Playgirl in the city Chapter 2


Naghanda nang almusal si Avery nang makaalis si Rafael. ” Inferness sa lalaking iyon ang guwapo. Tindig palang parang kaya kang ipagtanggol sa laban.” aniya sa sarili.
” Yong tipong walang makaka papanakit sayo kapag kasama mo siya?”
” Hoy, pinag nanasahan mo siya? yong utang mo bayaran mo?” saway nang isipan niya.Napangiwi pa siya nang maalala ang galit na mukha ni Rafael.
Agad niyang inubos ang kanyang kape at makapag ligo nang maka uwi siya sa bahay nang mama niya.
Baka mamaya balikan pa siya ni Rafael at singilin naman siya nito wala pa naman siyang pera ngayon dahil wala pa siyang sahod.
INIS NA INIS si Rafael umalis sa lugar ni Avery. ” Bwesit talaga yong babae na iyon hindi ako maka pag trabaho ngayong araw na ito dahil sinira niya ang camera ko. Nasayang ang araw ko na walang ginagawa.
Malayo na siya nang maalala ang mukha nang babae” Teka, diba siya yon?” bulalas niya nang maalala ang mukha” Lintek na babaeng iyon naisahan pa ako” galit siyang bumalik papunta sa lugar ni Avery sakay nang kanyang motor bike.
” ngayon lang talaga ako na stress nang ganito dahil sa isang babae. Sarap bitayin nang patiwarik. Nang gigigil na talaga ako. Hindi ako nanakit nang babae pero baka ngayon maka panakit na ako” galit niyang sabi sa sarili.
” Pwerhisyo talaga yong babae sa buhay ko oh, oh! Ano kayang nakain niya at itinulak pa ako” sabi niya habang nilakbay pabalik ang lugar ni Avery.
NASAKALAPIT nang malaking halaman si Avery nang mapansin si Rafael nakasakay nang motorsiklo nito. Hindi nito sinout ang helmet kaya namukhaan niya ito mabilis siyang nakapag kubli sa halaman. Nalakbayan siya Rafael sinundan niya ito nang tingin huminto ito sa tapat nang apartment niya.
“Sabi kuna nga ba babalikan ako nang lalaki iyon. baka inlove na sa akin kaya hinahanaphanap na niya ako” natatawa niyang sabi sa sarili at mabilis na umalis palayo bago pa siya makita ni Rafael.
“MABUTI naman at na aalala mo kaming dalawin rito” bungad nang kanyang ina nang makarating siya sa kanila.
Niyakap niya ang ina ” Mama naman wag kana tampororot heto nanga ako”
Madalang lang siyang umuwi sa kanila simula nang nakapag trabaho siya. Kung maka dalaw naman siya rito hindi naman siya nagtatagal.
Mas gusto niyang tumambay sa kanyang apartment kapag wala siyang trabaho. Na enjoy niya ang mag isa. Mag sa-sound trip buong araw walang e-isturbo sa kanya.
” Nasaan si ate?” tanong niya nang hindi marinig ang kapatid na nag iingay.
” Kasama ang papa mo may pintuntahan sila” tugon nitong pinag handa siya nang pagkain.
” Ma, baka dito muna ako matulog mamayang gabi” napangiti ang ina sa kanyang sinabi.
” Naku, ang ngiti ni Cecilia fuente abot tainga” tukso niya sa ina. Tinawag niya ito sa full name kapag hinarot harot niya ito.
“Bakit ka dito matutulog?” tanong nitong nagtataka. ” may pinagtataguan ka no?” tanong nito sa kanya.
” Wala ah! Masama ba dito muna ako, eh na miss ko kayo eh” alibi niya.
” ayaw mo ba ako dito matulog? uuwi nalang ako?” nakasimangot niyang tanong sa ina.
” Ano kaba, syempre gusto ko. Gusto ko ngang dito kana lang palagi” nakangiti nitong sabi sa kanya.
Mayamaya pa niyayakap siya nito.” Anak, malapit na ang birthday ko”
natawa siya sa paalala nang ina alam na niyang may hihingin na man ito sa kanya.
” Alam kuna yan mama” natatawa niyang sabi”...


pagka sahud ko bibigyan kita nang regalo.Alam ko gusto mo yong damit nasa kilalang boutique. Mas mahal pa ang damit mo mama kaysa sa akin” pabiro niyang sabi rito.
“ Alam mo talaga ang gusto ko anak”
“ Syempre nanay kita” natatawa niyang sabi.
Matapos siyang kumain nagpaalam siya sa ina umakyat na sa kanyang silid.
Napa dungaw siya sa may bintana nang makapasok siya sa kanyang silid. Natuon ang attention niya sa lalaking nakatayo sa labas nang bahay ni aling Bebang.
Nag e-enjoy siya pinag masdan ang lalaki nakatalikod na tila may kausap ito sa celphone.
Sa likod palang nito alam na niyang pogi ang binata. Sa tantiya niya ay nasa 5’11 ang taas nito.
” Sino yang tinitignan mo?” napaigtad siya nang marinig ang boses nang ate niya.
” Ate naman eh, nang gugulat ka naman pwedi ka naman kumatok muna” maktol niya rito at muling ibinalik ang tingin sa lalaki.
” Pamangkin iyan ni aling Bebang. Bagong dating dito sa atin” sabi nang ate niya nang sundan nito nang tingin ang tinitignan niya.
“Guwapo yan” nakangiti nitong dagdag.
Lalo siyang na curious, mga ganitong tindig ang gusto niya. Inasam asam niyang lumingon ito sa gawi niya. ” Pag lumingon ka akin ka” bulalas niya sa sarili. Halos hindi niya kinurap kurap ang mata.
” Just one look please” hinaing niya. ” kilala mo na siya ate?” tanong niya sa kapatid na hindi ito tinapunan nang tingin.
” Paano ko iyan makilala nasa loob lang ako tapos lagi naman yang wala sa bahay nila. himala ngang nandiyan iyan ngayon araw nato”
Kating kati na talaga siyang makita ang mukha nito. ” Ano ba kasi ang hitsura mo, bakit ba ayaw mong humarap” aniya sa sarili.
” Gusto ko siyang makilala ate”
“Diba may boyfriend ka?” nakakunot noo tanong nito.
Napangiwi siya nang maalala si Mark.
“ Hiwalay na kami” tugon niya rito
“ Abay, Avery para kalang nag papalit nang damit ah! Pang ilang boyfriend muna yan? Pinaglalaruan mo lang ata ang feelings nang mga lalaki, Pag ikaw magantihan naku!” anang ate niya “ baka iiyak ka” dagdag pa nito.
“ Naku, ate wala sa vocabulary ko ang iyakan ang mga lalaki. Baka akalain mauubusan ako” aniyang pinandilatan nang mata ang kapatid.
“Avery, wag magsasalita nang tapos” kuntra nang ate niya.
“ Naku! Sa ganda kung ito? iiyak para sa mga lalaki, ano sila sinu-swerte!” mariin niyang pagka sabi muli niyang binaling ang tingin sa labas nang bintana.
Namilog ang kanyang mga mata nang makitang lumingon ang lalaki kanina pa niya pinag masdan.
“ S****t si Rafael!” bulalas niya nang mamukhaan ang lalaki mabilis siyang umalis sa bintana. “ Paanong magkapit bahay kami?” hindi makapaniwalang tanong sa sarili.
“ Avery!” tawag nang kanyang ina.
“ Bakit ma?” tugon niya rito
“ Pumunta ka kina Bebang, ihatid mo itong plato nila pinaglagyan nang ulam kahapon” utos nang kanyang ina.
Bigla siyang namutla sa utos nang kanyang ina. Umalis nga siya sa apartment niya para matakasan si Rafael. Ngayon siya pa ang lalapit dito.
“ KAYA nga tol, pagbabayarin ko ang babaeng iyon” inis na sabi ni Rafael sa kausap nito sa celphone.
“ Biruin mo itinulak ako sa fountain? baliw siguro yong babaeng iyon. Napag tripan ako. kahapon pa ako napahiya nang ganon dahil sa katangahan niya” anas niya sa kausap.
Lalo pa siyang nainis kay Avery dahil naisahan siya nito ngayong araw. Nagpanggap pa ito nang katulong nang makaharap niya kanina.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top