Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 10
Ayon na nga Hindi na nga nagsikain ulit ang mga bata mas pinili pa nila manood ng TV sa sala…
Si nanay na kakalabas lang ng kwarto ” Oh nasan ang mga bata Jay , ipaghahain ko na at ng makakain pihadong gutom na ang mga yon ”
” Naku nay bayaan mo nalang muna ang mga apo mo at busog pa din yun sila kumain kasi kami sa Jollibee kanina eh , mamaya na daw sila kakain , ayon nasa sala at manunood nalang daw muna sila ng TV … Si Rambo nay , hindi ba nagising ?” Mahabang litanya nya sa kanyang Ina
Nangiti si Nanay na napatingin sa gawi ko ” Inspirado ang aking anak kasi andito kana , kayo ng mga bata , kung ano man ang iyong agam agam isawalang bahala mo na at ikaw ay tanggap namin katulad ng pagtanngap ng anak ko sayo ”
Ako na napapaluha habang nakangiti na nalulugod ang damdamin ” Marami pong salamat nay sa pagtanggap sa amin ng mga bata”
” Mahal ka ng anak ko kaya mamahalin kadin namin kasama ng nakaraan mo,”...