Enjoy reading!
…..
HIS LOVELY OBSESSION
Simula
“Bakit ito lang?!” sigaw ng aking ina umagang-umaga habang binibilang ang perang binigay ko.
“Iyan lang po kasi ang kinita ko, ‘Nay.” sabi ko. Ibinigay na kasi sa amin ang sahod namin kagabi pero kulang pa rin kay Nanay.
“Wala ka talagang silbi! Kung sana sinunod mo ang payo kong mag-full time sa bar na ‘yan. E di sana malaki ang kinikita mo! Tumigil ka nalang sa pag-aaral mo dahil wala ka naman mapapala diyan!”
‘Yun ang palaging ipinapamukha sa akin ni Nanay pero hinahayaan ko na lang. Para saan pa’t titigil rin ito kabubunganga sa akin? Tiniis ko pa rin… lahat ng masasamang salitang ibinato niya.
“Bwisit talaga!” patuloy na sigaw niya.
Bahagya akong napaatras nang ibato niya sa akin ang basong plastic na pinag-inuman niya. Atsaka umalis palabas ng bahay.
Bumuntong hininga ako habang nakamasid sa papalayong bulto niya. Nakagayak ito at mapula ang bibig. Siguradong kila Aling Suling ito didiretso kung saan palaging may sugal. Ganoon naman palagi kapag may inaabot akong pera sa kanya, napupunta sa sugal. At kapag natalo sa akin niya ibinubuntun ang galit.
Hindi ko namalayan may tumulong luha pala sa aking mata. Kahit kailan hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ibinabato niyang salita sa akin.
Bakit ganoon? Ginawa ko naman lahat para mabigyan pa rin siya ng pera? Pero bakit ganoon pa rin ang sinusukli niya? Kahit simpleng ‘Thank you’ wala manlang akong natanggap.
Pumasok ako sa aking silid. Sakto naman tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng aking kama.
“Aviona!” tili ni Sandra sa kabilang linya nang sagutin ko ito.
“Napatawag ka, Sandra?”
“Hindi makakapasok mamayang gabi si Danna. May problema ang gaga!” tukoy niya sa kasamahan namin sa trabaho. “Kung gusto mo ikaw muna ang papalit sa kanya mamaya? Nasabi ko na ito kay Madam Kemery. Pumayag naman siya.”
Nakapasok ako doon bilang waitress dahil sa tulong ni Sandra na kaibigan ko mula pagkabata, doon din kasi siya nagtratrabaho bilang waitress din. Pero full time ito, hindi gaya ko na sa gabi lang ang pasok dahil nag-aaral ako sa umaga.
“Sige. Gusto ko rin para madagdagan ipon ko.” sabi ko kahit katatapos lang ng shift ko kaninang umaga.
Narinig kong malalim siyang bumuntong hininga. “Nakita ko kanina si Aling Florida. Nakapostura na naman papunta kila Aling Sukling. Binigyan mo na naman pang sugal?”
“Hayaan mo na, Sandra. Ayoko naman magalit sa akin ang Nanay ko.”
“Iyang Nanay mo talaga, Aviona! Napaka-ambisyosa! Bakit mo pa kasi binibigyan iyon ng pera pang-sugal niya? Paano na ang tuition fee mo sa school niyo?”
“May naitago naman ako. Hindi ko naman binibigay kay Nanay lahat. May itinira pa rin naman ako para sa sarili ko.”
“Aba, dapat lang. Ikaw ‘tong nagpapakahirap magtrabaho tapos iyang Nanay mo sarap ng buhay! Buti nalang hindi siya ang naging Nanay ko. Mabuti na lang, Aviona! Kung oo man baka matagal ko nang nginudngod ang nguso no’n sa sahig.”
“Sandra!” Kahit ano man ang natatanggap kong insulto sa Nanay ko, hinding-hindi ko gagawin iyon gaya ng sabi ni Sandra.
“Tsk. Sige. Ibaba ko na ang tawag. Susunduin kita diyan mamayang alas syete.”
Mabuti nalang Sabado ngayon. Kaya ko pa naman pumasok dahil wala naman pasok bukas sa school.
Pagtapak ng kamay ng orasan sa alas syete, nandito na sa bahay si Sandra. Nakabihis na rin ako ng pantalon at pinares ko ang puting t-shirt ko. Dahil basa pa ang buhok ko ay hinayaan ko itong nakalugay muna.
Pagdating namin ay dumiretso kami ni Sandra sa locker para magpalit ng uniporme ng waitress.
Nang natapos ako, pinasadahan ko muna ang sarili sa salamin. Sa isang tingin pa lang, mapagkamalan akong may lahing banyaga dahil sa natural na kulay brown na mata at buhok ko.
“Aviona, tara na. Kanina pa tawag nang tawag si Madam Kemery.” sabi ni Sandra.
Mabilisan kong ipinusod ang maalon kong buhok at sumunod kay Sandra.
“Aviona!”
Sa kabila ng malakas na tutog ay narinig ko pa rin ang nakakarinding sigaw na iyon ni Madam Kemery, ang baklang manager dito sa pinagtratrabaho’an kong bar.
“Po?” sabi ko nang nakalapit na ako ng tuluyan.
Nakapameywang siya. “Hindi ba ang sabi ko sa’yo doon ka lang sa table nila Mr. Ruiz. Bakit nakita pa rin kitang nagse-serve ng inumin sa kabilang table?”
“Tinulungan ko lang po si Sandra,” sabi ko sabay tingin sa sahig.
Nakita ko kasi kanina si Sandra na nahihirapan sa pagse-serve. Dahil wala naman akong ginagawa at nakatayo lang habang naghihintay sa utos nila Mr. Ruiz ay lumapit ako kay Sandra sa kabilang table.
Tinaasan ako ni Madam Kemery ng kanyang kilay. “Nagdahilan ka pa. Ano na lang ang sasabihin ni Mr. Ruiz? Bigatin ang customer nating iyon, Aviona! Mahiya ka naman. Ikaw ang inatasan kong pumunta roon dahil ikaw ang gusto niya. Kaya sana magpakitang tao ka naman.” mahabang litanya niya sa akin.
“Sorry po....
Hindi sa’yo ‘tong story. So please delete it. This is mine. Mahiya ka naman po. Lahat ng stories na ninakaw mo. Delete mo.