil sa presensiya ni Katelyne..
.
Alvin : come and join us kate..masarap maligo!!
.
Kahit di man nakatingin si Katelyne kay Erica ay ramdam niya ang pag-kainis nito sa kanya..at bagay na ikinatuwa ni Katelyne..at hanggang sa naroon na siya sa gilid ng pool at handa na siyang mag-dive, at hanggang sa nagdive na nga siya, at pasisid siyang lumangoy at pumunta siya sa gawi ni Alvin, at hanggang sa malapit na siya kay Alvin ay sinadya niya talagang umahon sa tabi ng binata, at ngayo’y magkalapit na sila nito, at kahit hingal na hingal dahil sa pagkakasisid ay pinanatili pa din niya ang kanyang poise, hindi na naman nakakilos si Alvin sa kinalulugaran niya dahil sobrang lapit na ni Katelyne sa kanya, at lalo niyang nakitang malapitan ang dalaga dahil sa isang dangkal lang ang lapit nila.
.
Kate : hi! (Bati niya uli sa binata)
Alvin : hindi ko alam na magaling ka palang lumangoy!
Kate : hindi naman masyado, pero hindi mo ako mauunahang lumangoy dahil mas mabilis akong lumangoy sayo.
Alvin : talaga lang ha! .
Kate : edi, subukan natin!(nakangiti nyang sabi)
Alvin : sige ba..
.
At pumwesto na si Katelyne at Alvin sa may dulo ng pool at unahan sila na makarating sa may dulo ng pool,at hanggang sa nagsimula na nga silang lumangoy, kung mabilis si Alvin, ay mabilis din si Katelyne, kaya nauuna si kate kay Alvin, at hanggang sa malapit na si Kate sa dulo,kinantiyawan pa niya si Alvin.
.
Kate : sabi ko sayo eh, di mo ako kayang talunin.(sigaw niya)
Alvin : anong hindi!!
.
Nang malapit na si Kate sa dulo ng pool, ay biglang hinapit ni Alvin si Katelyne sa bewang, at bagay na nakapagpatili kay kate dahil sa di niya inaasahan na hahawakan siya ng binata, ginapangan ng kuryente ang buong katawan ni katelyne dahilan sa paghawak ni Alvin sa kanyang bewang, ramdam na ramdam niya ang mga dampi ng kamay ni Alvin sa bewang niya at hanggang sa may tiyan niya dahil sa naka-two piece lang siya, pinigilan kasi siya ni Alvin na makarating agad sa dulo upang hindi siya maunang makarating doon, sa madaling sabi dinadaya siya ni Alvin.
.
Alvin : oh kita mo na, naunahan kita!
Kate : dinaya mo ako eh..ikaw talaga madaya ka!!(pinagkikiliti niya si Alvin)
.
Tawa naman ng tawa si Alvin sa mga kiliti ni Kate, hindi tinitigilan ni Kate sa pagkiliti ang binata.,hanggang sa ginantihan naman na din siya ng kiliti ni Alvin, na bagay na nagtatawa din siya, at natutuwa ang kalooban ni katelyne dahil nakita niya na parang nagliliyab na sa galit ang mukha ni Erica dahil hindi na siya napansin ni Alvin, dahil siya na ang kaharutan ngayon ni Alvin at hanggang sa nagpaalam na lang na uuwi si Erica..
.
Erica : Alvin, uuwi na ako!
Alvin : ha, akala ko ba dito ka magdidinner?
Erica : hindi na, may pupuntahan pa pala akong kamag-anak, sa ibang araw na lang.
Alvin : ah okay, sige ihahatid na kita.
.
At umahon na si Erica, at ganun din si Alvin.
.
Erica : Alvin pwede bang sa room mo na lang ako magpalit ng damit?
.
Nabigla si Katelyne sa sinabi ni Erica na sa Kwarto ng binata siya magbibihis, nataranta ang isip ni Katelyne, baka kung ano na ang balak ni Erica kay Alvin.
.
Alvin : okay!!
Erica : come, sabay na tayo! (Maarte niyang sabi)
.
Nagpapanic ang utak ni katelyne, dahil baka matukso si Alvin kay Erica, alam niya si Alvin ay disiplinadong tao, na baka may mangyari sa dalawa ay, mapipilitan na talaga si Alvin na panagutan ang ginawa niya kay Erica, dahil alam niya na, ayaw ni Alvin na nang-aagarabyado ng tao!!
.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top