Paputok❞
[❗Disclaimer❗: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa-gawa nang malilikot kong imahinasyon.]
(•••••••••)
“Pare, magbabagong taon na mamaya. Anong gagawin mo?” tanong ni Mang Ador sa kapwa tambay rin na si Mang Palo.
“Magpapaputok lang ako. At kung may mapagtripan. Ayun pagtritripan.” Sagot ni Mang Palo habang naninigarilyo.
Habang abala sila sa pag-uusap ay may nakita silang isang asong pagala-gala sa kalsada.
Ang itsura nito ay isang asong sugatan at nanghihina na. Halatang wala pang kain. Agad na kinalabit ni Mang Palo si Mang Ador.
“Pare, jackpot!” Nakangiting sambit ni Mang Palo.
Agad na napangiti si Mang Ador sa nakita n’ya. Alam na n’ya ang ibig sabihin nang kumpare n’ya.
Saglit silang umuwi nang bahay at agad na pumunta sa pwesto nang aso. Lumapit sila rito at kinausap.
“Doggie, doggie. Gutom ka na?” natatawang tanong ni Mang Palo.
Tahol lang ang naging tugon nang aso.
“Sige, papakainin ka namin.” Nakangiting sabi ni Mang Palo at saka sinindihan ang paputok at nilagay sa bibig nang aso.
Napatakbo sila palayo at nang pumutok ang paputok. Nagkalat ang dugo sa kalsada. Biglang pumuti ang mata nang aso at halos mangisay ngisay sa sobrang pagkagulat.
“Oh pare, success. Napakain natin s’ya!” Manghang sabi ni Mang Palo kay Mang Ador.
Wala silang tigil sa pagtawa. Lalo na nang tumayo ang aso.
Agad rin itong napatayo at nanghihinang naglakad paalis sa lugar. Naglakad ito habang tumutulo ang dugo galing sa bibig nito.
Gustong tumahol nang aso ngunit, hindi n’ya magawa dahil wala na s’yang boses.
Pagewang...