MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 6
.
Sobrang nagimbal si Katelyne sa napasukan nila, nagsisi tuloy siya kung bakit umalis pa siya sa bahay ni Alvin, naisip niyang bigla si Alvin, mukhang kailangan niya ang binata sa mga sandaling ito, naiiyak na siya sa mga sandaling iyon, sobra niyang pinagsisihan ang di pagtupad sa usapan nila ni Alvin na hintayin niya ang tawag nito, dahil ihahanap naman siya ng trabaho, pero ano pa ang magagawa niya, naroon na siya, kaya sinita niya ang baklang humahawak sa kanila.
.
Kate : akala namin mag-momodel kami? E bakit dito mo kami dinala sa lugar na ito.(pagalit niyang sabi)
Girlie : Jusko day! Mas malaki ang kita dito kesa sa pagmomodel, bakit ayaw nio ba? disente naman ang club na ito ah, puro mayayaman ang nagpupunta dito, ma-datung..at saka sasayaw lang naman kayo, sayaw lang at wala ng iba, wala naman sigurong mawawala sa inyo kung sasayaw lang kayo diba..
Kate : sana po sinabi nio na lang ang totoo samin, hindi po yong umaasa kami na pag-momodel ang papasukan namin, yun naman pala magiging showgirl lang naman pala kami!
Micah : (kababayan nila)..hey, wag mong nilalang ang showgirl nakita mo naman siguro yong malaking bahay ko sa bayan natin, dito ko lang nakuha sa pagsasayaw ko..bakit ko ba iisipin yong mga sasabihin ng tao, kung kakalam naman ang sikmura ko..
Liezel : sigurado po ba kayo na sasayaw lang kami?
Girlie : oo naman! Nasa inyo naman yun, kung gusto niong kumita pa ng mas malaki, e magpa-table kayo, o kaya naman, mag-pa take out kayo!
.
Kinikilabutan si katelyne sa sinabi ni Girlie, samantalang ang mga ibang kasamahan ng dalaga ay sumang-ayon kay Girlie at Micah..pinalakas naman ni Liezel ang loob ni Kate.
.
Liezel : okay lang yan kate, huwag kang matakot, kasama mo naman ako, wLa naman sigurong masama kung sasayaw lang tayo, basta ba hindi tayo hahawakan ng mga lalakeng manunuod.
.
Kahit papano ay nawala ang kaba ni kate, pero laking gulat ni Katelyne sa kanilang isusuot sa pagsasayaw, halos lilitaw na naman ang dibdib niya.
,
Kate : pwede bang hindi na lang ako sasayaw, kasi parang hindi ko kayang sumayaw ng ganyang ang damit..
Girlie : hindi pwedeng magkulang ang grupo nio dahil masisira ang magiging steps nio sa sayaw, dahil may kanya kanya kayong mga steps,.
Kate : hindi ko talaga kaya..baka merong mas maayos naman dito sa pang-itaas na ito, yong hindi naman masyadong lilitaw yong dibdib ko..
Girlie : Jus mio!! Napaka-arte mo..sige, maghahanap ako, pero kapag wala akong nahanap, yan na ang isusuot mo.
.
Malapit na silang magperform pero wala pa si Girlie para sa request niyang isusuot, hanggang sa napilitan siyang isuot yoong halos lumitaw ang dibdib niya, at ng lumabas na nga sila ng grupo niya na sasayaw sa may entablado, pakiramdam niya ay nanliliit siya, napakaraming tao ang naroon, karamihan ay mga lalaki na mga nag-liliwaliw, naghahanap ng mga babaeng magbibigay ng aliw..nanginginig ang mga tuhod ni Kate ng magsimula na ang tugtog ng kanilang sasayawin, tumingin na lang siya kay Liezel at salamat na lang at kasama niya si Liezel na kahit papano ay may kaibigan siyang nagpapalakas ng loob niya..at nagsimula na nga silang sumayaw, ang lahat ng atensiyon ng mga tao roon ay nakatuon sa kanilang mga sumasayaw, lalo na kay kate, ang karamihan ay sa kanya nakatingin, dahil talaga namang napakaganda ng hubog ng katawan niya, idagdag pa ang maputi at makinis na balat at ganda ng mukha..maraming kalalakihan ang namangha sa kagandahan ni Katelyne, ang iba ay kinakausap ang namamahala doon na kung pwedeng imbitahin si Katelyne na makasama nila sa Table nila.
.
Girlie : sir sorry po, mga dancer lang po sila..first time po nila ngayon kaya medyo ilag pa yang mga yan, baka sakali kapag nagtagal na dito yan eh, baka pumayag na. Kaya po hintay hintay lang po tayo ha.maging gentle muna tayo sa kanila.
,
Sumang-ayon naman ang matandang costumer, at lumipas ang mga oras, ay naka-balik na sila Kate at Liezel sa bahay na kanilang tinutuluyan, kasama nila si Girlie.
.
Girls : Ano napagod ba kayo girls?
.
Sabay sabay na nagsipagsagot ang mga babae sa tanong ni Girlie..pero si katelyne ay nakatahimik lang, parang sa pakiramdam niya ay napakarumi na niya, dahil pinagpyestahan ng mga makasalanang mga mata ang kanyang katawan.
.
Girlie : oh eto na ang bayad sa pagsasayaw nio ngayong gabi.(pinakita uli ni Girlie ang mga sobre na naglalaman ng mga pera)
.
Liezel : agad-agad po, pera agad?
Girlie : oo, naman sabi naman sa inyo eh, madali lang kumita ng pera dito..(at pinamudmod na ang sobre na hawak)
.
Labag na labag sa kalooban ni Katelyne ang trabaho na yun, kaya nang iabot na ni Girlie ang sobre sa dalaga ay tinangihan na niya ito.
.
Kate : hindi ko na po tatanggapin yan, aalis na lang po ako, dahil hindi ko po kaya yong trabaho na yan.
Girlie : bakit? Ano naman ang hindi mo kaya sa trabaho na pagsasayaw,...