Pinagtagpo pero hindi Itinadhana – Pagpapatuloy ng Kabanata 3


Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 3
Dumaan ang ilang oras at hindi nga nya ako binigo nagsend sya ng kanyang larawan habang nagluluto at hanggang sa kumakain at my caption na ” DARATING DIN ANG TIME NA MAIPAGLULUTO KITA AT SABAY TAYONG KAKAIN ”
Ako parang teenager kilig at saya ang naramdaman para sa estrangherong pakiramdam
” Sarap naman nyan 😊 ” chatback ko sa kanya
” Hayaan mo na maipagluluto din kita kapag sinubukan mong makauwi dito sa atin ” litanya nya sa akin ” Bakit nga kaya hindi ka umuwi ? Tutal malapit ang lugar mo dito sa lugar ko , para magkita na tayo ? ” sabi nya pa sa akin
Ewan ko ba pero napaisip ako , bakit nga kaya hindi pero iniisip ko din ang mga bata at ang ipapamasahe , masyadong mahal at malayo , na excite ako bigla
” Sige matingnan kung kaya ba ” sagot ko sa kanya ” Malay mo makauwi ako , basta ba manlilibre ka eh , tagal ko ng hindi nakakakain ng Jollibee , hahaha ”
” Ahm malapit na Bday ko this coming December ,...


baka pwedeng sa Bday ko makarating ka ? ililibre kita at dadalhin kita dito sa amin para makilala mo na ang mga nanay at mga kapatid ko ” sya ulit
” Ipakilala agad agad ?! ” nakangiting sagot ko habang nagtitipa ng Cellfon
” Seryoso ako , hindi kita binibiro gusto Kong maipakilala kita sa nanay ko para legal na ” pahabol pa niya ” Gusto ko sana na ayusin mo yung gulo sa asawa mong walang kwenta at para makapag umpisa kana ng panibago ”
Ako natameme , apakabilis nya magisip , aware sya sa nararamdaman nya at sa sitwasyon nya , walang takot at walang pagaalinlangan
” Oh sige n muna , may puntahan lang muna ako saglit ” sabi ko nalang
” San ka punta , sige magingat ka ” saad nya
” Mamimili lang ng konting stock sa bahay , sige na bye Mister “, biro ko sa kanya
” Ahm ayoko nun Mahal ang gusto ko , sige na Mahal text mo ko pag nandon kana , ingat Iloveyou ”
Hindi ako nagreply ….
” Sabi ko Iloveyou ” ulit nya
Hahaha possesive masyado , ” iloveyoutoo ”
Salamat po 💕






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top