Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 16


Author: Miss J
Nagpasya na akong lumabas ng banyo kahit hindi pa nauubos ang sakit na aking nadarama at nasopresa ako andon si Jay nakaupo sa kama paharap sa kinaroroonan ko ” Mahal ? ” yun lang at syay tumindig na papalapit sa akin at akoy niyakap ng mahigpit ” Kung ano man ang mga nabuong plano sa isipan mo, sana kasama parin ako. Huwag mong iwawaglit sa puso mo ang pagmamahal ko ” sabay halik sa aking noo.
Nabigla man pero nakuha Kong bigyan sya ng isang ngiti na kahit pilit man alam Kong makakapgpaligaya sa kanya kahit kaonti ” Aalis ako mamayang hapon, isasama ko silang lahat ” ang mga bata ang tinutukoy ko ” Doon kami matutulog para bukas pag dumating kung sakali ang papa nila andon na kami ” iyon lang at humakbang ako palayo sa kanya papuntang side table at kinuha ang aking hand bag hindi ako makatingin sa kanya ” wag mo ko alalahanin ok lang ako, kaya ko to ” saka ngumiti sa kanya bago ako tumayo at baybayin ang...


pintuan palabas, Hindi ko pa nagagawang buksan ang seradura ng hilahin nya ang aking kamay ” Hihintayin parin kita, maghihintay ako na makabalik kayo ” saka nya ibinaling ang kanyang paningin sa labas ng bintana, may nakita ako sa kanyang mga mata, luha na kahit kanyang pigilan pero kusang kumakawala sa pag agos sa kanyang mga mata.
Naaawa ako sa kanya , sa sarili ko at sa sitwasyon namin, papaano ko ba ito aayusin. Hindi ko alam, magulo ang aking isipan.Pinuntahan ko ang mga bata para maka pag ayos na sila ng kanilang mga sarili at pagkatapos pumunta ako sa kusina at tiningnan ko si Nanay ” Good morning po nay ” at akoy ngumiti saka nagmano sa kanya ” aalis po muna kami mamaya ng mga bata, uuwi po muna kami sa amin, meron lang po ako aasikasuhin ” sunod sunod Kong saad sa matanda na alam Kong nagulat sa narinig. Habang nakaupo naramdaman ko ang yabag na yon, ang yabag ni Jay papalapit sa amin at diko manlang sya magawang tapunan manlang ng tingin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top